Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10614 viewsOngoing
Read
Add to library
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

Dahil sa sakit ni Rosie na autism, hindi niya akalain na ito ang magdadala sa kanya sa kanyang bulag na mapapangasawa. — Hindi akalain ni Rosie Samaniego na siya ang ipapadala ng kanyang mga kinalakihang magulang upang ikasal sa bulag na si Sebastian Villfuerte, ang dapat na papakasalan ng kanyang stepsister na si Ivy. Ngunit dahil siya’y may autism, wala siyang nagawa kundi sumang-ayon at para na rin makalaya sa mga ito. Magkasundo kaya ang isang bulag at autistic? Makakabuo ba sila ng isang pamilya gaya ng matagal nang inaasam ng lolo ni Sebastian?
Romance
1037.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
Mafia
754 viewsOngoing
Read
Add to library
Favorite Notification

Favorite Notification

YourMissPatatas
Si Clover ay isang babae na hindi nalalayo ang estado ng buhay sa iba. Gaya ng mga kabataan ngayon ay nahilig din ito sa social media, partikular sa Facebook site. Kabilang din ito sa mga taong naging sikat sa social media dahil halos araw-araw ay humahakot ito ng daang-daang likes. Marami na rin ang sumubok na ligawan siya sa kanyang Facebook account, ngunit palagi niya itong nire-reject. Para sa kanya ang mga lalaking nakilala lang dito ay hindi pwedeng seryosohin, puro landi-landi lang.Pero tila parang nag-iba ang ihip ng hangin at timpla ng kape ng makilala niya si Percy na parang may extended brain orb sa ulo, in short, abnormal, at palaging nanggugulo.Habang tumatagal ang communication nilang dalawa, ang akalang landi lang ay tila ba nag-iba.Is it possible to fall in love in social media?Kung sakali man, may kasiguraduhan kayang magtatagal ang relasyong binuo nila?
104.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Paubaya

Paubaya

Synopsis Fiery Eilliesh Perin, a 20 year old woman was impregnated by her fling. At dahil hindi naman siya mayaman, bukod pa roon ay wala rin siyang pangtustos dito kung bubuhayin niya ang bata. Ulilang lubos, kaya naman buong pag sisisi niya nang malamang buntis siya. Iyon nga lang, ayaw iyon tanggapin ng Ama nito nang sabihin niya ang tungkol sa anak, dahilan upang mamroblema siya kung papaanong gagawin na pamumuhay lalo na't isang libo na lamang ang pera na natitira sa kanya. An idea came into her mind. Bakit hindi na lang kaya siya humanap ng Sugar Daddy, tutal ay uso naman daw. Sa tingin naman niya ay kaya raw niya ang pakikipag entertain ng matatanda, basta ba ay malaki ang pera na ibibigay. Iyon ang nasa isip niya habang tinatahak ang daan patungo sa malapit na Bar ng University na pinapasukan. Unexpectedly, she had a sudden strange encounter with a 24 year old businessman. Ang akala niyang ikapapahamak niya ay kasalungat ang nangyari. The man kissed her senselessly as soon as he met her. Kahit pa hindi niya kilala ang lalaki, at kahit pa nagulat siya sa nangyari, hindi iyon naging hadlang upang hindi ito gantihan ng halik pabalik. And that was when a light bulb appeared above her head. Tutal naman ay mayaman, mukhang fuck boy dahil nanghahalik bigla, bakit hindi na lang niya pikutin upang matulungan siya sa batang dinadala niya? And that was when she pretended that the baby inside her womb was Jacques Yttrium Sylvester's son. Pilit niyang pinaniwalang kanya ang batang dinadala, hanggang sa tanggapin sila nito at kupkupin. Until Yttrium fell inlove with her and with the baby inside her.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen Wife Of The Billionaire

The Chosen Wife Of The Billionaire

WARNING: MATURED CONTENT: RATED SPG Contract marriage? Iyong ang pinasok ni Ellise dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipaopera ang kanyang mama. Si Nathan Francisco. Ang boss ni Ellise. Pinapirma siya nito ng kasunduan. Magpapakasal siya dito kapalit ng malaking halaga na kailangan niya. Nagdadalawang isip man siya dahil sa mga katanungan sa kanyang isipan kung bakit siya nadamay sa will ng lolo ng kanyang boss ay wala siyang magawa. Siya ang pinili ng lolo ni Nathan na pakasalan nito at kung hindi siya pakasalan ni Nathan ay mawawala dito ang mga negosyong pinaghirapan nito. Galit! Iyon ang naramdaman ni Nathan sa kanyang lolo dahil sa pagmamanipula nito. At higit sa lahat ay galit para kay Ellise. At nabuo sa kanya ang katanungan. Ano ang ipinakain ni Ellise sa kanyang lolo at bakit siya ang napili nito. Dahil sa ayaw mawala ni Nathan ang mga pinaghirapan ay nakapagdesisyon siya. Gumawa siya ng kasulatan para mapilitang magpakasal sa kanya si Ellise At ang kasulatang iyon... Kasunduan para sa kanilang kasal.
Romance
9.837.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Dare To Kiss The Billionaire

Dare To Kiss The Billionaire

chicaconsecreto
Karleigh Estrada, isang babaeng nangangarap na makilala ang mga Disney Princess na nakikita at nababasa niya sa mga magasin at telebisyon. Sa kagustuhang mapili sa isang Disney Princess Meet and Greet raffle, napasubo siya sa isang dare challenge, kung saan kailangan niyang halikan ang isang estrangherong lalaki. Deshawn Moore, isang babaero at beterano sa pagpapaikot ng ulo ng mga babae. Nang muling magtagpo ang kanilang landas ay inalok niya ito bilang pekeng mapapangasawa, at kapalit nito ang kahit na anong kahilingan ng babae. Sa larong ito, mas pipiliin ba nilang piliin ang isa't-isa? Sino ang matatalo? Sino ang magiging taya?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status