Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

Chrispepper
"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
YA/TEEN
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
26.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rejected Wife

The Rejected Wife

Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin. Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga. Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon. Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?
Romance
1043.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10600 viewsOngoing
Read
Add to library
Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)

Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)

Your Sunshine
“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito. ~ Si Solene Jimenez ay isang twenty-year old College student. Pumapasok ng iba't-ibang part time jobs para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya habang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad. Ipinakasal siya sa isang bilyonaryo upang tuparin ang hiling ng Mama niya at ng matanda niyang kaibigang mayaman na pakasalan ang apo nito. Ngunit kahit isang beses ay hindi niya pa man din nakikita. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya kapag nagkita sila sa unang pagkakataon? Will the billionaire keep their marriage o hihiwalayan siya nito nang tuluyan?
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
255 viewsOngoing
Read
Add to library
Deathly Fate One: Raven

Deathly Fate One: Raven

charmainglorymae
Isang malubhang epidemya ang tumama sa sanlibutan at kumitil ng buhay ng mga bata. Pero may iilan na nakaligtas. Ang mga nakaligtas ay nagkaroon ng kakaibang abilidad na naging sanhi para tugisin sila ng gobyerno at pinagkaitan ng kalayaan na mabuhay. Paano matatakasan ni Raven ang kanyang kapalaran kung kahit anong pilit ng pagtatago niya ay hahabulin siya ng kamatayan? Tunghayan niyo ang unang yugto ng buhay ni Raven. Ang unang libro ng DEATHLY FATE
Sci-Fi
2.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Twin Of Destiny

Twin Of Destiny

Rosellie
Ako si Luisa Naris Moon, inakala ko napapabilang ako sa mundo ng mga Mortal kung saan kasama ko ang mga kinilala ko mga magulang na mayroon mga kapansanan. One day, an old woman handed me a mysterious book. Isa itong lumang libro na aakalain mo kinakailangan ng itapon. Dinala ko ito sa aming bahay, sa gabi ding 'yon umilaw ito at bumukas. Dinala ako nito sa kakaibang mundo na ni sa panaginip ay hindi ko maisip na pupuntahan ko. I meet a woman with white long hair holding a strange wand na sa mga palabas ko lang nakikita.  Her name is Freya, The bandits girl. Since the day I met her, She has been my companion. But the question is until when? Hanggang saan ba kami dadalhin ng aming mga kapalaran? Sa lugar ba nito ganap ko na ba makikilala ang akin sarili? Paano kung sa pagpunta ko sa mundo na ito maging hudyat lamang ito ng akin kapahamakan. At sino nga ba ang babae laging kanila bukang bibig na halintulad ko? Samahan niyo ko sa  pagtuklas ng aking tunay na pagkatao, at alamin ang hiwaga ng Kaharian ng Magicus.
Fantasy
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status