Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back

Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back

Handa ka bang talikuran ang isang pagsasamang nabuo lamang mula sa isang kasinungalingan? "Naiintindihan ko kung bakit kinamumuhian mo ako, Diane. Huli na rin nang malaman ko ang ginawang panloloko sa'yo ni Caleb pero maniwala ka man o hindi, nagawa niya lamang ang lahat ng iyon para sa akin, para sa kapakanan naming dalawa ng anak kong si Theo. Kaya hanggang maari, huwag mo sana siyang sisisihin." "Malinaw sa akin ang lahat nang ikinasal kaming dalawa ni Caleb, Serena. Alam kong may limitasyon ang pagsasama naming dalawa at kung si Theo ang pag-uusapan, malinaw sa akin ang karapatan mo bilang biological mother." Ngumiti ito— isang ngiting hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Diane." Inilatag nito sa mesa ang isang dokumento at sinadyang itulak ng kamay papalapit sa kaniya. "Handa na akong bawiin ang mag-ama ko. Heto ang application for annulment ninyong dalawa ni Caleb..." Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito mula umpisa hanggang dulo. "Ibig sabihin, handang ibigay sa'yo ni Caleb ang mansyon at ang rest house sa Tagaytay. Maliban doon, handa siyang bayaran ka ng limampung milyon bilang kabayaran sa limang taong pagsasama ninyong dalawa." Muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, doon nasilayan niya kung paano naging nakakalason ang maamong ngiti ni Serena kanina. "If you think everything's okay. Pwede ka nang pumirma." Nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa kinatatayuan. Hindi nito alam kung matutuwa ba siya o masisilaw sa mga ari-arian at milyones na alok ng dalawa. Dahil kung tutuusin, isa lang naman ang gusto niya...gusto nitong makalaya mula sa mala-impyernong buhay kasama si Caleb.
Romance
98 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

Paalala: Ang kuwentong ito ay isang kathang-isip lamang. Anuman ang inyong mababasa ay huwag tularan. Panimula: Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw, napilitan siyang magtungo sa police station dahil nasangkot ang kanyang kapatid sa isang gulo sa bar. Doon, isang babaeng pulis ang umagaw ng kanyang atensyon. S'ya si Kurt John McCain, isang multi-billionaire na business tycoon, ay kilala hindi lang sa kanyang yaman kundi pati sa kanyang nakamamanghang hitsura—matangkad, makisig, at ang kanyang ngiti ay sapat na para mawalan ng ulirat ang sinumang babae. Ngunit para sa kanya, ang mga babae ay walang iba kundi panandaliang libangan. Walang puwang ang seryosong relasyon sa kanyang abala at marangyang buhay. Para sa kanya, ang mga ito ay parang laro lamang—walang emosyon, walang komplikasyon. Ang lahat ay laro lamang. Si SPO 3 -Althea Perez, isang dedikadong policewoman, ay hindi lang mahusay sa kanyang tungkulin kundi kilala rin sa kanyang kagandahan, kaseksihan, at kabutihang-loob. Ngunit sa kabila ng pagiging pulis, marunong din siyang magpatawa at makibagay. Lihim niyang binabalanse ang buhay sa pamamagitan ng pagraraket sa palengke upang suportahan ang kanyang pamilya. Bagamat maamo ang kanyang hitsura, huwag kang magkakamali—hindi siya aatras sa sinumang nagtatangkang umabuso sa kanyang prinsipyo. Isang araw, nasapak niya ang isang mayabang na lalaki na nagdulot ng kanyang pagkawala ng malay. Ang mayabang na lalaki? Walang iba kundi si Kurt. Ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? Paano mababago ng isang policewoman ang buhay ng isang businessman na walang pakialam sa pag-ibig? Abangan ang kwento ng dalawang magkaibang katauhan na pinagbuklod ng kapalaran.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

"Staying is the Key... Fragile Blood is the Freedom..." Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya. Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa. Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya. Marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi. Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.
Romance
1011.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Once Again

