Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
2.0K viewsOngoingAdded to Library 79 Times as matalas ang dila
Read
+Library
Contract With The Devil

Contract With The Devil

Sa loob ng isang gabi, nawala ang lahat kay Tala Valerio. Ang kanyang dangal, ang kumpanyang pinaghirapan, at ang lalaking akala niya ay pakakasalan niya. Nahuli niya ang kanyang fiancé at sariling kapatid sa isang akto ng kataksilan na naging dahilan ng kanyang pagpapatalsik sa sariling pamilya. Habang basang-basa sa ulan at walang matakbuhan, isang itim na sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Sa loob nito ay ang lalaking pinaka-kinatatakutan ng kanyang ama—ang bilyonaryong si Rocco De Silva. ​May alok si Rocco: Isang bagong buhay, proteksyon, at ang pagkakataong mapabagsak ang mga taong sumira sa kanya. Ang kapalit? Kailangan niyang maging pag-aari nito at magpanggap bilang fiancée. ​Tatanggapin ba ni Tala ang kasunduan kung ang kabayaran ng kanyang paghihiganti ay ang sarili niyang puso?
132 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as matalas ang dila
Read
+Library
KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY

KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY

Si Sydney Panganiban ang reyna ng Prime Zaphire International—matalino, mapagmataas, at walang kinatatakutan. Ngunit sa isang gabi ng bonggang selebrasyon, gumuho ang kanyang mundo nang mahuli niya ang kanyang fiance na si Samuel at ang karibal na si Isabel sa loob mismo ng kanyang silid. Hindi lang pala pag-ibig ang ninakaw sa kanya, kundi pati ang kanyang katinuan at kayamanan. ​Matapos ang isang "aksidente," nagising si Sydney sa isang liblib na bukid sa Sta. Inez. Wala siyang maalala, putol ang buhok, at tanging isang pulang duster ang saplot. Doon niya makikilala si Beno, ang antipatikong magsasaka na may misteryosong presensya. Sa gitna ng putikan at hirap, unti-unting babalik ang alaala ni Sydney. Ngunit sa kanyang pagbabalik para maghiganti, matutuklasan niyang ang "Farm Boy" na sumagip sa kanya ay ang bilyonaryong heredero na si Brandon Madrid—ang lalaking matagal nang nakatadhana sa kanya, at ang tanging susi para maibalik ang lahat ng kinuha sa kanya.
136 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as matalas ang dila
Read
+Library
The Face She Borrowed

The Face She Borrowed

Isang karaniwang assistant lamang si Mirella Estelle Montelibano sa model agency ng tanyag at aroganteng modelo na si Eleonora Zobel. Sanay siyang nasa anino, habang si Eleonora ay sinisikatan ng mga ilaw. Ngunit isang aksidenteng trahedya ang nagbura ng hangganan sa pagitan nila. Pagmulat ni Mirella sa ospital, ibang mukha na ang bumungad sa salamin, walang iba kundi ang mukha ni Eleonora. Patay na ang Modelo at siya ang nabuhay sa anyo nito. Ngayon, kailangan niyang akuin ang buhay na hindi kanya. Ang karangyaan, ang kasinungalingan at higit sa lahat, ang asawa nitong si Lord Cassian Zobel. Habang ginagampanan niya ang papel ang isang asawang hindi niya kilala, unti-unting natutunaw ang lihim sa pagitan nila. At doon nagsimula ang pag-ibig na ipinanganak sa kasinungaligan at maaaring mamatay sa katotohanan. Sapagkat ang mukha ay maaaring hiramin ngunit ang puso… hindi kailanman.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 27 Times as matalas ang dila
Read
+Library
The Doctor's Secret Baby

The Doctor's Secret Baby

Nang malaman ni Liana Cruz, isang pediatrician, na buntis siya matapos ang isang spontaneous at passionate na gabi kasama ang isang charming na estranghero, nagdesisyon siyang harapin ang pagiging single mom nang mag-isa. Habang binabalanse ang demanding niyang career at ang hindi inaasahang paglalakbay ng pagiging magulang, determinado siyang palakihin ang anak niya sa sariling paraan. Pero nagbiro ang tadhana nang dumating ang bagong head ng pediatrics sa ospital — si Dr. Adrian Ramirez, ang lalaking hindi niya inakalang makikita pa ulit. Habang patuloy silang nagkakasalubong at muling bumabalik ang spark, kailangang harapin ni Liana ang kanyang takot, damdamin, at ang undeniable na koneksyon sa pagitan ni Adrian at ng kanilang anak. Magagawa bang buksan ni Liana ang puso niya para sa lalaking hindi sinasadyang naging "baby daddy" niya, o pipiliin niyang manatiling malayo para protektahan ang sariling damdamin?
102.1K viewsCompletedAdded to Library 50 Times as matalas ang dila
Read
+Library
Empire of Desire R+

