Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiram na Asawa

Hiram na Asawa

Patong-patong ang mga problema ni Maria Averie Salvador. Bukod sa kailangan niya ng malaking halaga para sa chemotherapy ng kanyang Tatay, hinahabol din siya ng kanyang mga pinagkaka-utangan. Ubos na ang listahan ng mga taong pwede niya pang utangan at kahit pagtitinda niya ng isda sa palengke ay hindi maisasalba ang buhay ng kanyang ama. Ang masaklap, sa isang kisap mata ay tinangay siya ng mga armadong lalaki.Ngunit hindi niya alam na iyon ang babago sa kanyang buhay lalo na't nagimbal siyang makita ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Isang Francheska Morales ang kumidnap sa kanya at nais nitong magpanggap siya bilang ito at gampanan ang pagiging asawa sa isang kilalang mabagsik na negosyante ng kanilang bayan. Kailangan nitong lumayo upang mabuntis at maibigay ang tagapagmana ng nag-iisang Sebastian Loki Inferno.Pikit-mata niyang tinanggap ang misyon kapalit ng malaking halaga. Ngunit binalot siya ng kaba matapos makaharap ang lalaking kinakatakutan ng buong bayan nila. Kaya niya bang maging pekeng asawa ng isang Sebastian Loki Inferno?"If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig na bungad nito sa kanya.
Romance
9.8798.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.5K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

Chrispepper
"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
YA/TEEN
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Trapped In His Arms (Tagalog)

Trapped In His Arms (Tagalog)

Matapos magdesisyon ang mga magulang ni Claire na ipakasal siya sa kasosyo ng mga ito ay walang paga-alinlangan siyang umalis sa kanilang tahanan.Akala niya ay tuluyan na siyang nakatakas. But she was wrong.Sapagka't nakatakas man siya mula sa kanyang mga magulang, hindi naman siya nakatakas kay Alastair. Ang kasosyo ng kanyang mga magulang at lalaki na dapat ay papakasalan niya.
Romance
9.6330.9K viewsCompleted
Show Reviews (69)
Read
Add to library
maria adelle
Para po sa mga gustong bumili ng coins, simple lang po ang pagbili. Just go to your Profile and click Buys Coins/Bumili ng Coins. Pumili po kayo doon kung ilan na coins ang gusto niyang bilhin. You can pay po thru your Debit Card, GCash or thru Paypal. Continuation on the reply...
Honey Liza Zamora Cabais
Grabe author kahit buong libro ata nito is puro kalibugan ok lang kasi may sense, may pinatutunguhan swak na swak ang title na Chain of Lust..kulang ang 5star I suggest 10stars dapat..Great job author!
Read All Reviews
Deseri Under Our Uniform

Deseri Under Our Uniform

Si Yana "Kelly" Reyes, medical graduate na maling inakusahan ng plagiarism at itinakwil ng sariling pamilya, ay tumatakbo sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang nurse sa MS Pacifica, isang mamahaling cruise ship na naglalakbay mula sa Pilipinas patungo sa Europa. Si Kapitan Lucas "Alex" Montenegro, ang matapang, gwapo, ngunit lubhang misteryosong pinuno ng barko, ay una nang nagdududa kay Yana — akala niya ay isang espiya o mandaraya. Ngunit habang nakikita niya ang kanyang katapatan sa pag-aalaga ng mga pasyente at tapang na harapin ang sunud-sunod na kakaibang pangyayari sa barko (misteryosong sakit, nawawalang gamot, pati na rin ang mga nakakatakot na "aksidente"), unti-unting nahuhumaling si Alex sa kanya. Habang mas malalim na iniimbestigahan ni Yana ang mga kaganapan, natuklasan niya ang isang malawak na sabwatan na kinasasangkutan ng mga mayayamang negosyante, pulitiko, at maging ang sariling pamilya ng barko — isang sabwatan na hindi lang nasa MS Pacifica, kundi may malalim na ugnayan sa kanyang sariling iskandalo noon. Kasama si Alex, na may sariling nakaraan na kinasasangkutan din ng sabwatan, kailangan nilang harapin ang panganib, linisin ang kanilang mga pangalan, ilantad ang buong katotohanan, at ipaglaban ang isang ipinagbabawal na pag-ibig na maaaring magbago ng lahat ng kanilang alam.
Romance
134 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and The Gangster

The Billionaire and The Gangster

Adrian
Nang dahil sa ginawang pagpatay ng mga miyembro ng Black Feathers sa mga mahal sa buhay ni Amelia at ni Spin. Ang dating magkaaway na sina Amelia at Spin ay naging isang magkakampi at sabay na nilabanan ang organization ng isang sikat Mafia na tinatawag na Black Feathers.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Woman in disguise

Woman in disguise

Nightfall
Si Prince Cassius ang nakatakdang magmana ng trono ng mga bampira and he spent thousand of years preparing for the duty. However, his grandfather king Lukasz urged him to find a suitable wife and get married which he always rejected. Sa pagpupumilit nito ay napapayag siyang makipag-date at sa pagmamakaawa ng Prinsesa ng mga werewolves na kababata niya ay napilitan din siyang i-broadcast ang blind-date niya. Dito niya nakilala si Arriana Faye na sa simula pa lang ay alam niyang may kakaiba dito. Kalaunan ay nalaman niya ang itinatago nitong lihim. Si Arriana Faye Monroe ay isang mortal na aksidenteng napagkamalang isang bampira. Ang presensiya ng dalaga sa kingdom ng Astral ay makapagdadala ng panganib hindi lang sa mundo ng mga werewolves at bampira kundi sa mga mortal sa Pilipinas. Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi pa rin magawang pakawalan ni Cassius ang dalaga. Mauulit bang muli ang blood war oras na magising ang lycan na si Darrius? Magagawa bang ipagtanggol ni Cassius ang dalagang mortal o dadating siya sa puntong kailangan niyang burahin ang alaala nito at pakawalan ang dalaga,? alang-alang sa kapakanan nito at ng mga nabubuhay sa Pilipinas o maging sa buong mundo.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires' Secret

The Billionaires' Secret

Ang book na ito ay naglalaman ng kuwento ng magkakaibigang may kaniya-kaniyang lihim sa pagkatao. May abogado, doctor at assasin, ngunit iisa lang ang layunin— ang manaig ang katarungan. Si Jennifer or mas kilalang Kailani ay magbabalik after ten years upang ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang. Kasama sa mission ang matalik na kaibigang si Sasha at ang unang lalaking nagkagusto sa kaniya, si James. Si Khalid na anak ng taong nais paghigantihan ngunit sa bandang huli ay maging kakampi. Si Dexter ay ang abogadong matalik na kaibigan ni Khalid. Bubuo ng isang grupo upang makatuwang sa itinayong pribadong ahensya ng mga detective agent. Isa sa mga kasapi ay si James at ang kaibigang si Micko. Napabilang din ang masungit na pinsan ni Micko na si Cloud. Makilala ng grupo sina Jeydon at Ashton na magaling ding agent. Sa paglago ng grupo ay magkakaroon ng Jr. Group ang Eagle's Wings Secret Agency. Pangangatawan nila Cris, Amalia, Jay at Ruel. Isa sa haliging sinasandalan ng ahensya ay ang tiyuhin ni Dexter na si General Max. Sino-sino ang mga may madilim na nakaraan at ang may itinatago sa pagkatao? Paano nila malutas ang mga sariling suliranin?
Romance
1088.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status