Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
My Next Life As A Wicked Dame

My Next Life As A Wicked Dame

Nina Facelo is your average type of girl. Hindi maganda at hindi rin naman pangit, simple lang sya kung baga. Mahilig magbasa, manood ng Rom-Com movies, mahilig magbake, kumain, and a k-pop fan with strange hobbies. Kahit na palagi syang natatawag na weirdo, loner, at nerd ay wala siyang paki-alam. She have the best sets of friend, kahit dalawa lang ito. But an accident happened, habang naglalakad sya papunta sa isang bookstore, upang bumili ng libro na palaging bukambibig ng kanyang kaibigan. It's was tittled with Illuminating Darkness. A Romance-Fantasy novel. An unexpected faith occurred she was about to go home, she saw an old woman who's in trouble. The old woman was being harassed by thieves! Pilit nitong hinihila ang hand bag ng matanda, and when she saw this, ay nagpakabayani ito at ipinagtanggol ang matanda without knowing the consequences. And right before her eyes, she was stab! It happen so fast, that in a blink of an eye. She was clutching her stomach, watching the blood flowing from her tummy,like a fountain. Akala nya mamamatay na sya. But suddenly, she woke up in a different body. The body of Lady Marina, daughter of the powerhouse Edwards. What in the world just happen?!
Fantasy
1021.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
MAFIA SERIES 3: Dark The Mafia Boss

MAFIA SERIES 3: Dark The Mafia Boss

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi niya maipaliwanag. Nagtungo siya sa Maynila dahil sa isang oppurtunidad na sinabi ng kanyang tiyahin at para malimutan narin ang bangungot ng kanyang buhay. Dahil sa oppurtunidad na ito, nakilala niya si Dark Valentin at the very young age isa na itong multi-billionaire. A hot-tempered guy, handsome face, broad body and his attractive black orb at pasan ang mundo dahil laging nakakunot na noo. Para kay Aileen ay inahalintulad niya ito na isang naglalakad na poker face emoticon. Pero juice ko colored! Kahit ganoon ay makalalag panty naman ang kakisigan ng lalakeng ito. Kung ganoon, kaya niya kayang maabsorb ng kanyang loading na utak kung malalaman niya ang mala-aksyon star ang buhay nito?
Romance
16.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

Sa mismong araw ng kasal nila, nalaman ni Luna ang mapait na katotohanan—ginamit at pinakasalan lang siya ni Damon upang saktan ang babaeng dating karelasyon nito. Dala ng matinding sakit at pagkabigo, nagpasya siyang iwan si Damon sa araw ding iyon. Tahimik itong naglaho nang walang paalam. “Hanapin n’yo siya! I want every inch of this estate searched!” sigaw ni Damon habang galit na galit na naglalakad paikot sa marble flooring ng hall, ang mga palad niya'y nakasukbit sa kanyang buhok na tila ba hindi malaman kung ano ang uunahin—ang takot, ang galit, o ang pagkasira ng loob. “Sir Damon,” lapit ng isa sa mga security. “We’ve searched the entire estate… wala po talaga si Ma’am Luna. Even the guard at the back gate said walang nakitang dumaan.” “She can’t just run away with my child!” singhal niya, boses niya'y halos mapunit sa dami ng emosyong nagsasalubong sa dibdib. “Do whatever it takes—bring her back! Now!” Pagkalipas ng anim na taon magmula noong maglaho na parang bula si Luna... "Boss, we found your wife. She just landed at the international airport." "And she’s with three kids... who all look exactly like you." "But there’s another man with them—and one of the kids is calling him Dad."
Romance
108.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
108.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
After the Daylight