Empire of Desire R+

[Synopsis] Ryella was the lawyer who swore she would never cross the line. Vladimir was the billionaire mafia king who lived by breaking every law. Nang mapilitan ang ambisyosong abogada na si Ryella Cruz na ipagtanggol ang pinakamapanganib na tao sa lungsod, umaasa siyang isang matinding labanan lamang sa loob ng courtroom ang kanyang haharapin. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang labanan sa kanyang kalooban—ang pang-akit ng kapangyarihan ni Vladimir, ang pagtuto ng kanyang pagdampi, at ang tukso ng isang mundo na isinumpa niyang hindi niya kailanman papasukin. Si Vladimir Valente ay walang awa, hindi mapipigilan, at lubos na na-obses. Para sa kanya, si Ryella ay higit pa sa kanyang depensa—siya ang kanyang premyo, ang kanyang obsesyon, ang kanyang ipinagbabawal na reyna. Ang bawat sulyap, bawat pabulong na pangako, at bawat mapanganib na halik ay naghila sa kanya nang mas malalim sa imperyo ng pagnanais ni Vladimir. Ngunit sa isang mundong binuo sa dugo at pagtataksil, ang pag-ibig ang pinakamapanganib na krimen sa lahat. Kailangang magpasya ni Ryella: ipaglalaban ba niya ang hustisya, o susuko sa lalaking kayang sirain ang kanyang karera, ang kanyang moralidad, at ang kanyang puso? Isang kontrata. Isang paglilitis. Isang obsesyon na maaaring sumunog sa kanilang dalawa. Maligayang pagdating sa Imperyo ng Pagnanais—kung saan ang passion ay isang sandata, at ang pagsuko ay ang sukdulang kasalanan.
101.6K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as matalas ang dila
Read
+Library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
1022.1K viewsCompletedAdded to Library 773 Times as matalas ang dila
Read
+Library
UNCLAIMED VOWS

UNCLAIMED VOWS

Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa. Isang kasunduan. Isang kasal. Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya. Ang nag-alok? Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo. Simple lang ang usapan.. Pakakasalan niya ito. Gagampanan ang papel. At mababayaran ang lahat ng problema niya. Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito— si Dylan Luis Suarez Chen, ang unang binatang kanyang inibig, ang iniwan niya para tuparin ang pangarap, ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli. Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid… Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa. At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig, isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as matalas ang dila
Read
+Library
His Ex-Wife's Greatest Secret

His Ex-Wife's Greatest Secret

Clarisse Rivera only wanted respect from her marriage—ngunit sa halip, pagtataksil ang ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Lucas Montenegro. Nang dalhin nito ang ibang babae sa kanilang tahanan, iniwan ni Clarisse ang lahat at naglaho, dala ang isang lihim: buntis siya ng kambal. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya bilang isang kilalang doktor na may ibang pangalan, handang buuin ang buhay kasama ang kanyang mga anak. Ngunit muling nagkrus ang landas nila ni Lucas—isang makapangyarihang lalaking hindi pa rin nakakalimot sa nakaraan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, isang tanong ang hindi niya matakasan: Hanggang saan lalaban ang isang ina para protektahan ang kanyang mga anak—kapag ang ama mismo ang kalaban?
399 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as matalas ang dila
Read
+Library
Playboys Series 1: Playful Man

Playboys Series 1: Playful Man

Wenwen
What if ang isang playboy ay makahanap ng isang babaeng magpapatibok ng puso n'ya at ang kagustuhan niyang maging malaya sa pagiging stick to one ay tuluyang maglaho? Ang kagustuhan ng pamilya niya ang magiging dalihan upang maghabol siya sa babae na hindi naman niya totally gawain. once na tamaan ni kupido ang isang playboy, binabago nito ang pag-uugali. Dahil nabihag ang puso ni Kent Justine kay Ziya ay hindi niya ito tatantanan hanggat hindi niya nakukuha ang loob nito. ang puso nito. Ngayon ay ang stick to one na sinasabi niya ay kusa na niyang nilamon. dahil ang nais niya ay makasama ang babaeng unang unang nagpatibok sa puso nya ngunit marami ang nangyari kaya nahirapan siyang bawiin muli ang puso nitong bumihag sa manhid niyang damdamin.
104.4K viewsOngoingAdded to Library 172 Times as matalas ang dila
Read
+Library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status