Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Alpha's Forbidden Mate

Alpha's Forbidden Mate

“Bawal ako sa'yo... pero bakit puso ko ang lumalaban?” Si Amara Villanueva ay isang ordinaryong dalagang tahimik ang buhay sa bayan ng El Cielo. Pero nagbago ang lahat nang isang gabi’y matuklasan niyang isa siyang Loba — isang babaeng lobo na isinumpa ang kapangyarihan. Sa gitna ng kaguluhan, dumating ang makapangyarihang Alpha na si Kael Donovan—mapanganib, mailap, at hindi dapat sa kanya. Pero kahit anong pilit nilang lumayo sa isa’t isa, mas lalong humihigpit ang ugnayan nilang pinagtagpo ng tadhana... at ng iisang kapangyarihang hindi nila lubos na naiintindihan. Handa ba si Amara na suwayin ang batas ng Buwan para sa lalaking ipinagbabawal sa kanya? O tuluyan siyang magpaparaya sa takot at kapalaran?
Romance
281 viewsOngoing
Read
Add to library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Betrayal and Revenge

Betrayal and Revenge

Si Agatha Gonzales ay lumaki na naghahanap ng pagmamahal at pag aaruga ng isang ama dahil kahit kailan ay hindi niya naranasan iyon sa kanyang ama, ang tanging nakikita niya lang palagi ay ang pagdurusa ng kanyang ina sa kamay nito. Si Ethan Hernandez ay galing sa mayaman na pamilya at siya ay isang tagapagmana. Nabubuhay na parang isang prinsipe at sagana sa pagmamahal ng kanyang ama pero hindi na kasama ang kanyang ina dahil namatay na ito. He gets everything in life. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkatagpo ang landas nilang dalawa. Sa una nilang pagkikita ay nahalata na agad ng dalaga na ayaw sa kanya ni ng binata samantalang ang nakatatandang kapatid naman nito ay mabait sa kanya. She did everything para lang maipakita na karapat dapat siyang tanggapin bilang bagong kasapi ng kanilang pamilya. Until one night happen in mistake that make Agatha leave and choose to hurt Ethan. Is there hope for the two of them? Ano ang handang gawin ni Agatha para mapatawad lang siya ng lalaking mahal? Will they have a happy ending or a tragic one?
Romance
1030.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Memories Of Yesterday

Memories Of Yesterday

Bloodrose
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila maliban sa katotohanang siya ang unica hija ni Don Mattias Castillon, ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado. Ngunit nang makilala niya si Nathaniel Montelibano, isang opisyal ng Philippine Army na nadestino sa bayan nila ay nagbago ang mga layunin niya sa buhay. Si Nathaniel ang tanging lalaking hindi niya napayuko; hindi natinag sa kanyang presensya. Wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas. Ngunit pursigido siyang bihagin ang puso nito sa anumang paraan. At sa bawat pagtatagpo nila ay itinataboy siya nito palayo ngunit hindi nito alam na lalo lamang siyang ginagahan na lumapit dito. Sisibol ba ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay wala na itong kahihinatnan?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pregnant After One Night Stand

Pregnant After One Night Stand

Si Xander Martin ay isang lalaking may reputasyon na dapat panatilihin. Gwapo siya, mayaman, bata, matalino at... Cassanova. Hindi lihim na mahilig siyang gumugol ng oras sa mga bayarang babae. Sa katunayan, alam ng buong bayan na hindi niya gustong matulog sa parehong babae nang dalawang beses. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sinasadyang nakipagtalik siya sa isang babae. Dahil sa pagkadismaya na hindi ang dalaga ang inaakala niyang upahang babae, inakusahan siya ni Xander na isang espiya na sadyang ipinadala ng kanyang karibal sa negosyo para sirain siya. So, totoo ba ang akusasyon? Nagtagumpay kaya si Xander sa paghahanap ng babae? Ang pinakamahalagang huling tanong, sino ba talaga ang babaeng iyon?
Romance
8.9K viewsCompleted
Read
Add to library
His Obsessed Unwanted Girlfriend

His Obsessed Unwanted Girlfriend

Palaban, walang inuurungan, yan si Ksatreyah. Isa siyang ma-impluwensya at magaling sa pakikipaglaban. Ginagawa niya lahat mapasakanya lang ang oras at atensyon ng minamahal na si Kevier. At dahil din sa pagmamahal na iyon kung bakit niya nasasaktan ito sa pamamagitan ng pang-iipit dito. She even used Mia- Kevier's girlfriend para lang mahawakan sa leeg ang lalake. Tinatakot niya ito na sasaktan niya si Mia oras na makipagkita si Kevier dito. Hanggang saan hahantong ang kanyang mapanakit na pagmamahal? Hanggang saan niya matututunang bumitaw? Bibitaw ba siya kahit na alam niyang masasaktan siya at iyon ang ikakasiya ng lalakeng mahal niya? O patuloy niya itong mamahalin at susugal na mahalin siya nito pabalik ngunit kapag nangyari iyon ay alam niya sa sarili niyang, magiging miserable ang buhay nito.
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAHAL KITA PERO

MAHAL KITA PERO

Blossom
Ang pagmamahal ay para sa bawat isa, kalayaan natin humanap ng tao na makapupuno at masasabi, na siya na nga ang makakasama natin sa habang buhay. Ngunit bakit napaka lupit ng buhay para kay Red. Anak mayaman, gwapo, matipuno, halos lahat ng katangian para sa Ideal Man ay nasa kanya. Lahat nga ba ay nabibili ng pera? Nabibili ng yaman ang dignidad? O may tao talagang sapat na makita lang masaya ang minamahal niya. Hanggang saan makakaya ng binata ang hagupit ng tadhana para ipaglaban ang mahal niya. Masasabi nga ba na totoo ang Happy Ending? o hanggang sa pelikula lamang pala makikita ito.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Manang at Pikon ( Filipino )

Manang at Pikon ( Filipino )

Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully. Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin. Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan. Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya. Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang. Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa? Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito? Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
YA/TEEN
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10523 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status