Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1026.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

Sa mundo, hindi natin alam ang mangyayari. Hindi natin alam kung sino ang taong itinadhana para sa 'tin. Ang tamang taong mamahalin at makakasama natin hanggang pagtanda. Si Aviana Francia ay isang babae na may pangarap para sa kanyang pamilya. Bilang panganay, she's working hard to support her family. Lalo na para sa kanyang mga kapatid na nag-aaral. Doon niya nakilala si Gabriel Vergara, ang suplado niyang boss. Pero kahit suplado ito, palagi itong nandyan para sa kanya. Minsan nakakalimutan niyang boss niya ito dahil bagay itong maging boyfriend niya. Pareho kaya ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya? Kahit alam niyang malabo maging silang dalawa. Siya ba ang pipiliin nito o may ibang babae na sa puso ng binata?
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Capturing the Billionaire's Heart

Capturing the Billionaire's Heart

Dahil sa biglaang pag-alis ni Alex sa puder ng kapatid, at biglaang pagpapakasal sa lalaking di lubos na kilala, inakala niyang mamumuhay silang tahimik at may respeto pagkatapos ng kasal. Ngunit laking gulat niya nang matuklasang sa likod ng malamig na pakikitungo nito sa kaniya ay isang lalaking sobra kung magmahal. Sa tuwing may hinaharap siyang problema, palaging asawa niya ang nauuna para tumulong, at tila kusang nawawala ang lahat ng inaalala at pinoproblema niya kapag dumarating ito. Hanggang isang araw, napanood ni Alex ang isang panayam sa isa sa pinakamayamang tao sa Asia—isang lalaking nakilala sa sobrang pagmamahal at pagmamalaki sa kanyang asawa. Sa kanyang pagkagulat, napansin niyang lalaki ay kamukhang-kamukha ng kanyang asawa! Hindi lang iyon—ang babaeng ipinagmamalaki nito sa buong mundo na kaniya raw asawa ay walang iba kundi siya!
Romance
1023.9K viewsOngoing
Read
Add to library
How to Unlove You

How to Unlove You

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?
Romance
9.824.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's First Love

The Billionaire's First Love

“Papunta na tayo sa exciting part,” mapanukso ang tonong sabi ni Natalia rto. Wala siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi iparamdam kay Timothy kung gaano kasakit para sa kanya ang kataksilang ginawa nito. Unti-unti niyang kinalas ang butones ng suot niyang blusa. Tahimik lang si Matt habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi, “ Ibibigay ko saiyo ng buong-buo ang katawan ko. Damn, paligayahin mo ako. Paligayahin mo ako na para bang wala ng bukas. Gusto kong makalimutan ang kahayupang ginawa sa akin ni Timothy. Gusto kong kalimutan ang katarantaduhang ginawa nila sa akin,” nanginginig ang mga kalamnan na sabi niya rito. “Natalia. . .” “Angkinin mo ako, patunayan mo na hindi lang si Timothy ang lalaki sa mundo!” Yamot na sabi niya rito.
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1019.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Just a Bride, Not a Wife

Just a Bride, Not a Wife

Niloko at pinagtaksilan si Valerie ng kanyang boyfriend na si Ivan matapos niyang maipagkaloob nito ang kanyang pagkababae. Sa kanyang hangaring makaganti, pumayag siya sa isang kasunduan kapalit ng malaking halaga. Magiging bride siya pero hindi magiging asawa ni Lester Montefalcon, isang gwapo ngunit suplado at mayabang na anak ng isang mayamang may-ari ng malaking pabrika. Pareho nilang inaayawan at kinaiinisan ang bawat isa. "Hindi ikaw Valerie ang tipo kong babae kaya huwag kang umasa! Gawin mo ang nasa kontrata". "Hindi ikaw Lester ang lalaking pangarap ko at kahit ikaw na lang ang natitira sa mundo, hinding-hindi pa rin ako magkakagusto sa iyo!" Ngunit mapanindiganan kaya nila ito kung nagdulot ng kakaibang sensasyon ang kanilang bangayan? Paano kung muling magbabalik ang dating nobyo ni Valerie at desidido itong bawiin siya? Alin ang mas matimbang sa puso niya, ang lalaking hindi niya kayang kalimutan o ang taong ayaw niyang pakawalan?
Romance
1021.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A NIGHT WITH THE CEO

A NIGHT WITH THE CEO

Catastrophic
It takes one night with the CEO for Quinn to determine if Denver is still in love with him after 8 years without communication and seeing each other. Ngunit nagkamali siya ng desisyon ng gabing binigay nito ang kanyang katawan sa pag-aakalang muli silang magkakabalikan. Quinn Rodrigo, isang probinsyana na lumuwas ng syudad para habulin ang kanyang pangarap. Ang hanapin ang first love nito na si Denver na nakilala niya sa shelter kung saan pareho silang ampon, naudlot ang kanilang pagmamahalan at napahiwalay sa isa’t isa. Ngunit sa kanilang pagkikita, ibang Denver na ang kanyang makilala. He became the ruthless, unreachable CEO kung saan tinatanggi nito ang pagmamahalan ng kanilang nakaraan. She decided to end what she feels for her first love, sa walong taon niyang paghihintay ay sapat na upang kalimutan na rin ang nakaraan na mukhang wala ng pag-asa pa. Kung kailan naman niya nais makalimot ay doon magsisimula ang madalas na pagtatagpo ng kanilang landas. May pag-asa ba sa pag-ibig na kinalimutan? Pag-ibig na naputol dahil sa distansya at pagkakaiba ng kanilang ginalagawan na mundo? O tuluyan ng napagod ang puso sa paghihintay at paghahabol para sa pag-ibig na impossibling makamit?
620.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1021.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
7891011
...
39
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status