Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Explicit Reunion Series

Explicit Reunion Series

Book 1: Charmed Akala ng isang manunulat na gaya ni Eselle Elle ay mamatay siyang virgin bilang isang romantically unattached na tipo ng tao. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng interes na pumasok sa isang relasyon dahil para sa kanya ay sayang lamang iyon sa oras. Hindi hanggang sa magkasalubong ulit ang landas nila ng kanyang high school bestfriend noon sa high school na si Mark Hernandez, na ngayon ay hindi na patpatin at palaging inaapi sa eskuwelahan kundi isa nang matikas at napakaguwapong binata. Ngayon, makayanan pa kaya ni Eselle na mapanatili ang kanilang pagkakaibigan gayong naakit na siya ng binata? Book 2: Allured Halos malugmok ang isang magaling na graphic artist na si Allison nang biglang hiwalayan siya nang apat na taon niyang nobyo dahil sa walang kwentang dahilan. Ang hindi niya alam ay sa isang modified reunion pala ang magiging daan para magatgpo ulit ang landas niya sa pinakakinamumuhian niyang tao sa mundo, si Jacob Braganza. Ang akala niya ay mananatiling kaaway niya ito habang-buhay, ngunit laking gulat niya nang nagising na lang siya isang araw na matinding naakit na ng binata. Book 3: Thralled Kaya dumalo si Gabriella sa reunion dahil gusto niyang maghiganti sa kanyang pinsan sa pamamagitan ng pag-agaw sa nobyo nito. At sa halip na pagtuunang pansin ang paibigin ang nobyo ng kanyang pinsan ay natagpuan niyang mas pinagbibigayn niya ng oras si Gabriel Gomez, ang matalino at nerd noon ngunit naging matikas na binata na ngayon. Nakipagkasunduan ito sa kanya upang mapaibig ang kanyang pinsan at pumayag siya. Subalit nagising na lamang siya isang araw na iba ang pakay niya. Ang pakay na sa kanya na lang ito maakit at makipagtalik sa kanya. *** Disclaimer: Chapters with (M) contain mature content and explicit scenes. Read at your own risk.
Romance
6.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1031.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
Short Story · Mafia
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

MaidenRose7
("You belong to me, okay? Once you think about someone else, you'll be punish!" - lord Stan Elthen Indelcio.) Si Stan Elthen Indelcio ay walang oras para sa pag-ibig dahil tanging paghihiganti lang ang nasa isip niya, hanggang sa nakilala niya ang isang magandang gangster chic na nagdala ng parehong liwanag at dilim sa parehong mundong ginagalawan niya. Gagawin niya ang lahat para lang mapasakamay ang sutil na dalaga. Hindi sigurado si Haidei tungkol sa mga motibo ni Stan nang kunin siya nito mula sa sariling grupong Ruffian upang magtrabaho bilang isa sa miyembro ng kanyang gang na Stygian. Ginawa ni Stan ang lahat para kumbinsihin si Haidei na mahal niya talaga ito pero isang hamak na playboy college student lang talaga ang tingin nito sakanya. Ang gusto lang gawin ni Haidei ay alagaan ang kanyang grupo, kaya napunta siya sa deal na panghabambuhay para sa mga gastusin at kaligtasan ng kanyang grupo, sinusunggaban niya agad ang pagkakataon. Hindi niya alam na ang pakikipagkasundo kay Stan ay isang kulungang imposibleng takasan. Unti-unting napawi ang kanyang ngiti, at ang kanyang tawa ay nalulusaw hanggang sa ang natitira na lang ay ang sirang puppet sa impyerno na nilikha ng kanyang personal na hangarin. Si Stan Elthen Indelcio, ang pinuno ng Stygian Beast, ay tumayong mag-isa para hanapin ang humamak sa Ina nito. Brutal, walang awa, at mapanganib, si Stan ay kinatatakutan ng lahat - maging ng mga halimaw na naglalayong patayin ang kanyang kaluluwa. The instant Stan notice what's happening, he took her under his wings, and even though he's all sharp edges and has threatening screams, she feel safe with him. Kung ang kaligtasan niya ay kapahamakan ni Stan? Ano ang gagawin niya? Hayaang mapahamak si Stan para sa kalayaan niya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
151617181920
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status