Dilaan Mo
"Sinabi mo pa, pwede naman naming makialam, kaya lang ayaw mo naman kaming payagan. Magpatawag ka na kaya ng conference at nang masampal mo sa mga fans niya ang mga maling paratang ng babaeng 'yon sa'yo?"
"Hindi ako magsasayang ng oras sa mga taong kulang sa pansin at aruga, Micah. Mas kailangan ako ng mga estudyante ko dahil sinuswelduhan ako ng paaralang pinagtatrabahoan ko, bayaan na lang natin ang baliw na 'yon. Basta 'wag lang siyang magpapakita sakin at talagang hindi ko siya uurungan."
Pumalakpak si Micah. "Tapang, a. That's my friend."