Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
602 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as ng at nang
Read
+Library
Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Carmela Beaufort
Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
103.4K viewsOngoingAdded to Library 74 Times as ng at nang
Read
+Library
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.8K viewsOngoingAdded to Library 149 Times as ng at nang
Read
+Library
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
1096.5K viewsCompletedAdded to Library 2.2K Times as ng at nang
Read
+Library
Finding My Boss A New Secretary

Finding My Boss A New Secretary

Ang boss ko ay may matinding trust issues—at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kahit madalas niya akong nasisigawan. Pero kailangan ko nang mag-resign dahil kailangan ako ng ate ko na nasa Dubai. Ang problema? Ayaw akong pakawalan ng boss ko maliban na lang kung makahanap ako ng kapalit… in just three months. Eh choosy pa naman siya! Paano ko ‘to maaayos bago ako maiwan ng eroplano?
486 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as ng at nang
Read
+Library
Miss Misunderstood

Miss Misunderstood

Wysteriashin
Bata pa lamang si Elyana, pangarap na niya ang magkaroon ng isang malaking pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng walang kapatid. Kaya naman nang makasal siya kay Finn na isang bilyonaryong taga-England, sinubukan nila ang lahat ng paraan para matupad iyon kahit ilang beses na silang nabigo. Sa limang taon nilang pagsasama, unti-unting nagbago si Finn na kapansin-pansin sa mga mata ni Elyana. Hanggang isang araw pinasundan niya ito sa isang tao at napag-alam na may kalaguyo pala ito. Ang masama pa, nahuli niya siya na maykas*ping sa kama sa mismong rest house na regalo pa ni Finn noong wedding anniversary nila. Nang muli silang nagkaharap, naglakas-loob si Elyana na itanong kung ano ang dahilan, bakit siya nagtaksil at ang sagot ni Finn, iyon ay dahil hindi raw kaya ni Elyana na mabigyan siya ng anak. Napakasakit para sa kaniya na marinig ang mga iyon. Nag-file siya ng diborsyo at nang maaprubahan, nagpasyang umuwi ng Pilipinas upang kalimutan ang lahat. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Felicity, unti-unti niyang tinanggap na hindi na kailanman matutupad ang panngarap na iyon, ngunit isang araw, babalik si Finn dala ang katotohanan at ayusin ang nasira nilang buhay. Nararapat ba para kay Finn ang kapatawarang kan'yang hangad? Mapapatawad pa kaya ni Elyana ito matapos nitong wasakin ang kan'yang puso, pagkatao na halos ikabaliw niya noon at ang tiwala na walang pagdadalawang-isip na inalay rito?
9.85.7K viewsCompletedAdded to Library 228 Times as ng at nang
Read
+Library
The Billionaire's excessive love

The Billionaire's excessive love

Tiraycute062
Matapos siyang maging sa isang lugar na wala nang kahit anong damit,at nawala ang iniingatan niyang puri pati na ang kanyang pinakamamahal na ama. At labis siyang nasaktan ng hindi na natuloy ang kasal ng kanyang fiancé. Dahil ang pakakasalan na nito ang kanyang step sister. Sa huli, napilitan siyang umalis at nagpakalayo-layo. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya kasama ang isang pares ng magagandang kambal.
101.3K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as ng at nang
Read
+Library
My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love

My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love

Ito ang kwento nina Franco at Lily, ang magkasintahang ikinasal, ngunit nasaktan at nagkahiwalay dahil sa mapait na nakaraan. Sa paglipas ng panahon, muling pinagtapat ng tadhana ang kanilang mga landas, hindi para muling simulan, kundi upang wakasan nang buo ang lahat ng hindi natapos. Tunghayan natin kung paano magtatapos ang isang pag-ibig na minsang sumuko, ngunit hindi lubusang nawala.
1017.0K viewsCompletedAdded to Library 525 Times as ng at nang
Read
+Library
MAYOR DEVRYCK MARCOV

MAYOR DEVRYCK MARCOV

Warning: R-18 Si Yza ay nasa kolehiyo pa lamang nang biglaang bumagsak ang negosyo ng kanyang pamilya. Para maiahon niya ang palubog na negosyo, kailangan niyang maghanap ng taong makakatulong sa kanya. Kilala na niya si Mayor Devryck Marcov dahil anak ito ng isang kaibigan ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yza na lumapit kay Mayor Devryck upang humingi ng tulong, umaasang siya ang makakatulong sa kanilang pamilya na makabangon mula sa krisis.
567 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as ng at nang
Read
+Library
Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Hindi kailanman inakala ni Mara Villanueva na mapupunta siya sa isang kasunduang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang simpleng babae mula sa probinsya, sanay lumaban para sa pamilya, at handang isakripisyo ang lahat—kahit ang sarili niyang puso. Nang magkasakit ang kanyang ama at mawalan siya ng ibang malalapitan, napilitan siyang tanggapin ang alok ng isang lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan. Si Atty. Rafael Cortez—isang makapangyarihan, malamig, at walang pusong abogado na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Sa ilalim ng isang kontrata, naging bahagi si Mara ng mundo nito—isang mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at mapanganib na damdamin. Sa una, malinaw ang hangganan: walang emosyon, walang pakialaman, walang pagmamahal. Ngunit paano kung unti-unting mabura ang mga linyang iyon? Sa gitna ng selos, panlilinlang, at pagbabalik ng babaeng hindi pa tuluyang nawawala sa buhay ni Rafael, mas lalong nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang matuklasan ni Mara ang isang lihim na maaaring magwasak sa lahat ng pinaniniwalaan niya. Sa mundong puno ng kasunduan at kasinungalingan— kaya pa bang piliin ang puso? O mas mabuting panindigan ang isang desisyong minsan na niyang sinabi: “Huwag mo akong balikan, Atty.”
399 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as ng at nang
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status