Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
Romance
1066.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Under His Possession

Under His Possession

Masaya na at kuntento kahit naghihirap sa buhay ang dalagang si Janiya. Para sa kanya, lahat ay makakaya at malalagpasan niya basta't kasama niya ang kaisa-iss na lang niyang pamilya- ang Papa Crisanto niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang siyang iwan ng pinakamamahal niyang ama? Iniwan siya nito nang wala kahit maayos na paalam man lang. Iniwan siya nito nang walang kahit ano maliban sa isang pirasong papel kung saan nakasulat ang dalawang address ng mga lugar na hindi niya alam. Isa na roon ang lugar na tinawag nitong "Mansion de Castillejos". Doon umano nakatira ang matalik na kaibigang babae ng ama niya- si Yvonne. Ngunit nang marating na niya ang mansiyon, isang nakakagulat na rebelasyon ang sumampal sa kanya- dalawang taon na palang patay ang babaeng pakay niya. At ang tanging naiwan nito sa mansiyon ay ang katulong na si Gervacia at ang nag-iisa nitong anak na lalaki, si Strike Vicencio o "SV"- isang kilalang CEO hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito kundi lalo na sa pagiging enigmatiko at misteryoso- na walang pagdadalawang-isip na inako ang pangangalaga sa kanya pansamantala habang hindi pa bumabalik ang ama niya. Ano ang nakatakdang mangyari sa pagsasama nila ng binata sa iisang bubong? At paano kung unti-unti ay makaramdam siya ng pagtatangi sa lalaki? Lalabanan ba niya ang sariling nararamdaman o ipaglalaban at gagawin niya ang lahat para maangkin ang supladong bilyonaryo, kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila sa isa't-isa at nalalapit na rin itong ikasal sa iba?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Kakaibang Init (SPG)

Kakaibang Init (SPG)

May asawa na si Ralia, pero pakiramdam niya, parang wala rin. Bakit? Uuwi lang kasi ang asawa niya para matulog sa bahay, kumain at pagkatapos, wala na puro work na lang ang importante rito. Simula nung malaglag ang first baby nila, parang nawalan ng gana ito sa kaniya. Sinisisi si Ralia ng asawa niya dahil pabaya raw ito at walang kuwentang ina at asawa. Dahil sa pagiging cold ng asawa ni Ralia, nakagawa tuloy siya ng maling desisyon. Pumatol at sinamahan niya sa kama si Aleron—bestfriend ng asawa niya. Matagal na niya kasing pansin na parang trip siya nito. Matagal na rin siya nitong nilalandi, iniiwasan lang niya dahil may asawa na siya. At dahil napuno na siya at nanlamig na rin sa totoong asawa niya, nademonyo na siyang pumatol dito, hindi lang isang beses kundi maraming beses pa. Natuklasan pa niya na allergy si Aleron sa mga spicy food. Na kapag kumain siya ng kahit anong maanghang na pagkain, ganado at talaga namang naglilibög ng husto si Aleron. Kapag ganoon, mas lalo itong wild sa kama, bagay na lalong kinakaligaya ni Ralia sa kaniya. Hanggang isang araw, nalaman ni Ralia na nabuntis siya, hindi ng asawa niya kundi ni Aleron na kabit niya. Sinong pipiliin niya—asawa niyang napaka-cold sa kaniya at sinisisi sa pagkawala ng first baby nila o si Aleron na sobrang sarap sa kama, mahal na mahal siya at binibigay ang lahat ng gusto niya?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Escape Marriage

Escape Marriage

vintaegexmc
Talulla Fay Zelda, nag-iisang anak ng isang sikat na mag-asawa na may-ari ng malaking kumpanya sa may Cavite. Lagi siyang sunod-sunuran sa bawat sabihin ng mga magulang niya at alam niya sa sarili na nakakasakal na ang gano'n na sitwasyon o sistema, kaya nang sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na ikakasal siya sa isang anak ng mga Osvaldo, ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. At ang lalaking iyon ay si Sebastian Kenji Osvaldo, na siyang magiging Heir ng isang sikat na magazine company sa buong bansa at kilala rin internationally na, Dazzle Company. Kilala si Sebastian na mabagsik at hindi napapaamo sa kahit sino man. Wala itong pinapansin kung hindi naman trabaho ang usapan. Giginhawa kaya ang buhay niya sa piling ni Sebastian? O mas lalo lang gugulo ang inaasam niyang kalayaan sa buhay?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
Romance
68.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Trapped in Love

Trapped in Love

Si Caroline Shenton ay ang matagal na at hindi matinag tinag na presensiya sa tabi ni Evan Jordan. Sa malawak na lungsod ng Angelbay, siya ang ikatlong anak at pinakaiingatan na kayamanan ng misteryosong Jordan family, isang hindi mahawakan at sagradong ganda. Pero, sa loob-loob niya, alam ni Caroline na kapalit lang siya, taga punan para sa tunay niyang pag-ibig. Sa araw na nahanap ni Evan ang tunay niyang pag-ibig, malupit niyang itinapon si Caroline na parang laspag na sapatos. Sapagkat nasiraan siya ng loob at dismayado, naging malamig siya, at kasama ang sanggol hindi pa niya ipinapanganak, pinili niyang magsimula ng bagong buhay sa malayong lugar. Lingid sa kanyang kaalaman, nabaliw si Evan, hindi alintana na ang kanyang isang dekada ng hinahanap, na tunay niyang pag-ibig, ay matagal na palang nasa tabi niya…
Romance
9.586.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Celeste: Of Beauty and Secrets

Celeste: Of Beauty and Secrets

Bimaia
Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Misyon nila ang masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay mayroon siyang madilim na sikretong pilit na itinatago sa iba. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status