Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Stranger Groom Is A Billionaire

My Stranger Groom Is A Billionaire

Ikakasal na sana si Belinda kinabukasan, pero sa gabing iyon ay nahuli niya ang kanyang mapapangasawa na may ginagawang kababalaghan kasama ang isang babae. "Cancel your wedding with that cheater and marry me instead." Ito ang mga katagang tinuran ng isang taong hindi kilala ni Belinda na bigla na lang sumulpot sa tabi. Bibigyan ba niya ng isang pagkakataon ang kanyang mapapangasawa? O magpapakasal na lang siya sa taong bigla na lang sumulpot sa magulong sitwasyon ng kanyang buhay?
9.8477.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 10.5K Beses bilang o inferno
Ipakita ang mga Review (66)
Read
+Library
Hazel Premacio
hello miss A. well tlaga naman every stories u made e wala akong masabi palagi kong inaabangan grabe. I'll spend time talaga to read even kahit nasan ako inaabangan ko mga stories na to.. I hope na mapansin to ni good novel kasi talagang iba ung impact ng stories. hey guys read it highly recommended
MiChiyo Kaito
hey miss A. pwde bang mag request na sana every posting everyday 10 chapters agad.. hahaha grabe guys sa lahat ng gusto mag basa dito sa good novel I highly recommended this author talaga.. grabe imaginations turn to stories mo dzaii.. hands up ako sa galing mo.. sana mapansin ka MISS A. galing ...🫶
Basahin ang Lahat ng Review
His Executive Obsession

His Executive Obsession

Matapos ang isang gabing pagkakamali, sinubukan ni Elara Vance na kalimutan ang nangyari at umusad na lamang sa kanyang buhay ngunit hindi ganun kadali nang magkrus muli ang landas nila ni Felip Saavedra, isang motocross racer at CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho si Elara. Paano niya ngayon makakalimutan ang isang gabi ng pagkakamali kung may bata sa loob ng sinapupunan niya? May pagmamahal nga bang mabubuo o isa lamang itong tawag ng laman sa isang gabing pareho silang nakalimot?
10886 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang o inferno
Read
+Library
The Secret Wife

The Secret Wife

Binibining Hiraya
Si Serenity Aria Silva ay lumaki sa pamilyang kumupkop sa kaniya, ngunit naranasan naman niya ang pangmamalupit ng mga ito. Ipinagkasundo siya ng ama-amahan sa isang bilyonaryo bilang kabayaran sa malaking utang nito. Walang ideya si Serenity sa binatang pakakasalan niya sapagkat napaka-pribado ng pagkatao nito. Paano niya pakikisamahan ang binata na hindi niya akalaing magiging asawa niya? Mahuhulog kaya ang loob niya dito o mas lalong magiging miserable ang buhay niya dahil sa naging asawa?
2.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 67 Beses bilang o inferno
Read
+Library
Marrying Sage Christensen

Marrying Sage Christensen

Darkei Vance
   Nang dahil sa kahirapan at mga hindi inaasahang pangyayari, isa lamang ang maaaring puntahan ni Serenity Mendez–kulungan o simbahan. Makukulong siya kung hindi niya mababayaran ang kanyang mga utang at ito ang pinakaayaw niyang mangyari kahit gumuho man ang mundo. Paano na lang ang kanyang kapatid na may malubhang sakit? Kaya naman, wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag na magpakasal kay Sage Christensen, ang apo at tagapagmana ng kanyang matandang boss, kapalit ng hindi matutumbasang halaga. Pero hindi niya ito basta-bastang makukuha. Kailangan niyang tuparin ang nag-iisang kondisyon ng kanyang pinirmahang kontrata–ang bigyan ng apo sa tuhod ang matandang boss.       Ngunit paano niya lalapitan ang isang malamig at masungit na si Sage kung sa tuwing magkatinginan lang sila ay tila ba gusto siyang balatan nito ng buhay? Ang mas malala pa ay napapansin niyang nandidiri itong mapalapit sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit. Dahil dito, palaging nauuwi sa away ang kanilang bawat pagtatagpo. Matutupad kaya niya ang nasasabing kondisyon? O mauuwi sila sa diborsyo?     "How much did that old man pay you? I'll triple it, just fucking disappear from my life, Serene." - Sage Christensen           
952 viewsOngoingIdinagdag sa Library 33 Beses bilang o inferno
Read
+Library
The Forgotten Zillionaire

