Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Training My COO

Training My COO

In this world full of responsibilities, I say tapos ko na 'yong iba kaya time na para mahalin naman ang sarili, humayo, at lumandi. Kidding aside, hindi ko nga alam kung ano ba ang type ko pero let's see kung makakahanap ako ng interesado sa boring kong pagkatao. Do not be deceived by the book cover.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Nakalimutan sa Kamatayan

Nakalimutan sa Kamatayan

Dalawang buwan ng mamatay ako, napagtanto ng mga magulang ko na nakalimutan nila akong iuwi mula sa lakad nila. Naiinis na sumimangot at sumigaw ang ama ko. “Dapat siyang maglakad mag-isa mismo. Kailangan ba niya talaga itong palakihin?” Ang kapatid ko, na mayabang, ay binuksan ang chat namin at nagpadala ng emoji, kasama ng message. [Mamatay ka na dyan. Sa ganitong paraan. Kami ni Scarlet ang maghahati sa pamana ni Lola.] Wala siyang natanggap na sagot. Habang malamig ang ekspresyon, nagsalita ang nanay ko, “Sabihin mo sa kanya na kapag nagpakita siya sa kaarawan ng lola niya sa tamang oras, hahayaan ko na ang pagtulak niya kay Scarlet sa tubig.” Hindi sila naniniwala na hindi ako nakaalis ng gubat. Matapos maghukay ng malalim, nakita nila sawakas ang mga buto ko.
Read
Add to library
The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
Romance
8.44.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Fierce Love of the Arrogant Man

Fierce Love of the Arrogant Man

“Nasaan ang singsing?” “Ano?” Mabilis na binawi ng babae ang kanyang kamay. “Tinatanong ko kung nasaan ang singsing,” mariing ulit ni Stefan habang nakatitig nang masama sa kanyang kasintahan. “Ah... naiwan ko yata sa opisina. Kasi madalas akong naghuhugas ng baso ng kape, kaya tinanggal ko muna at itinabi. Baka magasgas kasi,” paliwanag ng dalagang si Natalie na bahagyang nakapagpakalma kay Stefan. “Kapag tinanggal mo ‘yan, ituturing kong gusto mong makipagbitiw sa kasunduan ng kasal.” “H-hindi naman po. Itinabi ko lang, hindi ko naman tinatanggal ng tuluyan.” “Kung gano’n, isuot mo ngayon din,” singhal ng lalaki na may halong pagbabanta. “Oo na, isusuot ko,” sagot ng babae na may bahid ng tampo. Kinuha niya ang bag sa tabi, binuksan iyon, at inilabas ang singsing ng kanilang kasunduan. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri at ipinakita sa kanya ang likod ng kamay.
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Reluctant Luna(Tagalog)

His Reluctant Luna(Tagalog)

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko nang tanggalin ng malaking lalaki ang engagement ring ko sa daliri ko. "Hindi!" napasigaw ako nang itinapon niya ang diamond ring. "Akin ka! Naiintindihan mo ba? Akin ka lang!" ang kanyang napakagandang berdeng mga mata ang bumungad sa akin. "Never! I reject..... " Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, nakalapat ang bibig niya sa bibig ko, inaangkin ang labi ko sa isang matinding paghalik. Maayos ang buhay ni Alice, may magandang trabaho, at isang kahanga-hangang kasintahan. Bukod sa isang maliit na lihim niya, siya ay isang werewolf, at kontrolado niya ang buhay niya.Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malupit na pag-atake ay ipinadala siya sa malayo upang manirahan kasama ang kanyang tiyahin, isang keeper. Si Alice ay tinatawag na isang urban werewolf na walang balak na hanapin ang kanyang mate. Ngunit hindi nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan nang angkinin siya ng pinakagwapo, makapangyarihan at mapanganib na Alpha ng US bilang kanyang mate. Ang kanyang wolf ay nang-iinit ngunit binabalaan siya ng kanyang isipan laban sa bagay na iyon. Paano niya tatanggihan ang pagiging Luna niya?
Other
1016.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1028.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
Romance
9.99.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Death Wish
((( Julius POV’s )))Napabangon ako dahil sa bungangang yun. Tinignan ko yung babae.“Huwag kang lalapit sa akin!” Bigla akong ngumit at natawa sa sarili ko. Kung gano'n ang babaeng 'to ay walang iba kundi si Janine.“Seems I have a “good” Morning. Good morning Janine.”Bigla akong pinaghahampas ng unan ni Janine. Ewan parang ang saya eh. Nakalapit ako sa kanya. Pinigilan ko ang kamay niya saka hinila ko siya palapit sa akin.“Bitiwan mo ako Julius!” Hinalikan ko siya sa noo. Natigilan siya sa kakapalag.“Now, your mine.” Saka ko siya hinalikan sa labi.Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kaya bigla niya akong sinampal. Ngumiti lang ako bilang tugon...“I know. I deserve it.” At muli ko siyang hinalikan.“Julius! Gumising ka nga!” At pinagsasampal ako ni Janine, magkabilaang pisngi. Pinigilan ko ang kamay niya.“Gising na gising ako. Gusto mo pa?” Pak!Aww...yun ang masakit.“Di ako nakikipaglokohan sa'yo!” Ngumiti ako.“Sa tingin mo niloloko kita?”“Ahhhh....hmmm..” Hinalikan ko eh.At bago ako bumangon, hinalikan ko siya sa pisngi. Natulala siya.Bumangon na ako. Tinali ko ang robe ko at kinindatan siya bago ako pumunta ng banyo.Nang makapasok ako, narinig ko ang pagsisigaw ni Janine.Nakita ko naman ang refleksyon ko sa salamin. Ngiting-ngiti na napapailing. Naghilamos ako. Iniisip ko kung sino sa dalawang ama-amahan ko ang gumawa nito.
8.9192.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Waiting For Your Love

Waiting For Your Love

BM_BLACK301
Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya nagawa ko siyang pikutin kahit pa alam kong may ibang babae siyang minamahal at niyaya ng pakasalan. Tama, pinikot ko si Zach Galvin. Alam kong kasusuklaman niya ako at masasaktan lang ako, pero nakahanda na akong masaktan para sa pagmamahal ko kay, Zach. Simula ng maramdaman ni Jane na si Zach lang ang lalaking para sa kanya at mamahalin niya ay hindi na yon nawala sa isip niya. Kaya nagawa siya ng isang malaking kasinungalingan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status