Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIS OBSESSION: The Taste of True Love

HIS OBSESSION: The Taste of True Love

"You're mine at mananatili ka sa piling ko hanga't gusto ko!" madiin at may halong pagbabanta na bigkas ng lalaking kaharap ni Precious Amber Rodriguez. HIndi niya akalain na sa simpleng pagtakas niya sa kasal sa lalaking itinalaga ng sarili niyang ama ay mapupunta siya sa kamay ni Lucian Montefalco Ferrero. Ang lalaking pinagbentahan niya ng kanyang virginity. Ang lalaking kailan niya lang nalaman na tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend. Kakayanin niya kayang makisama sa isang lalaking umpisa pa lang, alam niyang katawan lang ang habol sa kanya or pikit mata siyang mananatili sa tabi nito alang-alang sa may sakit niyang Ina?
Romance
1087.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Wala Kasing KATULAD

Wala Kasing KATULAD

Si James Alvarez ay galit na galit dahil may nagtangkang manligaw sa kanyang kasintahan. Sa huli, siya ay napadpad sa likod ng mga rehas matapos ang kanyang pagtatangkang protektahan siya. Tatlong taon ang lumipas, siya ay isang malayang tao ngunit nalaman niyang ikinasal ang kanyang kasintahan sa lalaking nanligaw sa kanya noon. Hindi papayag si James na basta na lang mawala ito. Sa kabutihang palad, natutunan niya ang Focus Technique habang siya ay nasa bilangguan. Sa puntong iyon, siya ay nagsimula sa paglalakbay ng pagsasanay at sinamahan ng isang napakagandang si Jasmine. Sino ang mag-aakalang ito ay magpapagalit sa kanyang ex-girlfriend?
Urban
1017.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Pretentious Love

His Pretentious Love

Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya?  At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.
Romance
10764 viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10380 viewsOngoing
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
Paranormal
241 viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ningas NG Atraksyon

Ningas NG Atraksyon

Isang atraksyon na nauwi sa mainit na gabi ng hindi sinasadya. Nagbunga, hanggang sa panagutan ngunit wala sa sentro ang pag-ibig kundi para lamang sa responsibilidad na kailangang magawa. Magkakaroon kaya ng pag-asa ang dalawang taong pinagtagpo sa hindi sinasadyang pagkakataon?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
King's Prostitute

King's Prostitute

Levantandose
Walang pinoproblema sa buhay si Gace. Lakwatsa at pagwaldas lang ng pera ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Tarantada kung tawagin siya ng iba dahil sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Hanggang sa malaman niya ang masamang balita na wawasak sa kalayaan niya. Ang kumpanya nila ay nasa kritikal na kondisyon. Ang tanging solusyon lang para muli itong makaahon ay maikasal siya at ang tanging taong handang magpakasal sa kanya ay walang iba kundi si King Velasquez. Kilala ito bilang Mr. Beastly hindi lang dahil halimaw ito pagdating sa business industry kundi dahil ang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng gintong maskara. Pumayag siyang maikasal dito kahit hindi pa niya ito nakikita alang-ala sa kumpanya. Akala niya talaga bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila. Sino ba talaga si King Velazquez? Ano ang nakatagong lihim sa likod ng pagkatao nito?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
Romance
1041.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status