The Forgotten Zillionaire

Sa isang maliit na isla na tinatawag na Tabon nakatira si Lavender, isang simpleng dalagang sanay sa tahimik at payak na buhay. Isang gabi, habang inuutusan siyang puntahan ang kaniyang ama sa dalampasigan, natagpuan niya ang isang estrangherong lalaki—basang-basa, sugatan, at halos walang malay. Tinulungan niya ito at doon niya natuklasang wala itong maalala—hindi kung sino siya, saan galing, o kahit ang sariling pangalan. Ngunit isang bagay ang siguradong malinaw: hindi siya ordinaryong tao. Sa mamahaling suot, ginto niyang relo, at tindig na tila sanay sa karangyaan, malinaw na malayo ang pinanggalingan niya sa simpleng mundo ni Lavender. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nabuo ang isang koneksyon sa pagitan nila, kahit hindi alam ng lalaki ang sarili niyang nakaraan. Ang hindi alam ni Lavender—ang lalaking sinagip niya ay si Adrian Zevion Alcantara, ang nawawalang tagapagmana ng isang malakihang negosyo sa siyudad, na tinutugis ng mga taong gustong kontrolin ang yaman at kapangyarihan ng kaniyang pamilya. Ngunit sa muling pagbabalik ng kaniyang alaala, kailangang pag-desisyunan ni Adrian kung saan siya kabilang—sa marangyang mundong pinagmula niya o sa simpleng buhay na nagbigay sa kaniya ng bagong dahilan para mabuhay… at magmahal.
415 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang o inferno
Read
+Library
The Ravishing CEO: Burning For His Touch

The Ravishing CEO: Burning For His Touch

One hot night with a total stranger! Hindi inasahan ni Isabelle Montecillo na ito ang magiging sanhi ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Matapos pagtaksilan ng kanyang ex at pinsan, ay nakipagsapalaran siya sa isang misteryosong lalaki—ang gabing pinagsaluhan nila ay nag-iwan ng higit pa sa alaala. She got pregnant, and to make things worse, she didn’t know who the father was! Makalipas ang dalawang taon, nakakuha si Isabelle ng trabaho bilang advisor ng isang napakastrikong CEO na si River Dela Merced—isang lalaking may reputasyon sa pagiging maldito, mapusok, at nakakainis na gwapo. Malinaw ang prinsipyo niya: ayaw niyang makipagrelasyon sa kanya o kanino man—maliban na lang kung ito ang babaeng bigla na lang nawala sa kanyang buhay. Ngunit tila ba may plano ang tadhana. Habang lumalalim ang kanilang pagtutunggali sa trabaho, unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. At nang magsimulang magtugma ang mga bakas ng nakaraan, may isang katotohanang nag-aabang… posible kayang si River Dela Merced ang misteryosong lalaki noong gabing iyon? At kapag nalaman niya ang lihim ni Isabelle, masisira kaya ang lahat—o magiging daan ito upang tanggapin nila ang pag-ibig na matagal nang itinatakwil?
10202.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 4.1K Beses bilang o inferno
Read
+Library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
3.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 86 Beses bilang o inferno
Read
+Library
Stealing The Billionaire

Stealing The Billionaire

FaithLovelle
Hanggang saan ang kaya mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap? Handa ka bang lumaban, mang-agaw at manakit ng kapwa para sa sariling kaligayahan? Siya sa Geneva at gagawin niya ang lahat para agawin si Tristan sa asawa nito. Matalino, ubod ng guwapo at higit sa lahat ay sobrang yaman. Ika niya'y pag mabingwit niya ito, para siyang nanalo sa lotto. Jackpot nga kaya kung maisakatuparan niya ang plano o pagsisisihan niyang inagaw niya ang guwapong bilyonaryo?
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 34 Beses bilang o inferno
Read
+Library
Ang Bilyonaryong Magsasaka

Ang Bilyonaryong Magsasaka

Pagkatapos masawi sa pag-ibig ang bilyonaryong si Maximus o mas kilalang Axis, ay nagdisisyon siya na tumira sa mountain province at piniling maging isang magsasaka. Sa lugar na 'to ay nagawa niyang makalimutan ang panlolokong ginawa ng ex-girlfriend niya. Subalit sa 'di inaasahang sandali ay dumating sa buhay niya si Abigail, ang dalagang spoiled brat na laking America. Magagawa kaya nitong pasukin ang puso niya? Paano kung sa ugali pa lang nito ay nalagyan na niya ng ekis ang pangalan nito?
10136.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.7K Beses bilang o inferno
Read
+Library
Slave Of A Heartless Demon

Slave Of A Heartless Demon

Sairel De Juan
Isang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang mahalin ang lalakeng wala ring ibang ginawa kun'di ang saktan s'ya sapagka't s'ya ang pinagbibintangan nito'ng dahilan ng pagkamatay ng babaeng minamahal ng lalakeng iyon. Makakaya kaya niya ang pagpapahirap nito sa kan'ya hindi lamang emosyonal, kun'di pati na sa pisikal? Matutunan kaya siyang mahalin ng lalakeng siyang pangarap niya o habang buhay na siyang mamumuhay sa piling ng isang heartless demon?
105.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 118 Beses bilang o inferno
Read
+Library
PREV
1
...
2324252627
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status