Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Night With The Billionaire CEO

One Night With The Billionaire CEO

Isang gabing pagkakamali. Isang lalaking hindi ko dapat naging kasangga. Si Samantha ay isang simpleng empleyadong lumalaban para sa pangarap. Hindi niya inaasahan na ang isang inosenteng inuman kasama ang mga kaibigan ay magtatapos sa isang mainit na gabi sa braso ng pinaka-delikadong lalaki sa kumpanya — si Lucas Menez, ang bagong CEO na malamig ang titig at mas mapanganib pag ngumiti. Kinabukasan, nagising siyang mag-isa. Walang pangalan. Walang bilang. Walang kahit anong alaala maliban sa kanyang halik na tila apoy. Akala niya, tapos na ang lahat. Pero sa unang araw ng kanyang bagong trabaho, sino ang kanyang magiging boss? Siya. “You’re my new assistant,” nakangising sabi ni Lucas. “And you’re not getting away from me again.” Ngayon, may dalawang sikretong dapat itago si Samantha — ang gabing iyon at ang batang nasa kanyang sinapupunan. Lalaban ba siya sa tukso ng lalaking kayang sirain ang lahat… o ang puso niya mismo?
10142 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang office relationship
Read
+Library
Bewitching the Mafia Boss

Bewitching the Mafia Boss

Harris Lamnelle was known for being one of the hottest and richest bachelors in the town. He was praised by so many people for being able to continue their family’s legacy regardless of how huge it is in the business world, he is making their company more successful than his father's. He is undeniably handsome, which makes women chase him even if it will cost their lives. Malas lang nila at iisang babae lamang ang nais niyang humabol sa kaniya at hahabulin din niya ito kung kinakailangan. Audrey Lane Santos was known for being one of the poorest humans on earth. Ang motto niyang " Walang money, walang kain. " kaya as long as she live, she will work hard kahit walang tulog basta may pera siyang gagamitin ayos na. Pwera, pagbebenta ng katawan. Kahit mahirap siya ay may dignida8d itong hinahawakan dahil na rin nakapag-tapos ito ng pag-aaral with 4-year degree course at dahil lumaki ito sa piling ng mga madre sa isang orphanage. There are so many secrets in their lives that are unrevealed.
1016.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 446 Beses bilang office relationship
Read
+Library
THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

Ang akala niyang perpektong asawa na mahal na mahal siya ay sumiping sa ibang babae. Idagdag pa na ang ina nito ay sobrang ayaw sa kaniya na kung saan ay handa pa siya nitong bayaran para lang hiwalayan niya ang anak nito at nang makita niyang may kasiping na iba ang asawa niya ay doon na tuluyang naubos si Jasmine. Nakipaghiwalay siya rito, not knowing na buntis pala siya. Limang taon ang lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. He became her new boss at doon, muli nitong ginulo ang mundo niya. “She's our daughter right?” his eyes filled with emotion. Ngumiti siya ng mapait. “She's not.” “Jasmine please... Alam kong may nararamdaman ka pa para sa akin.“ Matinding galit ang nararamdaman niya rito dahil sa ginawa nitong pagtataksil, ngunit paano kung hindi naman pala totoo ang lahat ng iyon at isa lang misunderstanding? Will they find their way back to love? Or tatanggapin na lang ang katotohanan na hindi sila para sa isat-isa dahil sa mga hadlang sa pag-iibigan nila?
225 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang office relationship
Read
+Library
SEXIEST MISTAKE

SEXIEST MISTAKE

MATATANGGAP bilang sekretarya ang dalagang walang pakialam sa kaniyang itusra. Unang araw pa lang niya sa trabaho ay makaka-encounter na siya ng isang lalaki sa elavator na tatarayan niya. Pagkatapos nitong sagut-saagutin ang lalaki ay malalaman niyang boss pala niya ito. At ang masaklap, ay tuturuan siya ng leksyon nito dahil sa kaniyang asal. Ngunit, hindi padadaig ang dalaga kahit boss pa niya ito kung alam niyang nanadya ang boss niya. Paano magkakasundo ang mag-amo na parang aso't pusa? Magiging daan ba yun upang matanggal sa trabaho ang dalaga? O magkahulugan ng loob?
7.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 281 Beses bilang office relationship
Read
+Library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
1070.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.5K Beses bilang office relationship
Read
+Library
The CEO’s RANSOM

The CEO’s RANSOM

Nakipaghiwalay si Celeste sa nobyo nang masaksihan n’yang may kahalikan itong ibang babae. Naglasing s’yang mag-isa at habang pauwi ay may nasaksihan s’yang hindi magandang pangyayari. May isang lalaking pinagtutulungan ng tatlong nakaitim na damit. Nang makita n’ya ang mukha ng lalaking nakahandusay sa sahig ay agad s’yang sumingit sa eksena. Niligtas n’ya ito at inuwi sa isang hotel room para gamutin. Dahil sa pangyayaring ito, naging malapit ang loob ng lalaki sa kan’ya. Kinabukasan, pumasok na si Celeste sa trabaho bilang isang office worker sa Horton Incorporation. Pilit na nakikipagbalikan sa kan’ya si Henry pero saktong bumalik na ang CEO, ang uncle ng ex-boyfriend n’ya na nawala ng isang taon at ito ay walang iba kung hindi si Liam Horton, ang niligtas ni Celeste. Binalaan n’ya si Celeste na nasa panganib ang buhay n’ya dahil sa ginawa n’ya kaya naman inoperan s’yang pakasalan ni Liam para sa kan’yang proteksyon. Mabilis namang tinanggap ni Celeste ang offer dahil simula una pa lang ay ito na talaga ang kan’yang plano. Ang pasukin ang buhay ng mga Horton, ng pamilyang Mafia para mag-spy sa kanila dahil si Celeste ay anak ng kalaban nila na pinadala ng tatay nito. Pero paano kung sa misyon na ito ay mahulog ang loob n’ya kay Liam na ngayon ay mahal na mahal na rin s’ya? Makakaya n’ya bang ipaglaban ang nararamdaman o tuluyang pagtataksilan si Liam?
10579 viewsOngoingIdinagdag sa Library 13 Beses bilang office relationship
Read
+Library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
1.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 44 Beses bilang office relationship
Read
+Library
Finding My Boss A New Secretary

Finding My Boss A New Secretary

Ang boss ko ay may matinding trust issues—at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kahit madalas niya akong nasisigawan. Pero kailangan ko nang mag-resign dahil kailangan ako ng ate ko na nasa Dubai. Ang problema? Ayaw akong pakawalan ng boss ko maliban na lang kung makahanap ako ng kapalit… in just three months. Eh choosy pa naman siya! Paano ko ‘to maaayos bago ako maiwan ng eroplano?
483 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang office relationship
Read
+Library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
473 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang office relationship
Read
+Library
Beautiful Mess

Beautiful Mess

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. “Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig. “Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko. “Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink. Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya. “Magsex tayo.” __________ Pagkatapos na ipamukha ng fiance kung gaano siya kainutil dahil walang experience sa sex, lumapit si Luntian sa isang tinatawag nilang "untouchable stripper" na si Reyna para turuan siya nito sa larangan ng sex. Sa gitna ng maiinit nilang lessons, mapipigil ba nila ang damdamin na hindi mahulog? Mapapanindigan ba ang kasunduang walang mahuhulog? Paano kung may epal pang ex-fiance na gustong bumalik? At paano kung aksidenteng nabutas ang condom?!
103.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 123 Beses bilang office relationship
Read
+Library
PREV
1
...
910111213
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status