Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Mheilin, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid na si Percival sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Monica, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Carlos Fuentevilla, ay labis na umiibig kay Monica at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ng kapatid niya mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Carlos, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Monica. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para kay Percival ngunit pilit niya itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
10629 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as mamaya na
Read
+Library
My Tiring Life (Tagalog)

My Tiring Life (Tagalog)

Firedragon0315
Dumadating sa punto masakit ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Subalit mas pipiliin mo ang magpaubaya kung alam mong napapagod ka na at wala na kapag-asa na magbabago ang lahat sa inyong dalawa. Mahal mo na siya ngunit malinaw sayo na may mahal siyang iba. Ganun si Vernice sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Ngunit mas gugustuhin niya ang palayain ang sarili kesa ang tuluyang saktan ang sarili na makita na may ibang kasama ang kanyang asawang si Raffy. May pag-asa ba pang magkaroon ng isang panibagong yugto ang pagsasama nila na pinangarap lang nuon ni Vernice?
3.3K viewsOngoingAdded to Library 69 Times as mamaya na
Read
+Library
Husband for Sale

Husband for Sale

Si Eilish Rivera ay isang mayaman na dalaga, nasa kanya na ang lahat, magandang mukha, sexy na katawan, mala porselanang kutis lahat na ng katangian na nanaisin ng isang babae ay nasa kanya na, ngunit dahil sa kahilingan ng kanyang mamita na humanap na ito ng magiging katuwang niya sa buhay bago ito mawala ay napilitan siyang sumali sa isang elite auction. Dito ay makikilala niya si Alejandro Vitale, isang bilyonaryo na isa sa isasalang sa auction, wala ito sa plano niya, wala siyang ideya na ang matalik niyang kaibigan na si Hendrix ang naglista sa kanya dahil sa kanilang lahat na magkakaibigan ay tanging ito na lamang ang piniling magpakalunod sa trabaho at pagpapayaman. Akala niya ay simpleng auction lang ang dadaluhan niya pero siya na pala ay kasali sa mga Husband for Sale at si Eilish ang babaeng makakabili sa kanya. Paano kung ang asawang napili mo ay hindi pala ordinaryong lalaki na pwede mong hiwalayan pagtapos ng isang taon? Paano kung sa bawat titigan at aksidenteng haplos ay unti-unting bumigay ang puso mong pilit mong prinoprotektahan?
264 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as mamaya na
Read
+Library
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
1011.0K viewsOngoingAdded to Library 264 Times as mamaya na
Read
+Library
Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
102.4K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as mamaya na
Read
+Library
Veil of the Billionaire's Child

Veil of the Billionaire's Child

Dahil gusto niyang tulungan ang kanyang pamilya at gamutin ang kanyang may sakit na ama, napilitan si Lia na sumali sa isang lihim na fraternity. Akala niya na ito ay isang mas mahusay na paraan upang kumita ng pera, ngunit hindi pala. Lalo na nang kinaladkad siya sa isang hindi pamilyar na kubo dahil sa paglabag sa initiation ng fraternity. Nakapiring siya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat, ngunit huli na. Nakuha ng isang estranghero ang kalinisan na pinaka-inaalala niya. At ang tanging bagay na magagawa niya nang gabing iyon ay tumakbo at takasan ang lahat ng maling desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngunit ang gabing pinabayaan niya ang kanyang sarili ay nagbunga. Hanggang sa nalaman niya na ang batang dinadala niya ay anak ng isang milyonaryo.
101.9K viewsCompletedAdded to Library 67 Times as mamaya na
Read
+Library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
104.1K viewsCompletedAdded to Library 106 Times as mamaya na
Read
+Library
My Sexy Boss (Tagalog)

My Sexy Boss (Tagalog)

Si Cherry Mae Banaag. Isang ulira at masipag na anak. Wala siyang ibang hangad kundi mabigyan ng masaganang buhay ang Ama na may sakit sa puso. Ngunit dahil sa hirap ng buhay at walang ipangtustos sa operasyon ng Ama ay kinailangan ni Cherry na tanggapin ang alok na tulong ng sikat na bokalista ng banda na Logistic Band na si Rexon Del' torre na nakilala lang niya sa isang bar kung saan siya nagta-trabaho. Noong una ay pumayag siyang mamasukan bilang Personal assistant nito ngunit kalaunan ay iba na ang hinihinging kapalit ni Rexon. Makakaya n'ya kayang gampanan ang kapalit na tulong na binigay nito? Oh dapat na siyang umatras dahil pati yata ang puso niya ay nagawa na nitong bihagin.
9.5211.3K viewsCompletedAdded to Library 6.8K Times as mamaya na
Read
+Library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
657 viewsCompletedAdded to Library 21 Times as mamaya na
Read
+Library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
1025.2K viewsCompletedAdded to Library 704 Times as mamaya na
Read
+Library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status