Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.9K viewsCompleted
Read
Add to library
THE CEO'S ENTERTAINER

THE CEO'S ENTERTAINER

Sanay si Belle Elfero mamuhay sa makasalanang mundo. Tumagal siya sa trabaho niya bilang entertainer sa loob ng anim na taon at nananatiling protektado. Isa siyang berhin, na nakakuha ng attention ng isang doctor na tumingin sa kaniya sa health center. Naging dahilan iyon upang bisitahin siya ng lalaki sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya akalain na iyon ang simula ng pagbabago ng kaniyang buhay. Mahalaga para sa kaniya ang salitang first time at kasal, nais niyang makamit ito sa isang lalaking mahal niya sakaling magkaroon siya. At ang alas na mayroon siya ay ang pagiging berhin niya. Ngunit ang doctor na iyon, na nakilala niya bilang Hivo Soulvero, isa rin palang CEO at nais siyang bilhin upang gawing legal na asawa sa milyones na halaga. Nagkataong nagkaproblema siya sa kaniyang pamilya at talagang kailangan niya ng isang milyon. Wala siyang ganoon kalaking halaga at ang tanging paraan lamang niya ay ang tanggapin ang kasal na alok ng doctor na CEO. Papayag kaya siyang magpakasal sa isang lalaking binibili lamang siya?
Romance
1026.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Womanizer Series 05: Zack Balley

Womanizer Series 05: Zack Balley

Blazingfire
Zack Balley is one of the womanizer in town. Nagmana ito sa ama nitong si Zaver Balley na dati ding womanizer. Zack is a cold person, but not in his secretary, Maiden, na siyang palaging kalaban nito pagdating sa mga babae niya. One night, isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa kanila. They are both drunk, but Zack was in his right mind when it comes to Maiden. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya maligawan dahil may boyfriend na ito. Dahil sa nangyari sa kanila, Maiden decided to leave. Hindi niya kayang harapin si Zack. Hindi pumayag si Zack sa pag-alis nito kaya naman umalis na lang siya ng walang pasabi. Pumunta siya sa ibang lugar para magsimula ng bagong buhay pero hindi niya inaasahan na sa bagong buhay na sisimulan niya ay may kasama na siyang bata. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila. Sa nakalipas na limang taon, muling magkikita ang landas nila. Makikilala kaya ni Zack ang anak nilang kasing mukha nito, pero kasing ugali naman ni Maiden?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Weakness

The Billionaire's Weakness

ultimategel
Kilala si Anna Zamora dahil sa kaniyang Ama na tumatakbo bilang mayor sa kanilang bayan. Hindi naging madali para sa kaniya ang popularidad na ito. Ganoon pa man ay mas pinili niya pa rin na mamuhay ng simple lang. Nakilala niya si Daniel Fortez na noon ay nagtatrabaho sa kanila. Sa araw-araw na nagsasalamuha sila ay hindi niya maiwasan na mapalapit dito. Ngunit siguradong hindi papayag ang kaniyang mga magulang na umibig siya rito. Isang aksidente ang nangyari sa magulang ni Anna. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagpakalayo siya para na rin sa kaligtasan niya. Ilang taon ang nakalilipas nang muling maglandas ang mundo nila Anna at Daniel ngunit malaki na ang pinagbago ng binata dahil hindi na lamang ito pangkaraniwang tao, he's now a Billionaire.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My gay husband (TAGLISH)

My gay husband (TAGLISH)

High school palang ay crush na crush na ni Trixie si Ken kahit na alam niya ang secreto nito, na isang bakla si Ken. Maraming babae ang nagkakagusto pero ang di nila alam na kagaya nila, lalaki rin pala ang gusto ni Ken. Nang maka graduate sila ng college ay napilitan si Ken na pakasalan si Trixie dahil sa mga magulang nila, labag man sa kalooban niya ay pumayag siya kahit na may kasintahan na itong lalaki. May pag-asa kayang magkagusto ang isang bakla na kagaya ni Ken sa babaeng pinakaayaw niya sa lahat? Ilang taon pa kaya ang dadaan bago pa ma-realized ni Ken kung gaano siya kamahal ni Trixie? Lagi nalang ba silang parang aso at pusa na laging nag aaway?
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
 THE SCHOLAR (TAGALOG)

THE SCHOLAR (TAGALOG)

