Substitute Bride of Ruthless Tycoon
"Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.”
Mahal na mahal ni Rory ang kaniyang fiancé. Buong akala niya'y nahanap na niya sa piling ni Dale ang wagas at totoong pag-ibig. Ngunit sa pagbalik ng kaniyang pandinig, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan— mali pala siya ng pagkakakilala sa lalaki.
Mananatili siyang pangalawa sa buhay nito dahil mas prioridad ni Dale ang adopted sister nitong si Samantha.
Dalawang taon siyang nagtiis, nagpatawad, at naging maunawain. Ngayon na alam na niya kung sino ang mas mahalaga para kay Dale, panahon na rin siguro na unahin niya ang kaniyang sarili.
Sa kaniyang pagbabalik sa Manila, napilitan siyang magpakasal kay Aeros Elizondo, isang makisig, guwapo ngunit malupit na CEO. Wala siyang ibang maramdaman para rito kung hindi kaba. Kahit na napakagwapo ng lalaki, mabigat naman ang presensya nito kaya't malaki ang kaniyang pag-aalinlangan.
Paano nila malalampasan ang mga pagsubok bilang mag-asawa gayong tila napilitan lang din silang magsama?
Ano ang kahinanatngan ng kanilang pagsasama?
Posible kayang mahulog sa kaniya ang lalaki kahit na substitute bride lamang siya?
Magmamahal kayang muli ang nasawi niyang puso kahit na marami siyang pag-aalinlangan?
Ano ang mangyayari kung sa hindi inaasahang tagpo at pagkakataon, mahanap nila ang isa't isa na nahuhulog na sa kasunduang pagsasama?