Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
372 viewsOngoing
Read
Add to library
The Forced Wife of the Ruthless Billionaire

The Forced Wife of the Ruthless Billionaire

BLURB Hindi inakala ni Skylar Mariam Aquino na magigising siyang katabi ang dating kasintahan at ngayo’y galit at namumuhi sa kanya na si Jaxon Flinn Larrazabal—isang billionaire na tinatakbuhan niya sa loob ng limang taon. Dahil sa mapaglarong tadhana, napilitan siyang maging asawa nito. Tinulungan siya ni Jaxon maging makapangyarihan ngunit binalaan siya na hinding-hindi siya mamahalin. Ngunit nang magpasya si Skylar na makipaghiwalay, isinandal siya ni Jaxon sa pader at malamig ang boses na nagsalita, “Who told you that you can leave me? You belong to me, Skylar!” “Hindi mo naman ako mahal—” “I won’t marry you if I don’t love you, stupid woman!” Mahal siya ni Jaxon?
Romance
1040.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Si Florence ay nagta-trabaho bilang Executive Assistant ni Frank Ledesma, Vice President for External Affairs ng Ledesma Development Corporation o LDC, ang nangungunang real estate developer sa bansa. Ngunit, ibang lalaki ang napupusuan ni Florence - ang pinsan ng kanyang boss, si Maui Ledesma, Vice President for Finance ng LDC. Iyon nga lamang, ni hindi man lang siya napapansin nito. Hanggang sa kinailangan nilang tatlo na magtungo sa Siargao para sa ipatatayong resort ng LDC sa lugar na iyon, dahilan upang mapalapit si Florence sa dalawang bise presidente ng kumpanya. Parehong guwapo, matipuno, matagumpay sa buhay, at galing sa buena pamilya. Sino ang pipiliin ni Florence kung sabay na manligaw ang dalawa sa kanya?
Romance
8.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Husband Cheater

My Husband Cheater

Maghihintay ako hon.” Sabi naman agad ni elane at sabay yakap sa lalaki. Halos madurog ang puso ni zara sa tagpong iyon. Doon kasi sila magkikita sa park. At dahil kaibigang matalik ni zara si elane. Kaya malaki ang kanyang tiwala dito. Subalit di niya inaasahan ang isang malaking secretong tinatago ng dalawa. Kung hindi niya pina una si elane sa tagpuan nila ng asawa ay hindi sana niya malalaman ang isang secreto.
Romance
8.88.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Romance
10287 viewsOngoing
Read
Add to library
Ultra Gays Galaxy

Ultra Gays Galaxy

iMarjayNari
Jonel Hernandez, simpleng pangalan ngunit astig ang kanyang taglay na kapangyarihan. Ipinamana ni Kitsune ang kanyang kakaibang abilidad, samantalang ibinigay naman ni Meiji ang kakaibang lakas. Siya si Jonel Hernandez, ang miyembro ng Ultra Gays Galaxy
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-Fiancé's Brother

Marrying My Ex-Fiancé's Brother

“If you want to atone for your sins, then you must donate your kidney to Rika.” Tila ba nadurog ang puso ni Lorraine noong marinig ang sinabi ni Justin, ang ex-fiancé nya. Matapos ang limang taon na pagkakakulong, ang buong akala ni Lorraine ay makakawala na siya mula sa sumpa ng nakaraan... ngunit nagkamali siya. Yet she can’t donate her kidney, she would lose her life... and there is only one way to survive - she has to marry her ex-fiance’s older brother!
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for a star

Falling for a star

Si Aliah fate Alcantara ay iniidolo ng lahat sa kan'yang talento sa pagkanta at pag sayaw. Bukod sa panlabas na kagandahan at maganda rin ang ka'yang kalooban na mas lalo siyang nagustuhan ng lahat. Bukod a diyan si Aliah ay matalino, mabait, at para sa kan'yang pamilya ay isa itong Prinsesa. Ngunit ang lahat ng 'yan ay biglang maglalaho sa kan'yang katauhan. Ang dating bituin na kumikinang ay nawalan ningning. May lihim na pagtingin si Aliah kay Kier Gavin Surez ang matalik na kaibigan ng kan'yang nakakatandang kaparid at dahil sa nakilala na niya ito ng lubusan ay minahal na niya ito. Sa kagustuhan niyang maghabol sa binata ng no'ng araw na nakatakdang umalis si Gavin upag magtuno sa America para puntahan ang kasintahan ay napahanak ito dahil nasaktak siya sa mga masasakit na salita na nasabi ni Gavin para sa kan'ya. At dahil sa pangyayaring 'yon ay nagpaka layo-layo si Aliah upang maghilom sa sakit ng nakaraan. Ito naman naman ay labis na pinag sisihan ni Gavin ng malaman ang sinapit ni Aliah ngunit huli na dahil hindi na niya ito nakita pa. Sa muling pagbabalik ni Aliah ay labis ang tuwang nadarama ni Gavin. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ni Aliah at magawa siya nitong mahalin muli. Maibalik pa kaya ni Gavin ang kinang ng dating bituin na nagniningning na siyang tinitingala, at minahal ng lahat?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status