After the Daylight

Nang magising si Zinnia gulat siyang nakatingin sa kanyang katawan na hubo't hubad. Tiningnan niya ang lalaki na sarap sa pagtulog, naalala ni Zinnia na ito ang lalaking nakatinginan niya kagabi, dahan-dahan siyang tumayo at binitbit niya ang kanyang mga gamit, kalaunan ay patuloy siyang umalis. Nang magising ang lalaki ay agad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na hanapin ang babaeng kanyang nakasiping upang panagutan at pakasalan ito. Ilang araw ang nakalipas ay nalaman ni Zinnia na buntis siya at hindi lamang ito isang sanggol kundi tatlo, naging masaya naman siya subalit malungkot niyang naisip na baka hindi niya kayang gampanan ang pagiging ina. Naisip niya ang lalaki sa bar subalit pumasok ulit sa kanyang isipan na baka hindi ito panagutan ng lalaki. Habang naglalakad si Zinnia ay bigla niyang nakasalubong ang lalaking ama ng kanyang mga anak, malamig siyang tinitigan nito ngunit maya-maya lang ay ngumiti ito. ganun pa man ay hindi alam ni Zinnia kung ipagtatapat niyang nabuntis siya nito. Tinanong ng lalaki kung ano ang nais ni Zinnia, naisip ni Zinnia na kailangan niya ng pera. Binigyan naman agad ng lalaki si Zinnia ng pera. Malungkot na naisip ng lalaki dahil kagaya pa rin si Zinnia ng ibang babae na pera lamang ang habol sa kanya. Isang araw habang naglalakad si Zinnia ay bigla siyang may nakabangga, isang babae na mayaman ang dating. Humingi ng tawad si Zinnia subalit hinusgahan lamang siya nito, sabi-sabi pa ng iba na ang babaeng ito ang nakatalang ipapakasal sa isang pinakamayang CEO na si Mr. Youtan.
Romance
106.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
103.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The baby maker of heartless mafia boss

The baby maker of heartless mafia boss

Yunnashane
Disclaimer:THIS STORY IS PURELY WORK OF FICTION. ALL CHARACTERS, NAMES, PLACE OR EVENTS MENTIONED IN THE STORY ARE USED FICTITIOUSLY, PLEASE DON'T ASSOCIATE THE CHARACTER TO THE ACTUAL PORTRAYER. >>> Naglalakad ako ng may marinig akong ingay sa bandang kusina. Nung una benaliwala ko lang yun pero ng may narinig ako iyak ng batang babae ay agad ko tinungo ang kusina dahil alam ko kung sino yung batang babae umiiyak. Pagdating ko ng kusina nakita ko umiiyak ang kapatid ko at bukod dun nakita ko rin na pinapagalitan s'ya ni Beatrice. Agad ko naman nilapitan ang kapatid ko para tanongin kung bakit s'ya umiiyak. "Yana anong ngyari? bakit ka umiiyak?" nagaalala tanong ko. Pinunsan nito ang mga pisnge n'ya bago ako sagutin. "A-Ate ako po kasi sinisisi ni ate Beatrice na kumuha ng necklace n'ya kahit hindi naman po talaga ako ang kumuha." sagot nito sa tanong ko habang umiiyak. "At talagang masisinungaling kapa bata ka! eh! Ikaw lang naman ang pumasok sa kwarto ko bago mawala yung necklace ko!" asik ni Beatrice sa kapatid ko. Hindi ko maiwasang hindi s'ya patulan sa pagbibintang n'ya sa kapatid ko. Alam ko hindi magagawa ng kapatid ko ang binibintang n'ya dahil hindi ko ganon pinalaki ang kapatid ko. "Ano ba Beatrice? Bakit mo naman pinagbibintangan yung kapatid ko? Eh wala ka naman ebendinsya na s'ya ang kumuha ng necklace mo!" sabi ko sa galit na tuno. Pagak itong tumawa bago muling nagsalita. "AT TALAGA KINAKAMPIHAN MO PA YANG KAPATID MO MAGNANAKAW" asik nito sa akin at sa kapatid ko. "Opss! Nakalimutan ko palang anak kayo ng mga magnanakaw! Mga mukang pera! gold digger!" sambit nito sa mapangasar na tuno. Sa puntong yun hindi ko na napigilan ang galit ko. Idamay na n'ya ang lahat wag lang ang kapatid ko at lalong-lalo na
Romance
10667 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
Romance
10373 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Falling for My Ex's Uncle

Falling for My Ex's Uncle

Viviene's peaceful morning walk was ruined when a speeding black car splashes muddy water all over her. I glared at the back of the car while cursing it on my mind. Hindi man lang huminto ang sasakyan! Nagpatuloy lang ito. I quickly memorized it's plate number. Naiinis kong pinunasan ang t-shirt na nadumihan dahil sa nangyari. My peaceful morning was ruined because of that car! Just wait! I'll ruin you! Inis akong umuwi ng bahay. I walked slowly when I saw the car from earlier. It was parked in front of our house! I smirked. Makakabawi na rin ako sa wakas. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa may nahagip akong putik sa may gilid. "Kung sinuswerte ka nga naman" saad ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa putik. I winced in disgust while scooping the mud. Agad kong pinunas sa sasakyan ang mga kinuha kong putik. I made sure na malalagyan ko ang harap. Pansin ko ang pagtingin ng mga taong napapadaan pero pinabayaan ko lang sila. I walked inside our house, only to find my brother's friend—Devin Raleigh Carter, the owner of the car that splashed mud all over my shirt.
Romance
180 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status