Once Again

Nagising si Cresia sa nakakasilaw na liwanag. Iginala niya ang paningin. She found myself lying on the cold ground. Huling naalala niya, habang pabalik siya sa condo... may nakita siyang batang babae sa kabilang bahagi ng kalsada. The girl was about to get hit by a car but she saved her. Bumangon siya at muling iginala ang tingin sa paligid. Nasaan na ang batang iniligtas niya? Where is she now? Napapikit siya nang tamaan ang mata ng sinag ng araw. Fuck. At bakit umaga na? Nakatulog ba siya sa daan? Ibinaba niya ang tingin sa sarili. She remember she was covered with blood. But how come she was perfectly fine now? Walang anumang bahid ng dugo ang damit niya... Iginalaw ni Cresia ang kamay. Wala siyang naramdamang anumang masakit doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang paparating na truck. Fuck! Her first instinct is to run. But it is too late. The truck is only meters away from her. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay ang pagtama niyon sa kanya... But seconds passed. Nothing happened. Walang truck na tumama sa kanya. Bakit? Dahan-dahang idinilat ni Cresia ang mga mata. Wala na ang truck. Bakit? Anong nangyari? Muli niyang inalala ang nangyari kagabi... She was fucking sure she got hit by a car. Hindi kaya...hindi kaya...patay na siya? "Not yet." Isang lalaki ang biglang sumulpot sa tabi niya. Para itong galing sa libing sa suot na damit. Black cape, black pants, black shoes. Everything is black. Even his eyes. They're as dark as his outfit. "S-sino ka?" He smiled to her. Hindi alam ni Cresia kung bakit kinilabutan siya sa ngiti ng lalaki. "I'm Kairos. Your death angel." Death angel? "What? I... I'm...I'm dead?"
Romance
104.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Insane Agreement

Insane Agreement

Celia GN
Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso. "Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang." "You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba. Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki. "Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SCALPEL'S KISS

SCALPEL'S KISS

Ang pag-ibig ay isang laro na puno ng hiwaga at roller coaster. Si Champagne Miranda, ang nag-iisang anak ng bilyonaryo at tagapagmana ng Miranda Empire, na nagmamay-ari ng sikat na restaurant chain at pastry outlet sa buong bansa. Si Champagne ay isang dalaga, napabayaan sa kusina ngunit pinalaki ng mag-asawang Mercy at Herbert, mga bilyonaryo at sikat na chef. 5 years niyang crush si Stephan, ang anak ng kanilang driver, at ang kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at force marriage, isang masakit na lihim ang unti-unting sumira sa kanyang puso. Natikman ni Champagne ang pinakamatinding sakit – pagtataksil mula sa lalaking pinakaminahal niya. Sa kanilang mismong tahanan, nakita niyang pinaglalaruan siya ng asawang si Stephan at ang kabit nitong si Pia Vasquez. Ang tagpong iyon ang nagbukas ng sugat na hindi lamang tumagos sa kanyang puso kundi nagdulot ng trahedyang nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay – ang kanyang anak. Sa gitna ng dilim, isang estranghero ang naging sagot sa kanyang panalangin. Si Vash Delos Santos, isang tall, dark, and handsome billionaire at isang cosmetic surgeon na may-ari ng Vlash Aesthetic, sikat na cosmetic surgery clinic sa Bangkok at sa Pilipinas. Isang makapangyarihan at magiting na cosmetic surgeon ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumangon mula sa pagkakadapa. Sa tulong ni Vash, hindi lamang muling nabuo ang kanyang pagkatao – nabago rin ang kanyang anyo. Ngayon, si Champagne ay hindi na ang mahina at inosenteng babaeng minsang minanipula ng kasinungalingan. Siya ay naging isang matatag, makapangyarihan, at kaakit-akit na reyna, handang harapin ang kanyang mga kaaway. Ngunit sa kanyang puso, may nananatiling tanong: sa paghihiganti ba siya tunay na makakatagpo ng kapayapaan? O sa piling ni Vash, ang lalaking nagbigay ng liwanag sa kanyang madilim na kahapon, siya ay matututo ulit magmahal?
Romance
102.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire

Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire

She's still getting married but not with her groom-to-be because she's marrying a stranger! “Do you want to change the groom? Then... Why don’t you consider me, Miss? Marry me.” Umawang ang bibig ni Serena sa tinuran ng lalaking kaharap. Ngayon niya pa lang ito nakilala, hindi ba? Kasal kaagad ang inalok nito sa kaniya? Ngunit kung iisipin, ay kailangan niya ng groom… “P–Pakakasal na ako sa 'yo!” kaagad niyang tugon. Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ng lalaking kaharap niya na siyang nagpalunok kay Serena. “Good decision. Tomorrow, you’ll be my wife.” ***** Bago pa dumating ang araw ng kasal ni Serena ay nahuli niya ang fiancé na si Alex at may ibang babae itong kasiping sa kasama. Ang hinayupak, talagang sa hotel room pa na kanyang binayaran ang mga ito gumawa ng kababuyan! Imbes na humingi ng tawad ay nagawa pa ni Alex na sisihin sa kanya ang ginawa nitong kasalanan. Aminado si Serena na hindi niya pa kayang isuko ang sarili kay Alex, dahil gusto niyang mauna ang kanilang kasal. Ngunit, ito na rin yata ang senyales na tama lamang ang ginawa niya, dahil isa itong manloloko! She didn't give him a second chance, but broke up with him and found another man to marry! Inalok siya ng isang estranghero, tanging alam niya lang sa pagkatao nito ay ex-boyfriend ito ng kalaguyo ni Alex. She agreed to marry the man named Kevin Xavier Sanchez, who turns out to be a billionaire and her big boss! Asawa siya ng isang bilyonaryo? Hindi ba siya nananaginip lang? “You're not dreaming, wife. Whatever I have is yours. My properties, money—everything, it belongs to you now. Do you like that, hmm?” Kakapusin yata si Serena ng hininga! Help!
Romance
9.8155.7K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (29)
Read
Idagdag sa library
bernard.bautista44
Sobrang ganda ng kwento!! Green Flag si Kevin!! Sana all!! Please author need ko na ng part 2. Sana masagot na din yung ibang katanungan sa part 1. Si rinrin sino talaga siya? At bakit una palang ng kwento interesado na agad si Kevin ke Serena dahil nag alok na pakasalan siya? Luh kinikilig ako
Celerina San Juan
Ngayon lang ako di naboring sa kwento. Sobrang brilliant ng utak mo author i love it! Gusto ko yung love story ni Serena at Kevin! Gusto ko din yung pagiging green flag ni Kevin! Dun palang thumbs up kana agad author! Moreee kilig moments pa 🩷
Basahin ang Lahat ng Review
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
Romance
10237 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My One and Only Love

My One and Only Love

Alexander Romano. Istrikto, dominante, at walang puso. Sa kabila ng ilan sa mga negative na ugali nito, marami padin ang nahuhumaling sa lalaki. Bakit ba naman hindi, bukod sa pagiging panganay na anak at taga pag mana ng Romano Corp. (isa sa pinaka malaki at kilalang kumpanya sa bansa), si Alexander ay marami na ding napatunayan sa sarili niya. Graduate ng Magna Cum Laude sa kursong BS Management Engineering at nakakuha ng maraming awards sa iba't ibang sports ng University na pinasukan, tulad ng swimming, lawn tennis at marami pang iba. May tangkad na 5'11, makakapal na kilay, mga matang kulay kape na tagos hanggang kaluluwa kung tumingin, ilong na makipot at matangos, at mga labing maninipis na ni minsan ata ay hindi dinapuan ng ngiti ngunit lalong bumagay sa pangahan nitong muka na nagbibigay ng 'mysterious' effect sa pagkatao nito. Maraming kababaihan ang nahuhumaling dito at inggit naman sa kalalakihan. Mga bagay na hindi alintana ng binata ngunit wala naman siyang pakielam sa mga opinyon at nararamdaman nito. Namumukod tanging si Jessica Pantaleon lang ang nakakakausap ng maayos dito bukod sa pamilya niya. Si Jessica ang kababata at bestfriend na din ni Alexander. Alam nito lahat ng pinagdaanan ng binata sa unang babaeng minahal na si Mara, kaya siya lang din ang nakakaintindi sa binata. Boyish pero maganda at sexy si Jessica. Natural na straight at itim ang kanyang buhok na hanggang bewang. Bagay sa balingkinitan na katawan, morenang kutis at 5'6 na height niya. NBSB siya at hindi din nagpakita ng interes sa mga nagtangkang manligaw dito. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagising nalang si Jessica sa tabi ni Alexander. Pareho silang walang suot na damit. Paano nalang ang mangyayari sa kanila lalo na ngayong bumalik na si Mara sa buhay ni Alexander?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status