Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.
Romance
309 viewsOngoing
Read
Add to library
That Frigid Mafia!

That Frigid Mafia!

[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON] Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon. Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso. Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya. Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso? At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala? Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10207 viewsOngoing
Read
Add to library
Slow Dance Beneath The Stars

Slow Dance Beneath The Stars

Ernie Bueno
Mula sa pantalan ay hinagod ng tingin ni Guen ang buong kapaligiran. Malamig ang gabi, tahimik na tahimik ang malawak na lawa, gumuguhit ang liwanag ng buwan sa tubig. Napakasarap ng may kayakap ng mga sandaling iyon. "I've always wanted to slow dance beneath the stars..." aniya.Pero nang humarap siya kay Kibaweg, ibang sayaw ang ginawa nila. Mapusok, nag-aalab sa init ang halik ng binata. Gusto sana niya itong itulak, pigilan sa ginagawa, pero hindi niya magawa. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong sensasyon kaya huli na nang mapansin niyang hinuhubad na nito ang pang-ibaba niyang saplot...
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Sold To A Billionaire

Sold To A Billionaire

Nakabuntis ang boyfriend ni Zyra Bermudez kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Para makalimot ay inaya siya ng kaibigan sa bar at doon niya nakilala si Gaustav Ramos, isang bilyonaryo na pressured nang magkaroon ng asawa at anak. Sa sobrang kalasingan ay may nangyari sa kanila at inalok siya ng lalaki ng malaking pera at ang kapalit ay magiging asawa siya nito. Pero tinanggihan iyon ni Zyra. Ngunit kinakailangan pala niya ang tulong ng lalaki dahil nakulong ang kapatid ni Zyra. Nang puntahan niya ito may kausap itong babae na may kargang bata. Huli na ba siya para ialok ang sarili niya uli kay Gaustav?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SHE'S MY BODYGUARD

SHE'S MY BODYGUARD

RRA
Blurb: Matagal nang may mga nagbabanta sa buhay ni Mathew, kaya naman naghahanap siya ng isang batikan at magaling na bodyguard, kaya lang ay hindi siya makakuha ng taong mapagkakatiwalaan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang babaeng misteryoso para sa kanya. Nakita niya ang angking galing at tapang nito nang ipagtanggol siya niyo sa mga nais pumatay sa kanya. Kaya lang hinahabol ito ng mga alagad ng batas, at nagtatago sa mga di kilalang tao. Ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng isang serius type girl at clamsy and clingy type boy na CEO? Maipagkakatiwala kaya ni Matthew ang buhay niya sa babaeng isa pa lang Assassin?
Romance
102.7K viewsCompleted
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
A Matter of Wife and Debt

A Matter of Wife and Debt

pepperpiper
"Vito. . ." mahinang tawag ni Lucille kay Vito. "Ibibigay ko na ang gusto mo. Let's get a divorce." Agad na napatahimik si Vito sa gulat nang marinig ang sinabi ng asawa. "Hindi ko na kaya. . ." mahinang dagdag ng babae. ~*~ Nang maikasal si Clarice Dominggo kay Vito Mendes-- akala niya'y natupad na ang kanyang pangarap ngunit hindi niya inaasahang magiging umpisa pala ito ng kanyang kalbaryo. Tatlong taon nagtiis si Clarice sa lahat ng sakit na idinulot ni Vito hanggang sa matauhan na ito. Papayag kaya si Vito sa hinihiling na divorce ni Clarice? O biglang magbabago ang ihip ng hangin.
Romance
481 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
Romance
10546 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status