The CEO's Unexpected Heir
"Samahan mo ako sa garden? Sabi ni Salve, namumulaklak na 'yung mga sunflower na tinanim mo nung nakaraang buwan. 'Yung ayaw mong pakialaman ng mga hardinero."
Kinuha ko ang kamay niya. Mainit ang palad niya, at sa loob ng ilang sandali, nakalimutan ko ang lahat ng banta at sikreto. Naglakad kami patungo sa garden. Ang mga sunflower ay matatangkad na at sumasayaw sa ihip ng hangin. Huminto si Sandro sa gitna at kinuha ang maliit na watering can.
"Heto," abot niya sa akin. "Sabi nila, nakaka-relax daw mag-garden kapag buntis. I just want to see you smile, Avery. Even just for this morning."
Hot Chapters