Ang Makasalanang Asawa
He has the guts to show up dahil alam niyang hindi ko siya kayang isumbong kay Bil.
So why is he here? Anong kailangan niya sa akin?
“Why are you here?”
“If you want to get Fatima, I’ll help you. Isa lang naman ang problema natin hindi ba? Si Bil?”
Bigla akong nagka-interes sa sinabi niya. Paano ko makukuha si Fatima sa kuya niya?
“Noon pa man, pansin ko ng mahalaga kay Bil si Fatima,” ang sabi ni Axcl. “But something strange I found about him. He’s a psychopath, isn’t he?”