Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
Romance
1022.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Isa pala akong rich kid?!

Isa pala akong rich kid?!

Isang araw, biglang sinabi sa akin ng aking kapatid at mga magulang na isa pala akong second-generation rich kid na may trilyong-trilyong kayamanan! Ako si Gerald Crawford, Isa pala akong second-generation rich kid?
Urban
9.53.4M DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (1403)
Baca
Tambahkan
Edralin Odranoel
napakaganda at napakahusay na istorya.......................................................................................................................................................................................................................................................................
Harielle
wla kwenta ang daming nawawala sa mga tauhan ng kwentong ito tpos c ray na malakas at nakalaban pa ni gerald sa school academy bigla biglang naging mahina ng tao o nging ordinaryong tao sa ibang chapter nawla din sila nori at yung dalawa pang lalake na kasama nya mag travel.. pati yung alagang drago
Baca Semua Ulasan
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

P.P. Jing
“Mommy, hindi mo ba kami naaalala?” - Triplets “She’s not your mother.” - Billionaire Namulat ang mga mata ni Yasmien sa isang mapang-abuso at probeng asawa na si Carding habang dinaranas ang pagkawala ng kanyang alaala. Isang gabi ay bigla na lamang may geniuses triplets na nanggulo sa kubo niya at nagtatalo-talo ang mga ito kung siya nga ba ang “Mommy” nila. Maya-maya pa'y sumulpot ang isang bilyonaryo na ito ring yumanig sa buhay niya. Ngayon ay komplikado na siya kung siya nga ba ang ina ng geniuses triplets gayong sinasabi ng bilyonaryong ama ng mga ito na hindi siya ang ina!
Romance
103.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10116.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
896 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Biting Her Only Fate

Biting Her Only Fate

Maejin
Nagising na lamang si Shanella isang araw na may lobong nakatunghay sa kaniya. Hindi niya sukat akalain na totoo ang mga taong lobo at sa isang iglap lang ay natangay na siya ng mga ito. Hindi niya matanggap ang sinabing kapalaran umano niya, ang maging breeder ng isang guwapo ngunit supladong si Kai, ang alpha ng White Gibbous Moon Pack na kasalukuyang nagtatago laban sa mga Sturgeons-ang mga itim na lobo. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na niyang tatanggapin ang kapalaran at tuluyang mapapamahal kay Kai. Subalit ang tadhanang nakaatang sa kaniya ay isa palang bitag... Ang akala nilang magiging tagumpay ay siya palang kabiguan... They didn't know that her existence will just cause chaos because there are too many lies about her... Handa ba siyang tanggapin pa ang mga sikretong nakapaloob sa mapait at mapanlinlang niyang kapalaran na siyang magpapahamak sa lalaking minamahal? Quote: 'Her Existence. His Hope. His Downfall.' Werewolf-Breeder
Other
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Dove of The Lost Lands

The Dove of The Lost Lands

cedriannakhaile
Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at marinig sa gabi ang lamat ng kaharasan mula sa mga taong nasa posisyon sa mga katulad niya. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, bilang alipin iyon ang tanging pagpipilian niya. Subalit paano kung maliban sa dalawang iyon ay may isa pa siyang pagpipilian? Manatiling alipin habangbuhay o maging reyna sa ibang emperyo kung saan ay dapo lamang siya? Sa lugar na puno ng dugo't mga yumao. Sa lugar na puno ng mga naligaw at naiwan, at sa kanyang pagbabalik. Kapayaan at kalayaan nga kaya'y lilipad at makakamtam mula sa matagal nitong karimlan?
Romance
102.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3334353637
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status