Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
Romance
1020.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
Romance
10807 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa. Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo. Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin. Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss. Isang gabi ng kapusukan. Isang simula ng mga lihim. At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo. Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?
Romance
1015.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
MR.CEO and ME

MR.CEO and ME

Sanay si Dominic Villaruel, isang gwapong bilyonaryo at may-ari ng kilalang hotel chain, na habulin at pagsilbihan ng mga babaeng halos mag-unahan para lamang mapansin siya. Dahil sa tingin niya’y pare-pareho lang ang lahat—nahuhulog sa kanyang yaman at sa kinang ng kanyang kagwapuhan—hindi niya kailanman sineseryoso ang pag-ibig. Mayabang, arogante, at sarado ang puso; iyon ang mundong matagal na niyang nakasanayan. Ngunit biglang nag-iba ang lahat nang makilala niya si Mira Santos, isang tahimik at introvert na staff sa kanyang hotel. Sa unang pagkikita, ni hindi siya nito binigyan ng tingin—para bang ang kinang ng kanyang itsura ay wala lang. Sa halip na ikababa ng kanyang ego, mas lalo siyang naiintriga. Unti-unti, natuklasan ni Dominic na sa likod ng pagiging mahiyain ni Mira ay may matatag at matalinong babaeng kayang suwayin ang kanyang kayabangan. At sa bawat saglit na magkasama sila, tila isang pana ng kupido ang muling bumuhay sa pusong matagal nang naniniwala na hindi na muling iibig. Hindi niya akalain—ang babaeng hindi man lang siya pinapansin ang siya palang dahilan ng pagbagsak ng kanyang pusong matagal nang sarado sa pag-ibig.
Romance
5.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Reluctant Luna(Tagalog)

His Reluctant Luna(Tagalog)

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko nang tanggalin ng malaking lalaki ang engagement ring ko sa daliri ko. "Hindi!" napasigaw ako nang itinapon niya ang diamond ring. "Akin ka! Naiintindihan mo ba? Akin ka lang!" ang kanyang napakagandang berdeng mga mata ang bumungad sa akin. "Never! I reject..... " Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, nakalapat ang bibig niya sa bibig ko, inaangkin ang labi ko sa isang matinding paghalik. Maayos ang buhay ni Alice, may magandang trabaho, at isang kahanga-hangang kasintahan. Bukod sa isang maliit na lihim niya, siya ay isang werewolf, at kontrolado niya ang buhay niya.Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malupit na pag-atake ay ipinadala siya sa malayo upang manirahan kasama ang kanyang tiyahin, isang keeper. Si Alice ay tinatawag na isang urban werewolf na walang balak na hanapin ang kanyang mate. Ngunit hindi nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan nang angkinin siya ng pinakagwapo, makapangyarihan at mapanganib na Alpha ng US bilang kanyang mate. Ang kanyang wolf ay nang-iinit ngunit binabalaan siya ng kanyang isipan laban sa bagay na iyon. Paano niya tatanggihan ang pagiging Luna niya?
Other
1016.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Darkness of Desire

Darkness of Desire

First Generation: Entangled Hearts Series #1 Anak nang isang kilalang business owner si Katherine Victoria Von Schmitt. Matapos niyang magbakasyon sa ibang bansa, umuwi kaagad siya sa Pilipinas, at dumiretso sa kanilang bahay. Ngunit hindi niya inaasahan na may naghihintay pa lang malaking problema sa kaniya. Her father was using illegal drugs, got addicted to gambling, and drank liquor as if his life depended on it. Ang nakaiinis pa ay walang alam si Katherine sa mga bisyo ng kaniyang ama. Kung hindi pa dumating ang mga lalaking hindi pamilyar sa kanilang bahay, baka habang-buhay ‘yon itatago ng kaniyang ama. “Your father had a huge debt, Miss Von Schmitt.” Para siyang pinagbagsakan nang langit, at lupa. Ni hindi niya alam kung paano magre-react, dahil sa kaniyang narinig. Nagkaroon sila nang malaking utang, at imposible raw na mabayaran niya ‘yon. Millions din ‘yon, at malaki ang interest kaya mas lalong lumalaki ang utang ng kaniyang ama. “Sign the damn document, Miss Victoria. Be my contracted wife and carry my child,” he mumbled dangerously. “Once you fulfill your duty, you will be free from this setup. You’re not going to pay his debt anymore.”
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seducing The Billionaire's Secretary

Seducing The Billionaire's Secretary

Rowan Villaraza is rich, good-looking, and used to being chased by women. Para sa kanya ay laro lang ang lahat. Pa-cute dito, pa-charming doon. Wala pang tumanggi sa kanya. Walang hindi bumigay. Pero nabaligtad ang mundo niya nang dumating si Paige Acosta—ang bago niyang secretary na parang laging galit sa mundo. Luma kung manamit, laging seryoso, and the way she looked at him... it was as if she saw something disgusting on the floor. Hindi siya ‘yung tipo ni Rowan. At lalong hindi siya ‘yung babaeng mapapatingin ka ulit sa kanya. Pero ewan ba niya kung bakit ito pa ang hindi niya matigilan pagmasdan. Lalo pa nang hindi man lang ito natinag sa mga pa-charming niyang siguradong epektibo sa iba. Kaya nang biruin siya ng mga barkada na paibigin si Paige ay tinanggap niya ang hamon. Easy lang naman yun kay Rowan. One look, one smile, and game over. Pero habang tumatagal, iba ang nangyari. Imbes na ang secretary niya ang paibigan, mukhang siya pa ang mahuhulog. Imbes na siya ang nilalapitan, siya ang gustong lumapit. And by the time he realized everything was real, he was already the one chasing after her.
Romance
311 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
If We Love Again

If We Love Again

J.R. McKay
Istrikta si Sarah pagdating sa rules; hindi niya ‘yon nilalabag at ayaw niyang may lumabag niyon lalo na kung mismong rules niya ang sinuway. Subalit nagbago ang takbo ng mundo niya nang makilala si Erhart, ang lalaking mahilig lumabag sa rules. Araw-araw nitong pinapasakit ang kaniyang ulo simula nang mag-krus ang landas nila. Ginawa na niya ang lahat ng paraan upang iwasan ito pero talagang makulit ang binata at ayaw siyang tantanan hanggang siya na mismo ang bumali sa sarili niyang batas—na BAWAL siyang magmahal. Dahil tinanggap niya ito ng buong puso kahit na hindi niya lubusang kilala ang pagkatao nito. Masaya ang naging pagsasama nila ngunit ang magandang panaginip na ‘yon ay naging isang bangungot nang may matuklasan siya sa pagkatao nito. Ang babaeng kinamumuhian niya, na nagluwal sa kaniya ay konektado sa binata. Ito pa mismo ang humiling sa kaniya na layuan ang kasintahan dahil kung hindi, masisira ang kilalala at respetadong pamilya ng binata. Magawa niya kayang talikuran ang lalaking minamahal o dapat niya bang itong ipaglaban?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3637383940
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status