Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pretend To be His Wife

Pretend To be His Wife

BM_BLACK301
Tanggap na ni Lisa ang bagong kapalaran niya bilang si Selena, magpapangap siya bilang si Selena na nalalapit ng maikasal. Gamit ang sarili niya at ang bagong mukha niya. Tanging ang sarili na lamang niya ang nakakaalam na nabubuhay pa sa katawan niya si Lisa, dahil sa bago niyang mukha. Ginawa niya iyon para sa kaniyang ina na nag-aagaw buhay na at kapalit nga nito ang pagiging si Selena Galvez. Kasama rin sa kaniyang pagpapangap na maging ganap na asawa ni Steven Guevara, na walang kahit na konting pagmamahal sa totoong Selena. Makakayanan kayang gampanan ni Lisa ang pagiging Selena, lalo pa kung marami siyang matutuklasan? at sa araw na matuklasan ni Steven ang lihim niya, matatapos na ba ang biglaan ang unti-unting mamumuo na relasyon sa kanilang dalawa? Lalo pa at natupad na ang hiling ng totoong Selena na magkaroon ng anak man lang kay Steven, kahit hindi na siya mahalin nito?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Ako si Daniel Montenegro isang kilalang Nerd na cute sa school na pinapasukan ko ngayon. Palagi ako ang target ng mga bully na sikat sa school na pinapangunahan ni Kathryn Monte Falco. Isa siyang Queen bee daw kuno at walang pwede na sumalungat sa mga gusto nito dahil para sa kanya siya ang Reyna ng mga bubuyog este ng Campus kaya kung gusto mo na maging matiwasay ang iyong buhay habang nag aaral ka pa lang ay huwag na huwag mong naisin pa na kalabanin ito. Samantala, ang aking mga papansin na magulang ay bigla na lang nalagyan ng tubig sa utak kaya naisipan nilang ipagkasundo ako na ipakasal sa she devil na ito na wala ng ginawang mabuti sa buhay ko. Makakaya ko bang makisama sa katulad nito o hihilingin ko na lang sa aking mga magulang na tanggalan na lang nila ako ng mana at ipamigay na lang sa charity ang mamanahin ko na multi billion worth of companies mula sa kanila. Kaysa ang makasama ang isang katulad nito.
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Claiming His Woman

Claiming His Woman

"Hahanapin kita Laura." Matapos makatakas ni Laura sa kumidnap sa kaniya sa tulong ni Erwan, ay umaas at naghintay si Laura na muli silang magkikita at tutuparin ni Erwan ang pangako sa kaniya na hahanapin. Ngunit sampung taon na ang lumipas walang Erwan na nagpakita. Kung kailan tanggap na ni Laura na hindi na talaga mangyayari ang pangako ni Erwan ay saka naman pagtatagpuin ang landas nila sa isang hindi inaasahan na pangyayari. Dahil sa pa-challege ng kaibigan ni Laura ay makikita niya ang taong matagal na niyang inaasam na makita si Erwan. Ngunit nag-iba na, parang hindi na kilala ni Laura yung dating binatilyong tumulong sa kaniya. Isa na siya ngayong Mafia boss, bastos at masama ang ugali.
Romance
51 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Billionaire

Chasing the Billionaire

Synopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
Romance
35 viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

WARNING ⚠️ MATURED CONTENT ⚠️ READ AT YOUR OWN RISK..!! Paano mo sasabihin sa isang tao na mahal mo s'ya kung alam mo sa sarili mo na may malaki kang kasalanan na nagawa sa kan'ya sa nakaraan? Saan hahantong ang pag-ibig na nararamdaman sa taong manhid na ang puso dahil sa labis na sakit na naranasan at nararamdaman dulot ng ng masaklap na nakaraan? Magtatagumpay kaya ang tadhana na pagtagpuin sila?
Romance
10223.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Hot Sugar Daddy (Filipino)

My Hot Sugar Daddy (Filipino)

Tuwang-tuwa si Pauline matapos na malaman na nakapasa siya sa entrance exam ng isang kilalang pamantasan sa Maynila ngunit kaagad na napalitan 'yon ng lungkot nang ma-realize niya na hindi niya sigurado kung makakapag-aral nga talaga siya sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay nila. Tanging pagtatanim lang ng mga gulay at prutas ang hanap-buhay ng mga magulang niya na talaga naman na hindi sapat sa kanila lalo na lima silang magkakapatid. Gusto niya na makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ang pamilya niya na makaahon sa hirap kaya hindi na niya pinakawalan pa ang pagkakataon na makapag-aral siya kahit alam niya na mahihirapan siya lalo na wala silang pera. Gagawa na lang siya ng paraan para matugunan ang pag-aaral niya. Naghanap kaagad siya ng puwedeng mapagtrabauhan para may pang-tuition siya ngunit hindi 'yon ang kanyang nahanap kundi nakilala niya ang isang guwapo at hot na football coach na si Matthew. Sinabi ni Pauline ang nais niya dito kaya inalok kaagad siya ni Matthew kung gusto niya na maging sugar daddy niya ito. He will give everything to her. Wala na siyang kailangan na problemahin pa. Hindi na niya kailangan na maghanap ng trabaho para may pang-tuition siya sa pag-aaral hanggang sa makatapos siya. All she needs to do is to say yes to him. Papayag kaya si Pauline na maging sugar daddy si Matthew? Is she going to refuse him to be his hot sugar daddy until she fulfill her dream—finishing her studies?
Romance
1045.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!
Romance
8.884.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.21.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Nanny's Affair

The Nanny's Affair

Hindi inakala ni Franny Harlow na magiging kanyang trabaho ang pagiging nanay-tatay (nanny)—lalo na para kay Enzo Westbrook, ang walang awa na bilyonaryo na kilala sa pagiging malamig, katulad ng imperyo ng bakal na kanyang itinayo. Ngunit dahil sa dumaraming utang at kailangangi alagaan ang kanyang anim na taong gulang na anak na lalaki na si Mason, kumuha siya ng trabahong ito at determinadong panatilihing propesyonal lamang ang lahat. Matagal nang isinarado ni Enzo ang kanyang sarili sa mundo, dahil sa kalungkutan dulot ng trahedyang pagkawala ng kanyang asawa. Ang tanging iniisip niya ay ang kanyang limang taong gulang na anak na babae na si Sophie, na hindi na nagsasalita mula nang mangyari ang aksidente. Ngunit nang pumasok si Franny sa kanilang buhay, lahat ay nagbago. Nagsimulang ngumiti muli si Sophie, naging bunsong kapatid na lalaki ni Sophie si Mason, at hindi inaasahang nahulog si Enzo kay Franny. Ang mga lihim na tingin at mahabang paghawak ay unti-unting naging damdaming hindi na nila maaring balewalain. Ngunit ikakasal na si Enzo kay Victoria Langley, isang babae na perpektong umaangkop sa kanyang mundo—ayon sa papel. At si Franny, na hindi pa rin nakakalimot sa kanyang nakaraan, ay ayaw niyang maging lihim na kasintahan ng sinuman. Kapag sumiklab na ang damdamin at lumitaw na ang mga tinatagong emosyon, kailangang gumawa ng desisyon si Enzo: manatili ba siya sa buhay na puno ng tungkulin at pagkakasala, o ipagsugal ang lahat para sa babaeng nagbigay-buhay muli sa kanyang puso?
Romance
432 viewsCompleted
Read
Add to library
The JANITOR’S Secret

The JANITOR’S Secret

Blurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
Romance
319 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status