Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE NIGHT STAND WITH A CEO

ONE NIGHT STAND WITH A CEO

Si Diane ay isang simpleng mahirap na dalaga lamang na lumaki sa isang squatter area ng Metro Manila. Ang tanging gusto niya ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya at maging isang inhinyero. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana nang isang gabing kalakasan ng ulan ay nagkrus ang landas nila ni Gerald, isang mayamang CEO. Nagkaroon sila ng one night stand. Nang sumunod na araw na pumasok si Diane sa kanyang trabaho, hindi niya inaasahang magkrus muli ang landas nila. Nagulat siya na ang boss niya ang matagal na pala niyang hinahanap na naka-one night stand niya. Si Gerald ay nagulat din. Ang isang babaeng di niya makalimutan ay siyang magiging Office Assistant niya. Mabubuo kaya ang pag-iibigan sa pagitan ng CEO na hindi naniniwala sa relasyon at sa kagaya ni Diane na isang hopeless romantic? Paano niya mailalaban ang pagmamahal niya sa kanya mismong boss?
Romance
20.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10152.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Attorney's Revenge

The Attorney's Revenge

Dahil sa mapait na nakaraan kaya naging isang ganap na abogado si Ava Dizon. Ito ang susi para sa matagal niya nang minimithi. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng Papa niya labing-apat na taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Blaze Li para bigyan siya ng magandang alok na tiyak niyang hindi palalampasin nang katulad ni Ava. Paano maisasakatuparan ng isang abogado ang kagustuhan nitong maghiganti kung may bagay na siyang pumipigil sa kanya na gawin iyon? Si Blaze Li pala ay anak ng pamilyang involve sa kaso ng Papa ng dalaga. Ang tulad ba ni Blaze Li ang makakapagpabago sa isip niya o siyang tutulak din sa kanya sa buhay na hindi maganda? “I am a top surgeon in this country. Saan ka man pumunta sa akin ka pa rin nila irerekomenda. Accept my offer and you’ll live longer.” - Axl Blaze Li
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Lost and Loved

Lost and Loved

Si Lyn ay minaltrato ng kanyang tyahin noong siya ay bata pa, nalugmok sa kahirapan at lumaki sa isang bahay ampunan, nagsikap siya upang makapagtapos ng pag-aaral at upang mahanap niya ang kanyang mga magulang. Nang naging matagumpay si Lyn sa kaniyang buhay ay nagpasya na itong hanapin ang kanyang pamilya sa Australia, ngunit isang malagim na trahedya ang kanyang dadanasin dahil sa pagbagsak ng kanyang sinasakyang eroplano sa isang malayong isla sa Karagatang Pacifico. Tanging si Marcus at siya lamang ang survivor sa nasabing trahedya. Dito na mararanasan ni Lyn ang magmahal sa isang taong hindi niya naman lubos na kilala. Sobrang mahal na niya si Marcus, ngunit, isang sikreto ang tinatago ni Marcus "Napamahal na ako kay Lyn pero paano ko sasabihin sa kanya na mayroon na akong asawa?" bulong nito sa sarili. Ano kaya ang gagawin ni Lyn kapag nalaman niya ang sikreto ni Marcus.
Romance
523 viewsOngoing
Read
Add to library
NINONG MAYOR (SPG/R-18+)

NINONG MAYOR (SPG/R-18+)

Sa edad na sampung taong gulang ay ipinadala si Marianne "Yanne" Nerizon ng kanyang magulang sa ibang bansa upang makalayo sa magulo na mundo ng politika. Isang Congressman ang kanyang ama at yumao na ang kanyang ina. After 13 years ay bumalik na siya sa Pilipinas ngunit sa kanyang pagbabalik ay siya ring araw na namatay ang kanyang ama. Inambush ang kanilang sasakyan at isang himala na nakaligtas si Marianne. Sa kanyang paggising ay bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaki. At nalaman niya na ito pala ang kanyang ninong. Ang ninong niya na isang Mayor. Dahil naging ulila na siyang lubos ay ang ninong na niya ang kanyang magiging bagong guardian. Ngunit paano kung sa kanyang pagtira sa bahay nito ay siya ring pag-usbong ng pagmamahal sa kanyang puso. Kaya ba niyang pigilan ang kanyang sarili na mahulog sa kanyang Ninong Mayor? Her Ninong Andrew Alcantaria.
Romance
9.9736.8K viewsOngoing
Read
Add to library
It's Started with the Game

It's Started with the Game

Gamer ka ba? Masaya maging gamer, nakakaadik kahit naglalaro ka lang. Paano kung dumating ang pagkakataon at bigla nalang ang larong ito ay babago ng iyong buhay? Paano kung dahil sa larong ito ay hindi lang laro ang lahat? Paano kung dahil sa larong ito ay maaring masira ang inyong pagkakaibigan? Paano kung ang larong ito, ikaw naman ang paglalaruan? Maglalaro ka pa rin ba?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.493.9K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
The Billionaire's Secret

The Billionaire's Secret

Hindi naging madali ang buhay ni Jade nang mawala ang kanyang asawa— si Matias Elizalde. Pero alam ni Jade, ramdam nito na buhay pa ang asawa. Dahil sa isang Charity Gala ay nalaman ni Jade na buhay ang asawa. Hindi makapaniwala si Jade sa mga nalaman. Lalo pa't sinabi ng asawa ni Jade kung sino at ano ito. Handa kayang tangaping muli ni Jade ang asawa sa buhay niya? Lalo na't nalaman ng babae ang dahilan ng paglayo nito o yayakapin ang lahat para lang makasama ang lalaking mahal. Paano kung manganib ang buhay ng mag-ina ni Matias o mas kilala sa pangalang Sebastian, dahil sa kanyang kagagawan. Handa ba niyang bitawan ang lahat para sa mag-ina niya o layuang muli ang kanyang mag-ina para sa kaligtasan ng mga ito. Alin ang mas pipiliin ng dalawang taong nagmamahalan. Ang kaligtasan o ang kaligayan?
Romance
10852 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status