Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Diary Unspoken Love

My Diary Unspoken Love

Sapphire_08
Pag ibig na itinago at inalagaan sa mahabang panahon. Matagal itinago ni Stanley ang nararamdaman niya kay Serenity. Bukod sa masyado pa itong bata ay alam niya na ang nakababatang kapatid niya ang crush nito. Sumumpa siya sa sarili na hindi pababayaan si Serenity hanggang dumating ito sa tamang edad. Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumayo sa pamilya niya ang dalaga dahil sa problema sa kanyang stepfather. Dumating ang panahon na natagpuan siyang muli ng kanyang pamilya laking tuwa ni Stanley ng muling makita ang dalagitang pinalaki at inalagaan niya ay lumaking maganda at kaakit akit na dalaga. Handa na siyang magtapat ng nararamdaman para dito ngunit ipinakilala nito ang lalaking bumihag sa puso ni Serenity kaya naman maspinili nalamang ni Stanley na itago ang nararamdaman at sarilinin ang sakit kesa maka sira ng pagmamahalan ng dalawang tao. Minahal niya ito ng patago ngunit isang trahedya ang nangyari nadisgrasya si Stanley at ayaw niyang mawala sa mundo ng hindi nasasabi sa dalaga ang nararamdaman. Sinabi niya ito kahit alam niyang walang pag asa. Lingid sa kaalaman ni Stanley na ang dalagitang inibig niya ay minahal rin siya ng patago. Ngayong huli na ang lahat saan tutungo ang pagmamahalan na hindi nabigyan ng pagkakataon upang iparamdam sa isat isa.
Romance
5.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to Forever

Destined to Forever

Amira
Arrange Marriage! para sa pamilya, sa mga manggagawa na patuloy na umaasa sa kanilang pamilya. Si Armina Mondragon bunsong anak, maganda, matalino at isinilang na may gintong kutsara sa labi, at higit sa lahat mabait at masunuring anak kung kaya't Siya ay pumapayag sa nais Ng kanilang magulang. Ang kanyang pinakamamahal na Kuya Nathaniel ay hindi sang Ayon dahil ayaw niyang ipakipagsapalaran Ang kaligayahan Ng kanyang kapatid. Samantala, si Eduard Vincent Araneta,, solong anak na tagapag mana, arogante at matalino, siya Ang bubuo sa buhay ni Armina.
Romance
4.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Waiting For The Eclipse

Waiting For The Eclipse

Sirese Euén Arcacia, dalawampu't limang taong gulang. Lumaki sa mayamang pamilya ng Arcacia ngunit salat sa pagmamahal ng pamilya. malaki ang binago niya matapos siyang itulak ng kaniyang stepsister at stepmother sa hagdan. Mahilig siyang mag basa ng mga nobela. Isa sa nabasa niyang kwento ay ang kwento ng mag kasintahang anghel at demonyo. May kung anong parte sa kaniya ang na bubuhay tuwing binabasa niya ang kwentong ito. Ang hindi niya alam ay may koneksyon ang kwentong iyon sa kaniyang buhay. Sa dati niyang buhay.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A Day In Las Casas ( FILIPINO)

A Day In Las Casas ( FILIPINO)

Maecici
Si Ruby ay isang babaeng nagmula sa 21'st Century na isang araw ay nagising nalang sa taong 1864 sa katauhan ni Luna, ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayang pamilya sa Candaba,Pampanga sa panahon na iyon. Nung una, akala niya ay nasa ibang mundo lamang siya. Naniniwala kasi siyang 'Parallel World" exist. Ngunit nalaman niyang hindi siya napunta sa ibang mundo sa halip ay nagbalik lamang siya sa nakaraan niyang buhay upang baguhin ang malasimuot nitong kasaysayan. Magagawa niya bang baguhin ito? O mabibigyang katotohanan ang sinasabi nilang 'history repeats itself' ?
93.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

HeyYou
Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
EXOTIC GIRL:  ANAYA VIJAR

EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR

Apple Balboa
Paano kung ang nag-iisang taong tanging kakampi mo ay biglang nawala? Ang taong tanging tagapagtanggol mo sa mga umalipusta, nagmaliit at pinagtawanan ka dahil sa iyong maitim na kulay. Magbabalik para pagbayarin ang may sala. Gagamitin ang kakaibang kagandahan para singilin ang pamilya Capili. Ang gandang sa lugar na kinalakhan, ay pinandirihan. Gandang pinagtawanan, kinutya, minaliit at hinamak. Sa lugar kung saan ang basehan ng kagandahan ay kaputian. Hindi tanggap ang isang- EXOTIC ang kagandahan.
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
MY TWINS

MY TWINS

KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan. Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave. Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan. Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya. Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin. Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave. Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan? Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan? Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak? Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?
Romance
9.6136.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unwanted Wife Of Mr Villareal

The Unwanted Wife Of Mr Villareal

Ikinasal si Luther Villarreal at Eunice Sanchez kahit walang pagmamahal para sa isat-isa magkaroon lamang buong pamilya ang anak niyang si Isaac. Ngunit paano kung nung una palang ay mahal na ni Eunice si Luther, kaya rin kaya siyang mahalin nito? Gayong ang mahal naman nito ay si Monica. Samahan niyo akong umiyak at tumawa sa storya ng buhay ni Eunice Sanchez.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Esta Guerra

Esta Guerra

Si Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanyang ina at gobernador ang kanyang ama ay marami silang lupang sakahan na ang iba ay kino-kombertido upang maging subdibisyon. Ngunit may hindi alam si Piper kung paanong natamasa nila ang gantong karangyaan. Papayag ba siyang ipagpalit ang kanyang karangyaan upang makamit ang tunay nitong pag ibig? Makakaya niya bang ipaglaban ang pag ibig na magkukubli sa nakatagong katotohanan? O, titiisin niya na lamang ito alang-ala sa mabangong pangalan ng kanyang pamilya? Mananahimik na lamang siya para ikakabuti ng kanyang pinakamamahal ngunit ang kapalit nito ay ang patuloy na paghihirap ng nakakarami? Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Sundin ang prinsipyo ng kanyang pamilya o sundin ang sariling prinsipyo niya at ang kanyang puso?
Romance
3.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status