Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Matagal nang lihim na minamahal ni Jenna Levanier ang kaklase niyang si Yves Roize—ang lalaking laging nagaalaga at nagtatanggol sa kanya mula pagkabata. Hindi alam ni Jenna, matagal na rin pala siyang tinitibok ng puso nito. At nang sa wakas ay umamin sila sa isa’t isa, parang handa na ang mundo para sa kanilang unang pag-ibig. Hanggang dumating ang tawag na nagpabago ng lahat. Napilitang lumayo si Yves nang walang paliwanag. Iniwasan niya si Jenna, iniwan ang pangako, at iniwang nakabitin ang isang pag-ibig na kakasimula pa lamang. Sa sakit ng biglaang paglayo, napuno ng pagdududa si Jenna—totoo ba ang sinabi niya? O sinubukan lang siyang mahalin saglit? Pagkalipas ng mga taon, muling nagkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon—sa reunion ng Altrius Academy. Doon niya muling nasulyapan ang binatang minahal niya noon… ngunit sa pagkakataong ito, hawak-hawak na ni Yves ang isang lihim na magbubura sa lahat ng akala niya. At habang sinusubukan niyang manatiling tama at matatag, hindi niya maiiwasang ipaglaban ang damdaming inilibing niya noon—damdaming bawal na, mapanganib, at imposibleng ipaglaban: ang Illicit Affair sa kaniyang bilyonaryong pinsan.
10756 viewsOngoingIdinagdag sa Library 27 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
Daddy, Mommy’s on the Run!

Daddy, Mommy’s on the Run!

Tatlong taon nang asawa ni Sabina ang kilalang CEO na si Sebastian Malfory—isang lalaking inakalang katuparan ng lahat ng kanyang panalangin. Pero isang gabi, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ginagamit lang siya nito para saktan ang tunay nitong minamahal, ang kapatid niyang si Waynona. Buntis sa kambal, durog ang puso, at walang masandigan, piniling tumakas ni Sabina dala ang isang lihim na magpapabago sa lahat. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya bilang isang matagumpay at misteryosang babae—kasama ang dalawang batang may mata ng lalaking minsan niyang minahal. At nang muling magkrus ang mga landas nila ni Sebastian, isa lang ang tanong: handa ba siyang ipaghiganti ang sarili, o muling magpatalo sa lalaking dati’y dahilan ng kanyang pagkawasak?
521 viewsOngoingIdinagdag sa Library 13 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
383 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
The Billionaire's Escort

The Billionaire's Escort

"Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!" Ito ang salitang palaging sinasabi ni Alina sa kaibigan na si Breeze nang alukin siyang magtrabaho sa Midnight Haven. Ngunit nilunok niya lahat ng binitiwan niyang kataga nang gipit na gipit siya. Naging VIP escort siya sa isang gabi sa bilyonaryong si Eros Ramazzotti kapalit ng kalahating milyon. Sobra-sobra pa ito sa pang-tuition at thesis niya. Subalit paano kung dahil sa isang gabi na ito ay magbabago ang agos ng buhay niya? Paano kung biglang sumulpot ang lalaking pinagsilbihan niya ng gabing iyon at sumulpot sa apartment niya at inaalok na maging exclusive escort nito? Ano ba ang mas matimbang? Ang dignidad na gusto niyang ingatan kahit alam niyang nasira na o ang tawag ng laman na pilit sinisigaw ng damdamin niya pagkatapos niyang matikman ang sinasabi ng kaibigan niyang langit?
1025.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 951 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
Sold to Mr. Grey

Sold to Mr. Grey

Jijiera
Ang maikasal ka sa taong mahal mo ay ang isa sa pinakamasyang pangyayari sa buhay ng isang tao. The Billionaire Rameses Grey is Ivana's first love. Matagal na niya ito gusto. Kaya naman nang ipambayad siya ng kanyang Uncle sa utang kay Rameses ay may parte sa kanya na natuwa. Lalo pa nang pakasalan siya ni Rameses. Pero sa ang inakala ni Ivana na pinakamasyang pangyayari sa buhay niya ay naglaho na lang ng parang bula. Rameses treated her like a trash. Kahit pa kasal silang dalawa ay may babae pa rin itong kinikita. She becomes miserable...
1.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 33 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
SEND TO THE WRONG HEART

SEND TO THE WRONG HEART

Dapat ay para sa foreigner na online boyfriend ni Erica ang nudes na sinend niya—pero sa boss niya napunta. Oo, yung boss niyang halos araw-araw na lang galit sa kanya. Akala niya katapusan na ng mundo niya, lalo na kung malaman ito ng fiancée ng boss niya at ipinost sa social media para sirain siya. Inisip niyang matatanggal siya sa trabaho at wala nang balikan ang reputasyon niya. Pero nagulat siya nang mapanood ang boss niya sa isang interview. Kalmado lang ito at ang sabi: "Girlfriend ko siya. Normal lang naman iyon sa magkarelasyon." At just like that, nasangkot na siya sa isang kasinungalingang hindi niya inasahan. Kapalit ng pagtanggol sa kanya, kailangan niyang magpanggap na girlfriend ng boss niya... at kunwari'y nagmamahalan sila. Hindi ito bahagi ng trabaho niya. Pero bakit parang unti-unti, nagiging totoo ang lahat?
10750 viewsOngoingIdinagdag sa Library 27 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
Leaving My Billionaire Husband

