Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love or Lust

Love or Lust

Mysterious Novelist
Hinulma ng galit, hirap at sakit ang puso at buong pagkatao ni Safira Morgen mula nang nagbago ang kanyang naging tadhana nang mahiwalay siya sa kanyang totoong pamilya. Napunta siya sa pamilyang hinulma sa karahasan at kasalanan. Nang umabot sa 16 anyos na edad si Safira ay inakala niya na pinatay ng malaking sindikato ang mga taong nag aruga at nagpalaki sa kanya, kung kaya't nagawa niyang mailagay ang hustisya sa kanyang mga palad. Hinanting niya lahat ng mga malalaking taong may posibilidad na koneksyon sa taong pumatay sa kanila habang ginagamit niya ang kanyang makamandag na umaapoy na alindog. Saka niya makikilala si Grievo na kalaunan ay ang taong magtuturo sa kanya ng totoong pag-ibig.. .Magagawa pa ba niyang mahalin si Grievo kung malalaman niya na siya pala ang pumalit sa buhay na dapat para sa kanya dahil siya ay ampon ng pamilyang MORGEN na kanyang totoong pamilya? Nasa huli ay matutuklasan din niyang siya rin pala ang totoong anak ng mga SENDON, mga taong nag aruga sa kanya na kalaunan ay malalaman niya na siya ay tunay na binenta nila bilang kalakal sa mga sindikato? Na naging dahilan ng kanyang paghihikahos at pagkalugmok sa mundo ng PROSTITUSYON? Mamahalin din ba ni Grievo si Safira kung malalaman niya sa huli na isa pala siyang BETERANANG ESCORT GIRL na inakala niyang isang simple, isang Manang na wierd at balot na balot kung panamit ay lihim din palang pumapatay para lang makamit ang inaakala niyang hustisya.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]

HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]

Pinakasalan ni Monica Aguilar ang young master nito para maisalba sa kahihiyan na nakaniig ang isang babaeng may asawa na pala! Mapapatino nga kaya ng inosenteng dalaga ang womanizer nitong asawa? Para tigilan na siya ng babae at ang asawa nito ay pinakasalan ni Aldrich Di Caprio ang kanyang Yaya na si Monica Aguilar na para na niyang nakababatang kapatid. Paano kung matapos na ang kontrata nila? Magagawa nga kayang pakawalan pa ni Aldrich ang asawa kung sa ilang buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa ay natutunan na niya itong, mahalin bilang kanyang ......asawa.
Romance
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
458 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Runaway Bride

Married to the Runaway Bride

Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kan'ya. Nasira at nasaktan, susubukan niya na buuin muli ang buhay. Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babae na magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan, susubukan niya na ayusin ang buhay. Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noon nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay. Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal? O pareho sila na makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Romance
1044.7K viewsCompleted
Read
Add to library
ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM

ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM

May Poblete
Avery Verlace apo ng mayamang Senior Verlace ang isa sa may ari ng malawak na lupain sa Quezon Province. Hindi inaasahan ni Avery ang pagkawala ng mga lolo't lola niya na nag-aruga sa kanya mula ng mawalan ng magulang. Hindi nila inaasahan na may maghahabol ng mana ang anak sa labas ng lolo nila na si Tita Cora. Hindi akalain ni Avery na mahuhulog siya sa pamangkin nito. Sa sobrang pagmamahal nito sa lalaki na ibigay niya ang pagkabirhen niya dito. Ngunit nalaman niya ang plano ng magtiyahin na sadyang paibigin siya para makamit nila ang lupa pinamana sa kanya. Labis na nasaktan ang dalaga nilisan niya ang farm na para sa kanya hindi para sumuko sa laban sinimulan ni Atticus at Tita Cora niya. Nag-aral ang babae ng agrikultura sa ibang bansa dahil advance dito. Para sa pagbabalik nito at mapalayas na niya ng tuluyan ang magtiyahin. Para hindi nito kailanganin si Atticus aminado ang babae magaling ito sa agrikultura marami natulong ang lalaki sa sakahan simula ng dumating ito ngunit hindi makakapayag si Avery na mawala sakanya ang lupain na para sa kanya. Ngunit na lusaw ang tinayong pader ng babae para sa lalaki ng makita niya ito kasama ang mapapangasawa tila nakaramdam siya ng kirot na hindi siya ang na pili pakasalanan nito. Maiibalik ba nila ang dati nila pag-iibigan o mananatili na ito nakabaon sa limot? Gaano katapang si Avery para ipaglaban ang lupa at pagmamahal niya?
Romance
1.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sister's Fiancé

