Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8590.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.
Maikling Kwento · Mafia
1.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1024.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sa Likod Ng Lagda (SPG)

Sa Likod Ng Lagda (SPG)

Dahil sa milyon-milyon na utang ang naiwan ng kanyang ama simula ng pumanaw ito, napilitan si Quinn Asha huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho para maisalba ang kanilang bahay na malapit ng kuhain ng bangko. Kailangan niya rin buhayin ang kanyang madrasta at stepsister. Naging secretary siya ng isang cold-hearted billionaire na si Spade Zaqueo Andrich. Inalok siya ng kanyang boss na maging asawa nito sa loob ng 3 taon sa kundisyon na babayaran ng binata ang lahat ng pagkakautang ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung ang lalaking pinakasalan ay may malaking lihim pala na magpapabago sa buhay ng isang Quinn Asha Montemayor?
Romance
10913 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Binili Ako ng Ex-Husband Kong Bilyonaryo

Binili Ako ng Ex-Husband Kong Bilyonaryo

Nexus White
Vivienne Alvarado secretly married Rogue Montague five years ago. Ngunit isang araw, isang magandang balita sana ang sasabihin ni Vivienne sa asawa niya nang makatanggap siya ng isang video kung saan makikita si Rogue, kasama ang kambal nilang anak at isang babae na kung tawagin nila ay Aunt Celeste, ay masayang nagdiriwang ng kaarawan ng mommy ni Rogue. Nadurog ang puso ni Vivienne kaya hindi siya nag-atubiling makipag-divorce kay Rogue dahil para sa kaniya ay panloloko ang ginagawa nito. Kahit ilang beses nagpaliwanag si Rogue, hindi ito pinakinggan ni Vivienne. Rogue had no choice but to accept Vivienne's decision. They went back to the U.S.—where they had married secretly—and got divorced. However, three years later, fate would bring them together again. At hindi inaasahan ni Vivienne na hahantong siya sa isang matinding desisyon—iyon ay kung papatuluyin niya ang ngayo'y ex-husband niyang si Rogue kasama ang magkambal sa kaniyang bahay sa gitna ng nararanasan nilang unos o hindi. Gayunpaman, akala ni Vivienne ay iyon lamang ang magiging hamon sa kaniyang buhay, ngunit nagkamali siya nang lokohin siya ng taong pinagkakatiwalaan niya at nang magkasakit ang kaniyang anak. Desperate to save her daughter, Vivienne had no choice but to auction herself off. But she’ll be shocked to discover who bought her: her billionaire ex-husband, Rogue Montague.
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Maikling Kwento · Romance
1.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Si Ayumi ay isang mabuting anak, na gusto lang ng simpleng buhay, kasama ang kaniyang pamilya. Kaya mas lalo niya itong itaguyod sa pamamaraan ng mabuting hangarin, dahil para sa kaniya ang pamilya niya lang ang nagpapalakas ng kaniyang loob para mas lalo siyang maging matapang. Hanggang sa makilala niya si Chester Perez, na makakapagbago ng kaniyang buhay. Si Chester, na gagawin ang lahat upang siya'y 'di mapahamak, sa masasamang hangarin lamang ang alam. Para kay Ayumi ay ipaglalaban niya ang kaniyang mahahalaga sa kaniya, ay wala ng iba do'n kundi ang taong nagpapatibok sa kaniyang puso. Dahil wala na itong mahihiling pa. Ginawa nila ang tama upang wala silang matapakang tao, subalit hindi mawala sa buhay nila ang isang babaeng walang Ibang ginawa kundi guluhin ang kanilang buhay walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Chester na si Chloe, para sa kaniya ay babawiin niya ang dapat kaniya. Bilang si Chloe ay kukunin niya ang lahat kay Ayumi at pahirapan siya hanggat 'di niya hinihiwalayan si Chester. Kahit masama ang kaniyang hangarin, alam naman niya sa kaniyang sarili ay makuha lang ito. Ginawa ni Chester ang mas makakabuti, upang hindi madamay ang taong mahal niya. Kahit masakit para sa kaniya ang pakikipag-sundo para sa kinamumuhian niya, malayo lang si Ayumi sa masasamang balak nila. Ipinaglaban nila ang isat-isa, at 'di sila bumitaw sa lahat ng pagsubok sa kanilang hinarap. At naging challenge para sa kanilang lahat ang mga nangyari, lalo na para kay Ayumi at kasabay ng pagtaguyod ng kaniyang pamilya.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Mystery/Thriller
104.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Binili Ako ng CEO

Binili Ako ng CEO

'Once you sign the paper, you are already bound by him. There’s no escape, only death. ’ Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa kapatid niya. Sa bayan nila ay may isang lalaking tinatawag ng lahat na ‘madman’. Ayon dito, isa itong baliw na matanda na nakatira sa malaking bahay sa kanilang lugar. Ang sinasabi nilang "madman" ay naghahanap ng mapapangasawa na sasamahan siya sa buhay. Maraming nag apply dahil sa malaking pera na kapalit. Isa na doon si Lorelay. Sa daan-daang babae na nag-apply, siya ang napiling e purchase ng madman na kilala sa tawag na Ho Shein o Mr. Shein. Nang malaman ni Lorelay na siya ang napili ni Mr. Shein na pakasalan ay pumayag agad ito na ikasal sila ng alkalde ng kanilang lugar sa lalong madaling panahon. Ang hindi niya alam, ang taong madman na sinasabi ng bayan ay isa palang mayamang binatilyo na nagtataglay ng angking kagwapuhan ngunit may madilim na nakaraan. Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. But was everything just a coincidence? Or was it meant to entice her into a trap?
Romance
10394.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status