Leaving My Billionaire Husband

Buong akala ni Yllana, sa loob ng pitong taon ay sapat na ang kanyang pagmamahal para tunawin ang malamig na puso ni Patrick. Ngunit tatlong buwan bago mapatupad ang divorce agreement, laking gulat niya nang matuklasan na may sarili rin palang sikreto ang kanyang asawa. Ang babaeng itinitibok ng puso nito ay ang malapit nitong kamag-anak na si Maui De Vera. Ang pitong taon ng kanyang pagtitiis at sakripisyo ay nagmukhang isang malaking biro. Nawalan ng pag-asa si Yllana; tila naging abo ang kanyang puso at nagdesisyon na hinding-hindi na aaminin ang tungkol sa kanilang anak. Pinili niyang makipaghiwalay nang mabilisan at tuluyang iwan ang lalaking hindi siya nagawang mahalin.
108 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO

Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO

Hindi sumipot sa kasal ang kasintahan ni Kyle Alvarado, ang bilyonaryong cold-hearted CEO. Laking gulat ni Mira ng hatakin siya ng boss sa altar at ipalit bilang bride. Alam niyang broken-hearted ito kaya naman wala siyang tutol kahit na pati wedding night ay sinalo niya. Nilatagan siya nito ng isang loveless deal at malaking halaga. Dala ng pangangailangan at pagmamahal, naging assistant siya sa umaga at bed partner sa gabi. Mahigpit na bilin ni Kyle -- bawal umibig. Pero paano kung ang matagal nang lihim na pagtingin ni Mira ay tuluyang mabunyag lalo na nang madiskubre niyang nagdadalang tao siya? At paano kung bumalik ang babaeng dapat sana ay papakasalan nito?
9.61.2M viewsOngoingIdinagdag sa Library 45.5K Beses bilang ng at nang
Ipakita ang mga Review (70)
Read
+Library
rosana appe
ito yung maganda talaga irerekomenda na kwento na kahit mag recommend ka sa iba ndi ka mapapahiya kasi worth it talaga... pag nagbabasa ako sa kwento ng iba tas ilang linggo o buwan bago ang update tas ang pangit pa haha nag cocomment talaga ako para irecommend ung story ni ms a. ang ganda kc subra
Maria Bonifacia
Sino po ang nakaranas na madami ng nabasa tapos bumalik sa unang kabanata? Itatanong ko po sa editor. Pasensya na po. Click po ninyo ang Kabanata, nasa taas lang nito makikita (nakalagay sa gilid, in-update ngayon lang). Piliin po ninyo ang kabanata na gusto ninyong basahin. Maraming salamat po.
Basahin ang Lahat ng Review
Love Magnet

Love Magnet

[COMPLETE] Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya noong may inirekomendang trabaho ang kaniyang kaibigan ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan. Ang hindi niya lamang inaasahan ay muli niyang makakaharap ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor, sa araw ng kaniyang interview. Nang makilala siya ng binata ay on the spot siyang ni-reject nito kahit na nakiusap pa siya. Mabuti na lang ay may dumating na isang mabait na ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng MARIA Corporation. Ngunit kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss? At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa nakatagong katauhan ng binata? Love Series 3 Yevhen Thyne Villamayor xMaligaya©October2023
1014.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 281 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
One Night With The Tyrant Mafia

One Night With The Tyrant Mafia

Hindi alam ni Roselle na ang trabahong aapplyan niya ay dadalhin siya sa underworld para ibenta sa mga mayayamang tao, mafia, gangster at sindikato. Nabili ng isang matanda si Roselle pero tumakas siya sa kwarto kung saan siya ikinulong. Sa pagtakas niya ay pumasok siya sa isang kwarto, ang kwarto ni Darius Montemayor. Humingi ng tulong si Roselle kay Darius na iligtas siya. Binili ni Darius sa dobleng halaga si Roselle at dahil nasa ilalim ng droga si Roselle ay siniil niya nang halik si Darius. Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay magbunga? Limang taon ang lumipas simula nang may nangyari sa kanila. Isang araw, dumating na ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Roselle. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya si Darius Montemayor, ang presidente ng kompanya at ama ng kaniyang anak. Magkakaroon ba ng pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa dahil sa anak nila? Paano kung malaman ng mga ito ang nakaraan ng kaniyang mga pamilya? Will they still love each other or will they kill each other?
10398 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang ng at nang
Read
+Library
PREV
1
...
3132333435
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status