Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ravaged the Heiress

Ravaged the Heiress

Sunflower
Dahil sa isang iskandalo na umusbong, biglang naglaho ang tahimik na mundo ni Lharefa at napalitan ng magulo at walang katapusang paghuhusga, kaya naman napilitan siyang umuwi sa Pilipinas habang iniisip ang planong gagawin. Pero sa hindi inaasahan, may makikilala siyang lalaki na tahimik at matalino pero may tinatago pala itong mabahong sikreto. Matatanggap kaya niya ang lalaki? Paano kung ang binatang iyon ang sumira sa buhay niya? Mamahalin pa ba niya ang lalaking mahal niya at ang nagpabago sa buhay niya o iiwan niya ito dahil sa natuklasan niya ang pinakamadilim nitong sikreto.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.324.0K viewsCompleted
Read
Add to library
LeighTria

LeighTria

Heyxelnut
Everleigh Chantria, isang babae na may dalawang pangalan dahil dalawa rin ang katangian. Si leigh ay kilala bilang simple at mabait na estudyante, samantalang si Tria ay isang secret serial killer. Nakadepende ang kanyang mission sa iuutos ni Madam Eve. Mahal na mahal nya ang kanyang pamilya, dahil sa kagustuhan na gumaling ang kanyang ina ay pumasok sya sa isang kasunduan na labis nyang pinagsisihan. Ipapadala sya sa isang lugar kung saan makikilala ang lalaking target nya. Papaanong ang isang simple at mabait na dalaga ay magkakaroon ng mission sa pagpatay? May iibig pa kaya sa kanya?
Mystery/Thriller
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Deck Of Cards (Filipino)

Deck Of Cards (Filipino)

Red Auza
Si Azrael na kindhearted. Si Alexa na seryso at apo ng sindikato. Kailangan ni Alexa na makahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon para sa kanya ibigay ng kanyang Lolo ang posisyon bilang susunod na Queen ng Shadow Syndicate. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Azrael na isang side walk vendor. Pinaimbestigahan niya ang lalaki at napag-alaman na akma ito upang maging asawa niya. Sa isiping mapapaikot niya ito gamit ang pera ay inalok niya ang binata na pakasalan siya. Ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing maghanap na lang siya ng iba dahil may iba ng nagmamay-ari ng puso niya. Lahat ginawa ni Alexa para mapa-oo si Azrael dahil kailangan na niyang magpakasal bago dumating ang takdang araw. Ngunit lagi siyang nabibigo dahil bukod sa ayaw nito sa kanya, may mahal na rin itong iba. Pero buo na ang desisyon ng dalaga na kukunin niya si Azrael sa kahit anong paraan. Dahil pa rin ba sa posisyon kaya gusto ni Alexa na makasal kay Azrael o may ibang hinahangad ang dalaga bukod sa titulong Queen ng sindikatong kinabibilangan niya na kay Azrael lang niya nakita?
Other
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Is Never A Mistake [BXB]

Love Is Never A Mistake [BXB]

peterrpopper
.... Mali ba na mag mahal? Lalo na kung parehas kayo ng kasarian? Mali nga siguro, dahil nagmahal tayo ng hindi naman dapat at hindi nakaayon sa batas. Ngunit mas mali sigurong mag mahal kung panay panghuhusga lang ang natatanggap. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal kahit na sa iba... ito ay kasalanan? Kasalanan na wala namang may kagustuhan. Pero hindi naman natin kasalanan na sa maling kasarian tayo nagmahal. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal...
LGBTQ+
102.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt

Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt

Dahil sa paghahanap ng magaling na mekaniko para sa kanyang business, makikilala ni Crius ang dalagang si Kael. Isang mekaniko at racer na may taglay na ganda ngunit may pagka boyish umasta. Mula sa mala aso't pusang pagtatagpo, mauwi kaya sa magandang relasyon matapos nilang magsama sa iisang trabaho?
Romance
10990 viewsOngoing
Read
Add to library
You are my Sunshine

You are my Sunshine

Paano kung isang araw, malaman mo na lang na mawawala ka na pala, hindi ba sobrang sakit noon para sa'yo? Paano kung sa panahon na iyon, hindi mo inaasahang makilala ang lalaking magpapatibok ng puso mo, na biglang magbibigay saya sa buhay mo nang hindi mo alam? Why would God give you someone when all you think is wala na talagang pag-asa ang buhay mo dahil sa maraming kamalasan ang natatanggap mo simula noon pa man?
Romance
10503 viewsOngoing
Read
Add to library
EXQUISITE DESIRE

EXQUISITE DESIRE

Khala Castro
I was once truly madly deeply in love, but things didn’t go as planned. Destiny played us, I suffered, I lost her. “If you think you know me, you’re wrong. A monster will always be a monster—you better stay away from me.”- Kingston Clint Buenavista “If you’re a monster as you say you were then I am an angel that will lighten your dark path.” -Maliyah Delos Santos There is something so called love and there is a thing so called destiny. Hanggang kelan ka aasa na magkakapuwang ka sa puso ng taong mahal mo? Kung wala itong ibang nakikita kundi ang babaeng minahal nito sa nakaraan. Ikaw ang unang nakilala pero hindi ikaw ang pinili. May pag asa pa ba Ano ang kaya mong gawin alang-alang sa pag ibig?Kaya mo bang ipaglaban ang taong mahal mo kung ikaw lang ang lumalaban para sa inyong dalawa. Paano kong mapagod ang puso mo? Hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal mo para sa kanya?
Romance
103.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status