Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
Romance
10191 viewsOngoing
Read
Add to library
A Kiss of a Lifetime

A Kiss of a Lifetime

GELIN
Si Ivan Kim, isang mayaman at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng hindi mabilang na hotel sa iba’t ibang bansa ay isa ding binata na hindi naniniwala sa pag-ibig at higit sa lahat.. sa KASAL. Si Ciela Luna Young, isang digital marketing assistant, breadwinner ng isang broken family. Isang dalagang pilit na nagsusumikap sa buhay upang patunayan ang kanyang sarili na karapat-dapat siyang pakasalan ng kanyang mayaman, perfectionist, soon to be lawyer at fiancè na si Jackson Chua. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang mag-uugnay sa kanilang dalawa. Ang cold hearted na CEO at hindi naniniwala sa pag-ibig at kasal ay aksidenteng maikakasal kay Ciela Luna isang gabi matapos silang pumunta sa wedding party ng kanilang mutual friend. Isang halik na magpapabago ng kanilang kapalaran. Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa? Paninindigan kaya ni Ivan Kim si Ciela Luna? Matutuloy kaya ang kasal ni Ciela sa kanyang fiancè matapos ang nakagugulantang na balita? Abangan.
Urban
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.5K viewsCompleted
Read
Add to library
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
1086 viewsOngoing
Read
Add to library
I Got You, Zephira

I Got You, Zephira

mauvecsea
Si Zephira Valentine ay isang sekretarya sa Armani Prime Corporation. Siya ay may kakayahan at responsableng empleyado. Ngunit, sa kagustuhan nitong lumayo sa kasintahan— nagdesisyon si Zephira na pumunta ng club kasama ang kaniyang mga kaibigan upang magkaroon ito ng kalayaan at maging masaya kahit sa isang gabi lamang. Hindi alam ni Zephira na dahil sa isang pangyayari ay mababago ang kaniyang magulong buhay. Nagkaroon ng laman ang kaniyang sinapupunan at ito ang nagbigay ng rason kay Zephira para lisanin ang bansa at tuluyang iwan ang kasintahan pati ang pinakamamahal niyang trabaho. Doon nanirahan at nanganak si Zephira sa ibang bansa— mag-isa niyang pinalaki ang anak nito at siya rin ang nagtayo bilang ama’t ina sa bata. Subalit hindi maiwasan ng anak na hanapin kay Zephira ang totoo nitong ama. Nang bumalik ito sa bansang kinalakihan ay nagkita muli si Zephira at ang ama ng kaniyang anak. Tatanggapin kaya siya ni Zephira? Hahayaan kaya ni Zephira ang lalaki na tuluyang pasukin ang buhay nito at ng anak niya? Mabubuo kaya ang pamilyang inaasam ng anak nito at ng sarili?
Romance
10643 viewsOngoing
Read
Add to library
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
Romance
590 viewsOngoing
Read
Add to library
Pregnant with Husband's Uncle

Pregnant with Husband's Uncle

Nahuli ni Esmeralda "Esme" Saavedra Leviste ang asawa niyang si Jared Leviste kasama ang ibang babae ng gabi sa araw ng kasal nila. One reckless, drunken mistake later, she woke up in a stranger’s suite… wearing nothing but regret. Now she’s carrying a child—his child. The problem? The father is her husband’s powerful, dangerous, and heartless uncle... and he’s not letting her go.
Romance
407 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
Romance
1010.8K viewsOngoing
Read
Add to library
He's My Sinful Salvation

He's My Sinful Salvation

Si Seraphina ay isang waitress na nagtatrabaho sa isang marangyang hotel sa Maynila. Isang gabi, nakilala niya si Damien, isang misteryosong bilyonaryo na umuwi sa Pilipinas. Agad silang nagkagustuhan sa isa't isa, ngunit may mga hadlang na kailangan nilang harapin. Si Damien ay may madilim na nakaraan na humahabol sa kanya. May mga taong gustong siyang saktan, at handa silang gamitin si Seraphina para makamit ang kanilang layunin. Kailangan nilang magtulungan para malampasan ang mga pagsubok na ito. Sa gitna ng panganib at intriga, matutuklasan nina Damien at Seraphina ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligtasan. Ang kanilang pagmamahalan ang magiging daan para sa kanilang pagbabago at paglaya.
Romance
169 viewsOngoing
Read
Add to library
Unofficially Yours

Unofficially Yours

“Sampung milyon. Magpapanggap ka lang na buntis ka na at fiancee kita sa buong tatlong buwan. Matutulungan kita, matutulungan mo ‘ko,” pakiusap ang certified f*ckboy ng taon na si Joaquin sa bestfriend nyang si Abby. She agreed straight away. Seeesh! So easy. Chicken feed! No big deal. Walang malisya. Halos parang nakikitira na rin sya sa penthouse ni Joaquín sa dami ng gamit nya. And so she convinces herself. Pero habang tumatagal, lalong nagiging kumportable para sa kanya ang penthouse nito at lalong lumalamig ang mga gabi tuwing mahihiga sya na nasa kabilang dulo ng malambot kama ang bestfriend. Paano nya kokontrolin ang damdaming noon pa gustong makawala? Paano nya lalabanan ang sinasabi ng isip nya bestfriend lang sya? Hanggang kailan nya kaya kayang panghawakan ang kanyang pagpapanggap?
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status