Hanggang saan ka magsisikap na maabot ang iyong layunin? Nagawa mo bang ipagkanulo ang iyong mga kaibigan- kahit na hindi ka kamukha ng taong gagawa ng ganoong bagay? Gutom sa tagumpay at papuri, si Lily Jenkins ay tumanggap ng alok mula sa isang napakatagumpay na paaralan. Dahil sa kasakiman at pananabik ay nagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin, na kung saan ang kanyang pagkakasala ay aatake sa kanya mamaya. Papayagan ba niya ang isang punong guro na ayusin ang kanyang kapalaran? O subukang umasa sa kanyang mga kaibigan kahit na hindi sila masyadong mapagkakatiwalaan? Alamin sa SCHOLAR, isang memoir kung paano makukuha ng paaralang ito ang kanilang mga estudyante sa kanilang mga marahas na bersyon. Batay sa totoong buhay na mga sitwasyong pang-akademiko, dadalhin ka ng maikling novella na ito sa isang kapanapanabik na paglalakbay nang walang mga bobong karakter, ngunit may mga taong mapaglihim na maaaring maging ang pangunahing tauhan, o maging ang may-akda mismo. Is she really a psychopath?
Mystery/Thriller
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Legal mistress (tagalog SPG)

The Legal mistress (tagalog SPG)

Pumayag si Hailey sa alok ni Selina na maging kabit ng asawa nitong si Justine. 10 milyon ang kapalit kapag nagtagumpay syang akitin at maging kabit nito. Gusto na kasing makipag hiwalay ni Selina kay Justine ngunit wala syang maisip na magandang dahilan para mahiwalay dito kaya naisip nya na kung magkakaroon ng kabit si Justine ay iyon ang gagamitin nya para mapa-walang bisa ang kasal nila. Pumayag si Hailey para sa pera. Unang araw pa lang nilang nagkakakilala ni Justine ay kaagad na nya itong naakit at may nangyari sa kanila. Noong una ay inisip ni Hailey na para sa pera lamang ang ginagawa nya ngunit noong tumagal na ay napamahal na sya kay Justine at nais na nyang totohanin ang lahat sa kanila. Ano kaya ang gagawin ni Hailey sakaling magbago ang isip ni Selina at itigil na ang kanilang napagkasunduan? Paano kung si Justine mismo ay ayaw na syang pakawalan? Paano nya aaminin dito na kaya lang nya ito inakit ay dahil sa utos ni Selina? The Legal Mistress
Romance
10406.1K viewsCompleted
Show Reviews (28)
Read
Add to library
reader
Iwan ko sa story na ito. pero masakit Ang pagkamatay ni Wilson huhuhuhu. bakit deserve parin Ng mga taong mapanakit Ang maging Masaya, samantalang Yung mga taong nagmamahal hg wagas at may respeto hndi na nabgyan jy chance huhuhu
velascohannahjean
Di masyado maganda story puro ka****gan ginagawa ng 2 bida. nagkanda matay matay na mga tao importante sa kanila puro pa din s*x inaatupag nila. yung justine siya dahilan kaya nadisgrasya si wilson hindi niya sinasagot ang tawag yung anak naman nila kanda sakit2 na inuna pa si justine.
Read All Reviews
Heat and Passion

Heat and Passion

Nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa ni Gwen at ng boyfriend ng kaibigan niya. Nang nalaman niya na siya'y buntis ay agad siyang umuwi sa Iloilo at itinago kay Alexander ang kanyang ipinagbubuntis. Masaya na siya sa buhay niya kapiling ang kanyang anak at ama na palaging sumusuporta sa kanya sa lahat ng oras. Ngunit sadyang walang sekreto na hindi nabubunyag. Nalaman ni Alexander na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila at gusto nitong panagutan ang responsibilidad nito bilang ama sa anak niya. Ngunit paano kung malaman ng kaibigan niya na ang boyfriend nito ang ama ng kanyang anak? At paano na lamang siya ngayong nahuhulog na ang loob niya kay Alexander ngunit ang anak lamang niya ang nais nitong panagutan at hindi siya dahil engaged na ito kay Alice na kaibigan niya? As heat, passion, tears and love will invade them both. Will things fall into the right places or not?
Romance
1054.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
337 viewsOngoing
Read
Add to library
The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

Nasira ang relasyon ni Celeste sa kanyang asawa na si Darson nang malamang siya ay baog. Isang araw ay nagdala na ng mistress si Darson sa kanilang tahanan na noon ay apat na buwan nang buntis. Her husband soon divorced her and abandoned her in a dangerous place mercilessly after the dirty thing that mistress did to her. Pero hindi niya aakalain na sa delikadong lugar na iyon ay aksidente niyang maliligtas ang buhay ng isang mafia boss na si Primo Semion Lombardi, at mag-alok ito ng marriage proposal!
Romance
1082.8K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Selene O. Maralit
Miss A more more update pa po please sobrang ganda po ng story nio.. na halos hindi muna tigilan ng pagbabasa dahil habang tumatagal lalo kang gaganahan sa mga pasabog pa ng story na ito. Lalo pa at umamin na si Simeon love ko.........
P.P. Jing
Author here! Mayroon po akong 3 stories in total so far! 1.) SOLD TO THE ABANDONED HUSBAND (Available both Filipino/English) 2.) THE REMARRIED PERFECT HOUSEWIFE: A MAFIA BOSS PROPOSAL 3.) AMNESIA TRIPLET MOMMY: BILLIONAIRE'S LOST LOVE
Read All Reviews
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status