Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10551 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Ephemerality

Chasing Ephemerality

Maria Inna Esperanza is an architecture student studying in their country home, the Philippines, despite her parents' best effort to urge her into studying abroad. Naiisip rin niya ang kagandahan abroad pero mas gusto niyang makapagtapos sa lupang sinilangan, mag disenyo ng istraktura kung saan mas makapagbibigay serbisyo sa kababayan niya at higit sa lahat may pakiramdam siyang di niya maintindihan, na parang may humihila sakaniya na manatili dito. Things changed weeks before her 20th birthday, she began having weird detailed dreams that made her anxiety grew more and it did not help when her cousin Kyle made a bet she thinks is stupid but ended up doing it in exchange for Kyle to stop pestering her. Dito niya unang nakita si Kyran, nagkakilala at naging magkaibigan. Sa pag pasok ni Kyran sa buhay niya aminado siyang umiba ang ikot ng mundo niya. However, the weird detailed dreams did not stop and it seems that it's a story that bounds to continue, she began lucid dreaming. May panahon na pakiramdam niya may napupuntahan siya pero wala naman. Habang gumaganda ang samahan nila ni Kyran ay ganun din ang pagbabago ng mga gawi niya. Nagsimula siyang mahulog kay Kyran. Kasabay ng nararamdaman niya para kay Kyran ay ang pagtindi ng di niya maipaliwanag na deja Vu lalo pa ng malaman niyang nagpaplanong maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Before she finally decided to admit her feelings for Kyran and after she has collected a good amount of courage to face him if he rejects, she uncovers the truth about the story she has been dreaming of all along. A story that ends tragically. She knew she wants to fix the ending, she did her best to gather information and find the man from 1780.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
220 viewsOngoing
Read
Add to library
The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

Sa isang pustahan ng mag inang Ellicia Guevara at Ellara Guevara nagsimula ang lahat. Hinamon ni Ellara ang kanyang ina sa isang pustahan, alang-alang sa panandaliang kalayaan na mahalin at paibigin si Gabriel Zerosa. Pumayag naman ang Ginang sa gusto ng dalaga ngunit kaakibat noon ang ilang rules. That once she lose the bet, babalik siya sa kanila at paninindigan ang pagiging tagapagmana. Sinimulan ni Ellara ang planong paglapit kay Gabriel kasabay ng pagtalikod sa kanyang tunay nakatauhan. From a rich, popular and happy go lucky girl. Nag-transform si Ellara bilang masunurin at mabait na babae sa paningin ni Gabriel. Nagawa ni Ellara na hindi lang basta makalapit sa lalaki kundi manatili na rin sa piling nito. Wherever Gabriel goes, Ellars is always beside her. Kahit na magmukhang desperada Ellara never leave his side. On Gabriel’s birthday, Ellara knew na talo na siya. To make things seems right. She acted the way she used to be. Pero may mga taong matalim ang dila lalo na sa ikakasira at ikakasakit ng damdamin ng iba. Nagkaroon ng pagkukumpara ang iba hanggang sa nadawit na ang pangalan ni Ellara kaya nararamdaman ng babae na dapat niyang ibangon ang kanyang dignidad. “Minsan na akong na talo. I won’t allow you again to defeat me.” Out of nowhere, as a random but smooth revenge in-announce ni Ellara na engage na siya sa anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa italya na walang iba kundi si Hector Lombardi na isa sa guest of honor ng event. Agad umahon ang mga haka-haka, walang sino man ang nakakita sa binatang binanggit ni Ellara. Dahil ilang ulit man itong imbatahan wala itong pinaunlakan. Ngunit sa isang iglap dumating ang lalaki claiming Ellara as his fiancee. Nagbago lahat sa paligid kahit si Gabriel ay hindi makapaniwala.
Romance
10210 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1011.9K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status