Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Envious Desire

Envious Desire

23_saruki
Sa isang prestihiyosong unibersidad, kilala ang dalawang estudyanteng naging mortal na magkaaway dahil sa kompetisyong nangyayari sa pagitan nila. Si Kendall Lin, isang Chinese Filipino at nag-iisang anak ng hinahangaang mag-asawang abogado sa kanilang bansa, ay pinipilit na makamit ang lahat ng pangarap ng mga magulang para sa kan'ya. Habang si Isaiah Thomas na nagtataglay ng likas na katalinuhan at isa sa mga tinitingalang model student ng Cavin International School ay isa nang sikat na businessman dahil sa biglaang pagkamatay ng kan'yang mga magulang noong bata pa siya. Sa paaralan kung saan ang sistema nito ang naging dahilan ng kanilang kompetisyon, doon din nila nahanap ang safe haven nila. Kung saan nananatili ang abandonadong silid ng Arts club, nagawa nilang makita ang sansinukob sa kanilang mga mata. In between the pressure and their high dreams, with their hearts trying to find its key to open it and kiss each other's soul with gentleness, will they ever get to do it wholly? Can enemies be friends and can their friendship be worth for something more? Something for love?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

Ang buhay ni Alecia ay parang giyera. Kailangan magsakripisyo kundi'y may mawawala. Sa tanang buhay niya'y lumaki siyang mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sariling mga paa at mabuhay ng tahimik sa malaking mansyon. Wala ni isang sumubok makipagkaibigan sa kanya o lumapit man lang dahil lahat ng nakakasalamuha niya'y tinatawag siyang mangkukulam o 'di kaya'y demonyo. Totoo kaya ang akusa ng mga tao sa kanya? Totoo kaya ang usap-usapan na isa siyang demonyo o mangkukulam? Ano kaya ang nasa likod ng mga kwentong ito? Gusto mong malaman? Halika at sabay tayong buklatin ang kwento ng isang babaeng pinagkaitan ng saya sa mundo.
Romance
8.81.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BREAKING THY INNOCENT

BREAKING THY INNOCENT

Mahalia Athariena Villarica, isang dalaga na labingwalong taong gulang, ay namuhay ng payapa sa Mt. El Tigre. Maganda siya at naniniwala sa kabutihan ng mga tao, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang kaakit-akit na doktor na may lihim na mga iligal na gawain. Dr. Floriust Gaine Barquin, isang mapanganib, at guwapo, ay hindi madaling mahulog sa mga babae. Ngunit nang makilala niya si Mahalia, unang kita pa lamang niya dito, nakaramdam na agad siya ng kakaiba. Sa tawag ng pagnanasa... hinayaan niya ang kanyang sarili na sirain ang inosenteng pagkatao ng babae, at nangyari ito sa ibang paraan.
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10609 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

Nagmahal at nasaktan. Sinubukan ni Ashera na magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung bakit sa pag-uwi nila galing sa ibang bansa ay may bata ng kasama si Ashera. Handa itong magpaliwanag ngunit itinakwil siya ng kanyang mga magulang at sa pag-asa na ipagtanggol siya ng lalaking mahal niya ay bigla nalang itong lumayo sa buhay niya. At sa pagkikita muli ng kanyang ex-boyfriend ay masasakit na salita at panunumbat ang narinig niya. Buo ang loob ni Drake na kung magkita pa muli ang landas ng dating kasintahan ay nangako ito na gawing miserable ang buhay ng dalaga dahil sa pangloloko na ginawa niya. Ngunit may natuklasan ang binata na nakapagbabago ng mga plano niya. Gaano ba siya kahina sa ngalan ng pag-ibig kung may dalawang tao siyang nasasaktan?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
1029.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
Romance
1085.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10152.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status