Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Nababasa Nila Ang Isip Ko

Nababasa Nila Ang Isip Ko

Ako ang tunay na anak ng pamilya Stone. Gamit ang gossip-tracking system ko, nagkunwari akong mahinhin at masunuring tao, pero sa loob-loob ko, matindi ako gumanti sa tamang oras. Ang hindi ko napansin ay may nakakarinig sa isip ko. “Kahit na anak ka naming tunay, si Alicia lang ang tunay naming tinatanggap. Kailangan mo matututong lumugar,” sambit ng mga kapatid ko. ‘Iniisip ko na baka sinira ko ang usapan namin ng demonyo sa nakaraan kong buhay kaya ako napuntas a pamilya Stone ngayon, naisip ko. Tumigil bigla ang mga kapatid ko sa paglalakad. “Si Alice ay masunurin, may sense kausap at mahal ng lahat sa pamilyang ito. Huwag ka magsimula ng drama para lang magpapansin.” Hindi ko mapigilan isipin, ‘Kung ganoon, may sapat ang sense niya para sirain ang buhay ng lahat at mahal na mahal kayo sa puntong nakakasuka na.’ Natanga ang ekspresyon ng mga magkakapatid.
Short Story · Imagination
670 viewsCompleted
Read
Add to library
A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!
Romance
8.884.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Take #2: Para sa Forever

Take #2: Para sa Forever

Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito. Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya, Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid? Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Magiging maligaya na nga ba siya?
Fantasy
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Si Maria (R-18)

Si Maria (R-18)

BM_BLACK301
Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Containe disgusting human, graphic sex scenes adult langauage and situation intend for mature readers only. _____________________________ Dahil sa kagustuhan na makatulong sa magulang 'ay lumawas ng Maynila si Maria dala ang pangako ng kanyang kakilala na may mapapasukan siya. Ngunit niloko siya nito at nangakong babalikan siya ulit para hanapan ng trabaho dala ang natitirang pera, ngunit may mga taong pilit na kinuha siya at sapilitang sinakay sa sasakyan. Naging magulo at mala-impyerno ang naging buhay niya sa piling ni Kiko, ang boss ng kilalang sindikato at mismong boss sa kanyang pinagtatrabahuhan kung saan siya dinala ng mga lalaking kumuha sa kanya. Ngunit sa biglaan na pagdating ni Toti sa buhay niya magkakaroon na kaya siya ng bagong pag-asa? Mailalayo na ba siya ni Toti sa demonyo at baliw na si Kiko? O may iba pang lalaki na darating sa buhay niya.
Romance
7.324.2K viewsOngoing
Read
Add to library
SECRET LOVE

SECRET LOVE

Tatlong magkakaibigan na ninais lamang ay magmahal at mahalin. Silang tatlo ay may kanya - kanyang mga nobyo pero dahil sa tukso at biro ng kapalaran, mahuhulog ang kanilang mga puso sa di inaasahang tao na siyang nobyo ng kaibigan. Mapapanindigan kaya nila at maipaglalaban o tuluyan nalang sekreto ang nabuong pagmamahalan?
Romance
109.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
770 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status