Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10832 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
1012.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1029.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Dormmate is a Billionaire

My Dormmate is a Billionaire

Tey
Ang buong akala ni Chelsea ay si Kevin na ang para sa kaniya, ngunit nagkamali siya nang makipaghiwalay ito sa kaniya matapos ang kanilang one year anniversarry. Nadurog ang puso ni Chelsea, saka pumasok sa buhay niya ang kaibigan ng kapatid niyang si Franco na si Camerman. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang secret billionaire si Camerman na nakatakdang humalili sa kanyang ama na si Don Pablo bilang CEO ng SOL Foundation—isang sikat na Foundation para sa mga bata at matatanda. Napilitan na lumayas si Camerman sa pamamahay nila matapos sumama ang loob nito sa kanyang ama sa kadahilanang ipapakasal siya nito sa isang hindi kilalang babae. Ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya naman mahal. Dahil dito ay napadpad siya sa dormitoryo ng kaibigan niyang si Franco. Nangako si Camerman na tutulungan niya ang kaibigan niya na protektahan ang nakababata nitong kapatid na si Chelsea kapalit ng pananahimik ni Franco at hayaan siya nitong magtago muna mula sa kanyang ama. Naging aso't pusa si Chelsea at Camerman, ngunit kalaunan ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Paano kung malaman ni Chelsea na ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso ay nakatakda na palang ikasal sa iba? Manaig pa rin kaya pagmamahal niya? O tuluyan na niyang tatapusin ang lahat?
Romance
10977 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

MISERABLE WIVES CLUB SERIES #1: Bigla na lang nag-aya ng divorce si Kaia kay Bastian noong panahong naghihirap siya. Ang dahilan nito? Mahirap si Bastian at may minamahal nang ibang lalaki si Kaia. Galit ang namuo sa puso ni Bastian sa pagiging walang puso ng babaeng minamahal at pinangakong gaganti siya rito sa hinaharap. Makalipas ang limang taon, nagkrus muli ang landas nila. Si Bastian, bilang isang matagumpay na CEO ng AA World Group of Companies habang si Kaia, mula sa pagiging anak mayaman ay nahulog sa pedestal at nauwi sa pagiging waitress na lang sa isang nightclub. Ginawa ni Bastian ang lahat ng pinangako niya sa sarili, mahal man si Kaia, mas matindi ang galit niya rito. “Kaye, we can't go back to the past. My hatred for you won't stop even if you die.” Ngunit nang maubos si Kaia sa lahat ng pananakit ni Bastian sa kanya at nawalan ito ng hininga, doon napagtanto ni Bastian na mas malalim pala ang pagmamahal niya sa asawa kaysa sa galit niya at mas matimbang ang pagsisisi kaysa sa kamatayan. “Kaye, matagal na kitang pinatawad dahil ang pagmamahal ko sa ‘yo, parang hininga. Hindi matitigil. Ako dapat ang nawala… kapag namatay ba ako, maibabalik ko ba ang buhay mo?”
Romance
107.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nothing Matters

Nothing Matters

SpadeLucker
"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon... Mark my words, Ria. Magiging akin ka din ng buong-buo." ~Jacinto Mathias Gusto mo bang malaman ang baho ng iba? Gusto mo bang marinig ang istorya ng isang disenteng binata na nahulog sa maduming bayaran? Do you want to know that behind her innocent face conceal her unholy self? Or does it more interesting to hear about a man who has dignified appearance hides an intense desire of something that should be considered wicked? Do you think it's a waste if an influential, wealthy, and decent man chose to be with an immoral, good for nothing, and prostitute woman? Well, what do you think? Do you have time to know and hear about these spicy rumors? Then come and satisfy your curiosity. Learn to know that expectations, moral standards, and bad reputation doesn't matter in love... Nothing matters when it comes to love. ~SpadeLucker
Romance
2.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Captivate the Mafia Boss

Captivate the Mafia Boss

Lil_Simple9
Farrah Louise Alvarez, a 23 years old optimistic woman who fell in love with a mafia boss. Nasaksihan niya kung gaano ka-brutal pumatay ng tao ang taong nagugustuhan niya, ngunit mas lalo pa siyang nahulog dito sa halip na katakutan niya ito. Siya rin ay gumaganap na isang ina sa isang batang kan'yang inampon. Grayson Harvey Lewis, the 28-year old Mafia boss, and the ruthless man that can kill anyone except the innocent ones. Kaya niyang patayin ang sinumang humarang sa kan'yang mga plano at ang mga traydor sa kan'yang paligid. Lalo pa't kailangan niyang malaman ang nangyari sa kan’yang ama at hanapin ang bangkay nito. Sa pagku-krus ng landas ng dalawa ay parehong nag-iba ang takbo ng kanilang buhay. Humingi ng pabor si Gray kay Farrah na magpanggap na asawa nito kapalit nang pananatili niya sa bahay nito upang hindi makuha ng kan’yang madrasta ang lahat ng pinaghirapan ng kan’yang ama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapanggap ay hindi inaasahan ng dalawa na magkakaroon sila ng mas malalim pang ugnayan. Lalo na’t isa sa layunin ni Farrah ay ang mabihag ang puso ni Gray. Magpatuloy pa kaya si Farrah na pa-ibigin si Gray sa kabila nang mga darating na mga problema sa buhay nila? Ang pagpapanggap ba nila ang magiging susi tungo sa inaasam nilang layunin?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)

Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)

Si Jackson Lucas Montgomery ay kilala bilang the perfect son na nagpatayo ng imperyo, may daan-daang negosyo, at milyon-milyong investor na nagtitiwala sa kaniya. Ngunit hindi alam ng lahat, may isang lalaking nakatago sa loob niya. A man who is wilder, more ruthless, more dangerous… and far more sinful. His other self, ang rebelong anak na hindi kayang kontrolin ang tunay niyang pagkatao. Si Tatiana Louis Alcantara, isang stripper na desperadong makaalis sa mabahong buhay na mayroon siya, ay aksidenteng nabuntis ng lalaking hindi niya alam ang pagkakakilanlan. Tanging ang tattoo lang ng lalaki sa left abdomen ang palatandaan niya. Sa gitna ng kanyang paghahanap sa lalaking nakabuntis sa kanya ay nahulog siya sa patibong na hindi niya inaakalang mangyayari sa kanyang buhay. Bumungad na lamang sa kaniya ang dark, hypersexual alter ego ng pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa. They fall into a secret, burning affair. Isang relasyong puno ng halik na bawal, yakap na delikado, at gabing kinakalaban ng katawan ang katinuan. Ngunit nang magsimulang maglaho ang perfect son personality dahil kay Tatiana, nagkagulo ang buong angkan ng Montgomery. Para sa kanila, si Tatiana ang sumpang sisira sa kanilang imperyo. At gagawin nila ang lahat para mawala siya sa buhay ng anak nila para ibalik ang perpektong anak na kailanman ay hindi naging totoo. What they don’t know about is that… The rebel son doesn’t just want her. He will destroy worlds to keep her.
Romance
103.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10943 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1920212223
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status