Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HER SWEETEST REVENGE

HER SWEETEST REVENGE

Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
Romance
343 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

Miss_Terious02
Harley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapat malinis ang kaniyang pangalan. Ngunit nang makita niya ang isang babae na mas bata sa kaniya ay mukhang gagawin niya ang lahat kahit na madungisan pa ang kaniyang pangalan. Ayaw niyang maagaw pa ng iba ang babaeng matagal niya ng hinihintay. Nasa tamang edad na rin si Jane Requez kaya hindi na napigilan pa ni Harley na bakuran na ang dalaga. At dahil takot sa sasabihin ng mga tao sa kaniya, pinipilit umiwas ni Jane kay Harley. Ngunit ang governor naman ang lapit nang lapit aa kaniya. Hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Harley. Takot siya sa sasabihin ng mga tao. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Harley ay nag desisyon si Jane na umalis ng San Miguel at ipinagpatuloy ang matagal niya ng pangarap-ang maging fashion designer. At sa muli nilang pagkikita ay hindi pa rin sumusuko si Harley na ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Jane. Ngunit kaya na bang ipaglaban ni Jane ang nararamdaman niya para sa Governor ng San Miguel?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
327 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owning the Lycan King's Daughter (Tagalog)

Owning the Lycan King's Daughter (Tagalog)

Holly Wood
Si Francine Forenbach ay ang Prinsesa ng Green River Pack. Ang dakilang anak na babae ng Lycan King. Sa edad na katorse anyos, ang pamilya Forenbach ay nakilala ang isang hindi kilalang sibilyan. Binigyan siya ng pamilyang Forenbach ng mga kasuotan, pagkain, at tirahan. Laging malungkot ang buhay ni Azure mula nang siya ay isilang. Ngunit sa pagpasok niya sa Pack, sinimulan niyang pag-isipang muli ang desisyon na laging bumabalot sa kanyang isipan. Nagkaroon ng damdamin si Francine para kay Azure. Habang sila ay lunalaki, nakita ni Azure ang kanyang sarili na mahinang lalaki pagdating kay Francine. Napagtanto na ang kanyang damdamin para sa kanyang "kapatid" na babae ay hindi resulta ng kanilang pinagsamang pagkabata. Ngayong pareho na silang nasa tamang edad, dapat alamin ng dalawa kung paano mauunawaan ang kanilang nararamdaman bago pa maging mas kumplikado ang mga bagay-bagay. Imposibleng mahalin siya nito. Bawal niyang mahalin si Francine. Kasalanan ang mahalin ang dalaga. Si Francine ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Pero ang tanong... paano niya malalabanan ang inosenteng kulay tsokolate na mga mata nito?
Other
2.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
YA/TEEN
1019.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Romance
9.927.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Hard Boss

The Hard Boss

Matagal nang hinahangaan ni Tamara si Alas mula highschool hanggang sila’y magkatrabaho, kaya laking tuwa niya nang malaman na parehas sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Magsisimula na sana ang kanilang happy ever after, ngunit dumating ang kakambal ni Alas na si Apollo, isang strict, cold at self-centered Boss. Siya ang bagong Chief Executive Officer ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Gumawa si Apollo ng mga patakaran at paghihigpit, kabilang ang pagbabawal ng romantic relationship sa pagitan ng mga empleyado na naging dahilan para maputol ang kanilang relasyon. Matutuloy pa ba ang pagkakamabutihan ni Tamara at Alas sa kabila ng hadlang ng kakambal nito? O dito mabubuo ang kanyang magandang relasyon sa estriktong Boss na si Apollo? At May pag-asa pa bang lumambot ang matigas nitong puso?
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Living With My Lady Boss

Living With My Lady Boss

Ang isang alamat ay nagbalik upang matagpuan na ang asawa niya ay pinalayas siya para sa ibang lalaking mas mayaman. Ibinunyag niya ang pagkakakilanlan niya dahil sa galit, kaya maraming magandang mga babaeng makapangyarihan ang nagkandarapa sa kanya. Ang asawa niya ay natulala!
Urban
9.4235.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3637383940
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status