Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Gumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Romance
1022.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Dormmate is a Billionaire

My Dormmate is a Billionaire

Tey
Ang buong akala ni Chelsea ay si Kevin na ang para sa kaniya, ngunit nagkamali siya nang makipaghiwalay ito sa kaniya matapos ang kanilang one year anniversarry. Nadurog ang puso ni Chelsea, saka pumasok sa buhay niya ang kaibigan ng kapatid niyang si Franco na si Camerman. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang secret billionaire si Camerman na nakatakdang humalili sa kanyang ama na si Don Pablo bilang CEO ng SOL Foundation—isang sikat na Foundation para sa mga bata at matatanda. Napilitan na lumayas si Camerman sa pamamahay nila matapos sumama ang loob nito sa kanyang ama sa kadahilanang ipapakasal siya nito sa isang hindi kilalang babae. Ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya naman mahal. Dahil dito ay napadpad siya sa dormitoryo ng kaibigan niyang si Franco. Nangako si Camerman na tutulungan niya ang kaibigan niya na protektahan ang nakababata nitong kapatid na si Chelsea kapalit ng pananahimik ni Franco at hayaan siya nitong magtago muna mula sa kanyang ama. Naging aso't pusa si Chelsea at Camerman, ngunit kalaunan ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Paano kung malaman ni Chelsea na ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso ay nakatakda na palang ikasal sa iba? Manaig pa rin kaya pagmamahal niya? O tuluyan na niyang tatapusin ang lahat?
Romance
10809 viewsOngoing
Read
Add to library
ANDREANA

ANDREANA

LittleCreepHeart
Si Andreana Alonzo ay labing-anim na gulang lamang nang dalhin siya ng kanyang ina sa Amerika. May nag-alok sa kanyang ina ng trabaho sa isang malaking kumpanya sa LA. Iniwan nila ang kanyang kapatid sa Pilipinas na may stage four na cancer kasama ang kanyang ama na nag-aalaga rito. Sa US ipinagpatuloy niya ang pag-aaral. Nakatira sila sa kaibigan ng kanyang ina, isang matandang lalaki na balo at may tatlong anak. Then one day, nalaman niya na hindi lang pala trabaho ang dahilan kung bakit sila pumunta ng America. Dahil doon, gumawa siya ng paraan para makabalik sa Pilipinas at makasama muli ang daddy niya at si Nathan. Ang tanging nakapigil sa kanya ay si Matthew Gregory Morrison, ang panganay na anak ng matanda. Dahil kay Matthew, nagpapigil siya. Nag-enjoy siyang manatili sa US dahil sa sa binata. Isang araw, may nangyari. Iyon ang dahilan kung bakit siya tuluyang tumakas pabalik ng Pilipinas. Na-inlove siya kay Matthew, pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon na maging rason upang manatili. Ayaw din niyang umalis dahil kay Matthew, pero nahihirapan siyang manatili sa mga Morrison. Nang walang paalam, umalis siya sa Amerika. Pagkalipas ng pitong taon, nagpakita sa kanya si Matthew Gregory Morrison. Iyon ang dahilan kung bakit gumulo na naman ang buhay niya.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin
Ang conyo at kikay na si Lemon Concepcion, magpapanggap bilang isang lalaki para lamang makaligtas sa mga hindi niya kilalang kaaway? Si Lemon Concepcion ay isang anak na nasasanay na sa gulo ng buhay ng kanyang Ina. Kung kaya't kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon din ng sariling pamilya upang hindi magaya sa kanya ang magiging anak. Ngunit nang mamatay at makabalik sa kanyang 'past life', sa panahong malayo sa kanyang nakasanayang buhay, kinailangan niyang magbalat-kayo bilang isang lalaki upang makaligtas sa panganib na maaaring nakaamba sa kanya sa buhay na iyon. Magiging mapayapa ba ang kanyang pamumuhay gamit ang ibang katauhan o lalo lamang siyang maguguluhimnan?
History
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.876.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.465.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Paid Wife

Paid Wife

Lyrans Goddess
Simpleng buhay lamang ang nais ng dalagang si 'Bia'. Ang makabawi at maipagamot sa magaling na espesyalista ang kinikilala nyang ina. Ito rin ang nag udyok sa kanyang makipag sapalaran sa lungsod ng Maynila. Sa pakikipag sapalaran nya sa makabagong mundo, isang hindi inaasahang trabaho ang naghihintay sa kanya. Isang trabahong makapagpapabago ng buhay nya na siya ring dahilan upang makilala nya ang tunay nyang pagkatao. Ano-ano kaya ang matutuklasan nya sa pagkatao nya? Ano kaya ang mabubuo sa trabahong naghihintay sa kanya? Makakamtan nga kaya ng dalagang si Bia ang simpleng buhay na ninanais nya? O isang malaking pagsubok ang kakaharapin nya?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status