Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.532.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless Hunter

The Heartless Hunter

Si Camilla ay nasa huling taon na sa kolehiyo. Kaylangan nilang mag-OJT, sa hindi inaasahan ay napili siya upang magtrabaho sa kompanya ng may-ari ng Univeristy kung saan siya nag-aaral. Anong mangyayari kung mahulog ang loob ng kaniyang amo sa kanya? Handa ba siyang masakatan? Handa ba siyang magpatawad sa kung anong sakit ang maaring ibigay sa kanya?
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring My Runaway Billionaire Uncle

Desiring My Runaway Billionaire Uncle

What will happen if a runaway bride meets her runaway billionaire uncle? Suot ang wedding gown sa mismong araw ng kanilang kasal, pinili ni Islaine na iwan ang lahat pagkatapos masaksihan ang pagtataksil ng kaniyang fiancé at ang wedding coordinator nila. Sa kagustuhang takasan ang lahat, magtutungo siya sa isla kung saan matagal nang naninirahan ang Uncle Nereus niya, ang step-brother ng mommy niya na piniling talikuran ang marangyang buhay para manirahan sa isang malayo at tagong isla. Sa kaniyang pagdating sa isla, paano kung ang Uncle Nereus ay tila ibang-iba na sa dating pagkakakilala niya? Ang dating bilyonaryong sanay sa syudad, may mestizo na kutis at may matayog na posisyon sa kompanya ay isa nang mangingisdang sunog sa araw. Pero sa kabila ng ilang pagbabago, naroon pa rin ang ilang katangian niyang hinahangaan niya rito. Siya pa rin ang guwapo at maskuladong uncle na pasekreto niyang hinahangaan noon. At sa bawat sulyap, sa bawat pagkilos nito, lalong lumalalim ang pagnanais na matagal na niyang pilit inilibing. Sa ilalim ng araw at mga alon, isang bawal na damdamin ang muling nagising. Dahil minsan, mas matindi ang tukso kapag alam mong bawal.
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

Nang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay may di inaasahang pangyayari ang hindi niya makakalimutan. Ang ipakakasal siya sa taong hindi niya kilala at sinasabing pinaka-kinakatakutan sa lahat...
Romance
21.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status