Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Escaping From My Knight

Escaping From My Knight

Tinkasan ni Naomi ang impyernong bahay na kinalakihan niya. Buong akala niya ay magkakaroon na siya ng kumpleto at masayang pamilya nang may umampon sa kanyang mag-asawa. Ngunit isang sindikato pala ang mga ito, pinalaki, pinag-aral, at binihisan siya ng mga kinalakihang magulang upang pagkakitaan. At bago pa tuluyang masira ang buhay niya, buwis buhay ang pagtakas na ginawa niya palayo sa mga ito. Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Conrad, isang simpleng construction worker. Binigay niya ang sarili niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakita at nakilala. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nagpaubaya sa lalaking estranghero sa buhay niya, dahil hindi niya maatim na ibenta siya ng mga sindikatong umampon sa kanya at higit sa lahat hindi niya kayang lunukin na kung sino-sino lang ang gumamit sa katawan niya. Ang buong akala niya ay iiwan na niya ang lahat ng iyon sa paglayo niya, hanggang sa isang araw ay nagkrus muli ang landas nila ni Conrad. Ang simpleng construction worker na nakilala niya ay inaalok siya ng kasal upang matakasan ang mga babaeng naghahabol dito.
Romance
10461 viewsOngoing
Read
Add to library
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
408 viewsOngoing
Read
Add to library
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1026.2K viewsCompleted
Read
Add to library
University of Antiquity

University of Antiquity

University of Antiquity. Kung saan tatawagin kang ginoo at binibini. Isang unibersidad na purong tagalog lang ang dapat lenggwahe. May mga patakaran na dapat sundin, may mga parusa na dapat bayaran. Kung gusto mong lisanin ang lugar, hanapin mo muna ang kasagutan sa misteryong nababalot sa loob ng Unibersidad. Lahat ng misteryo, nasasagot sa tamang proseso. Lahat ng misteryo, may nakabaon ritong kwento...
Mystery/Thriller
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Unwanted Bride

The CEO's Unwanted Bride

Leona D.
Mahigit dalawang taon na pilit itinatago ni Britanny at ng kanyang kasintahan ang kanilang relasyon sa kaniyang mga magulang. Bagamat mahirap ito para sa kanila ay nakukuntento naman sila sa kanilang sitwasyon.Palihim silang nagkikita, nag-iintay nang tamang panahon upang maipagtapat ito sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa isang araw lamang ay nagbago ang lahat. Ang buhay ni Britanny ay tila naging isang bangungot ng sa kaniya iniatang ang responsibilidad na hindi naman dapat sa kaniya. Kaya ba niyang panindigan hanggang huli ang napakalaking responsibilidad na ito? Magpapadala na lamang ba siya sa agos ng tadhana na tila iginuhit sa kanyang palad ng kanyang mga magulang?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Untold Confession

Untold Confession

ysmn
Lucas Hanzen Gonzales, isang mayamang negosyante na pinaglaruan ng tadhana dahil hindi natuloy ang kasal na kanyang pinaghandaan. Isang babae ang nakasira sa memorableng araw sana sa kanilang dalawa ng kanyang fiancee. Dahil sa nangyari, kinuha ng kanyang mga magulang lahat ng kanyang mana't hindi ibabalik ang mga iyon hangga't hindi nya nalilinis ang kanyang pangalan. Susubukan nyang hanapin ang babaeng makakapagbago ng kanyang kapalaran, ang babaeng hindi nya kilala ngunit may nangyari sa kanilang dalawa sa gabing hindi nila inaasahan.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
Romance
10983 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm your Bride/Maid

I'm your Bride/Maid

Nothing is more embarrassing than attracting a man and promising to marry him while being a drunken mess! Atanasha Felise Devon, isang dalagang nalasing sa isang kilalang bar and ended up as a bride/personal maid ng isang kilalang CEO ng isang malaking kumpanya, but also a pervert who is constantly teasing her. Magbabago na nga ba ng tuluyan ang takbo ng kaniyang buhay sa mga kamay ni Red Caden Buenavista? Ano-ano pa nga bang pag subok ang dadaan sa kanilang mga buhay?
Romance
1016.6K viewsCompleted
Read
Add to library
ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Si Maya ay isang bilanggo sa mansion ng mga Gustin dahil sa malaking pagkakautang. Tanggap niya ang kapalaran niya na habang buhay magbayad ng pagkakautang sa mga ito kapalit ng kanyang paninilbihan... Isa lang ang hiling niya, iyon ang bumalik ang nanay niya na bigla nalang siyang iniwan sampong taon na ang nakakaraan. Nang bumalik si Hannah galing sa America, ang apo ng mga Gustin ay agad na ipinagkasundo ito sa isang mayamang binata na si Tyler Montemayor; Ngunit nagmatigas si Hannah. Sa takot ng mga Gustin na baka i-pull-out ng binata ang investment nito sa kanilang kumpanya ay naisip nilang si Maya ang ipakasal kay Tyler dala ang kanilang apelido. Walang nagawa si Maya kundi ang pumayag na ma-ikasal sa mayamang binata. Hinanda niya ang sarili na masaktan at pagmalupitan ng mayamang binata ngunit hindi iyon ang nangyari... "Araw-araw kitang mamahalin, Maya.” Katagang sinabi ni Tyler na labis n'yang ikinagulat. Mapanindigan kaya ni Tyler ang pangako gayong maraming tutol at hadlang sa pag iibigan nilang dalawa? O sa bandang huli ay magkakahiwalay din sila?
Romance
1034.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status