My Sister's Fiancé

PoisonIvy
Iniidolo ni Carmela ang ate Olivia niya dahil bukod sa maganda na ito at matalino, ay mabait din ito. Ito na ata ang pinakapinagpala na babae sa mundo. Idagdag mo pa na may mapagmahal itong fiancé. Pero katulad ng sinasabi nila, lahat ng bagay ay may kapalit. Olivia is dying. Matagal na pala nito itinatago sa pamilya nito ang sakit. They only find out two weeks before the wedding. Gusto ni Olivia may maiwang magmamahal kay Jared kahit wala na ito. And her dying wish is to Carmela to get married with Jared. Noon pa man ay crush na crush na ni Carmela si Jared, pero isinasarili niya lang iyon dahil ayaw niya mag-isip ng hindi maganda ang ate niya. Pumayag siya sa hiling ng ate niya, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ipinaparamdam ni Jared na walang makakapalit sa pagmamahal nito kay Olivia, kahit siya pa na kapatid ni Olivia at kahit pa kasal na silang dalawa.
Romance
619 viewsOngoing
Read
Add to library
The Pedophile, Kourtney Bautista

The Pedophile, Kourtney Bautista

Na inlove sa isang anak ng dati kong minahal. May pag asa kaya ang pag iibigan naming dalawa nito? o baka matutulad na naman ito sa dati na na inlove lang ako pero walang katugon. Madidiligan pa kaya ang natutuyot kong kweba o tuluyan ng mag me menopause na lang ako at lahat ng walang diligan na mangyayari?
LGBTQ+
1018.8K viewsCompleted
Show Reviews (8)
Read
Add to library
imnotpsychopath
gustuhin ko man po na mag sulat para makapag update at matapos na rin po ang story ko na ito. Hindi ko po magawa kc injured po ang isa kong kamay. Nahiwa po kahapon ng scalpel habang nag pe perform kami ng castration sa baka. pasensya na po tlg.
ليني ساكيان باياوا
Kilan magigising c faye author? Huwag naman sana sa oras na ikakasal na ang mga anak nilang 4. Sana next na kwento ay ang storya ng quadroplets po para may karugtong ang kwento ni faye at kourtney. Salamat pala sa matyagang pag uupdate author.
Read All Reviews
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.7K viewsOngoing
Read
Add to library
HER SUFFER RING

HER SUFFER RING

May gustong-gusto si Calynn na singsing. Subalit isang araw ay binili ito ng isang lalaki para sa nobya nito. Simula niyon ay animo'y heartbroken na si Calynn. Hindi niya matanggap na pag-aari na ng ibang babae ang singsing na inasam-asam niya. Ang hindi niya alam ay muling magkukurus ang landas nila ni Reedz at walang anumang ibinigay na lang nito ang singsing sa kanya dahil ni-reject daw ito ng nobya. Subalit imbes na matuwa ay nakonsensya si Calynn. Hinanap niya si Reedz para ibalik ang singsing. Ang hindi niya inasahan, sa isang iglap, dahil sa singsing ay siya na ang na-engage sa binata, kay Reedz Rovalez na isa palang bilyonaryo. Anyare? At ano pa kaya ang mangyayari oras na siya ay mabuntis?
Romance
1015.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status