Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Walang mga lalaki sa aming nayon. Kapag umabot ng 18 taong gulang ang isang babae, sumasailalim sila sa isang seremonya ng pagdating ng edad sa ancestral hall. Suot ang mga damit pang-seremonya, pumila sila para pumasok, at paglabas nila, ang mga mukha nila ay may halong sakit at saya. Noong ang panganay na kapatid na babae ko ay naging 18, pinagbawalan siya ni Lola na dumalo. Gayunpaman, isang gabi, lumusot siya papunta sa bulwagan. Paglabas niya, hirap siyang maglakad, at may dugo sa pagitan ng mga binti niya.
Short Story · Kilig
1.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Fake Boyfriend

My Fake Boyfriend

Lycq Yeager
Denise Merculio is a student of the Faculty of Law at the university at cheerleader din siya sa college, habang si Nathaniel Hudson naman ay ang pinakapopular na lalaki sa campus, miyembro ng soccer at music club. Si Denise ay napilitang kumbinsihin si Nathaniel para magpanggap na boyfriend niya ito upang makatakas kay Adrian, ito ang kanyang fiancé na may romantic feelings para sa kanya. Habang lumilipas ang panahon, unti-unti nang naging totoo ang kanilang nararamdaman. However, the line between what is real and what is pretend started to blur, causing confusion between the two as something grows between them.
YA/TEEN
106.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying my Step Brother

Marrying my Step Brother

Isang pangyayari ang nagpabago sa takbo ng kanilang Buhay. Matapos ang isang gabing may nangyari sa kanila. Parihong lasing Si David at Samantha ng gabing iyon, kaya hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Nagbuanga ang gabing iyon at napilitan silang magpakasal kahit na alam niya na may iba itong mahal. At ngayong kasal na sila, anong uri ng impiyernong buhay Ang naghihintay sa kaniya sa Bahay nito? Ano ang gagawin niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaki kung sukdulan ang galit nito sa kanya? Alamin ang kanilang kwento....
Romance
6.344.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
539 viewsOngoing
Read
Add to library
Mistaken Identity

Mistaken Identity

Kahapon lang ay single pa siya. Ngunit ngayong araw na ito, magiging Mrs. Catherine Villanueva na siya. Pakiramdam niya ay nabudol-budol siya ng Daddy niya. Paano siya nitong napapayag makasal sa isang lalaking ni hindi man lang niya minahal. Bakit nga ba siya pumayag sa gustong mangyari ng Daddy niya porke’t iniyakan lang siya nito? Ngunit ang mas lalong nakakasindak, ipapakasal siya nito sa isang lalaking lantaran namang umamin sa kanya na isa itong member ng LGBTQIA community. Feeling tuloy niya, um-order lang ng mapapangasawa niya online ang Daddy niya, may defect pa. May defect dahil lalaki rin ang hilig nito at hindi babae. At no return, no exchange na pala ang kasunduang ito dahil legit ang marriage contract nilang dalawa. Hindi ito isang panaginip lang. Ngunit naisip niyang dahil lalaki rin ang type ng asawa niya, at least ay safe siya kasama nito. Malaya siyang makakapagbihis sa harapan nito at alam niyang kahit anong gawin niya, wala talagang mangyayari sa kanilang dalawa. Pero kung bakla ito bakit may girlfriend ito? At bakit, unti-unti, parang nakakaramdam na siya ng selos sa tuwing makikita niya ito kasama ng girlfriend nito? Hanggang isang araw ay makita niya ang asawa, not just one but two. Namamalikmata lang ba siya or sadyang may kakambal ito? Isang member ng LGBTQIA community na si Anthony. At isang lalaking-lalaki na si Andy. Pero kanino sa dalawang ito ba siya talaga ikinasal?
Romance
1096.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Isaac Walton: The Highest Bidder

Isaac Walton: The Highest Bidder

Anning
Walang magawa si Carla kung hindi ang kumapit sa patalim. Mahigpit ang pangangailangan niya dahil nasa hospital and kanyang kapatid. It was only her last resort. Maganda siya, virgin, at lahat ng katangian na gusto ng mga lalaki ay meron siya. Kaya naman hindi kataka-taka na sa halagang isang daang milyon ay may bumili sa kanya. Pero ang hindi niya inaasahan na ang lalaking nagbayad ng ganon kalaki para sa kanya ay isang Bilyonaryo. A billionaire known for his nicknames beast, monster, and devil. But the question is, how long can Carla stand with him?
Romance
605 viewsOngoing
Read
Add to library
After Divorce : Marrying My First Husband Again

After Divorce : Marrying My First Husband Again

Napilitang magpakasal ang tanyag na abogadong si Elias Macini sa isang anak ng maid na si Dasha Rivera, sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya pinakitaan ng kabutihan ang babae, ngunit sa kabila nito ay pagmamahal pa rin ang binabalik ni Dasha. Natapos ang kanilang pagsasama noong nalaman ng lalaki na nagdadalang tao si Dasha, kaagad na nakipag-divorce si Elias sa kaniya at sumama sa tunay nitong mahal. Umalis ng mansyon si Dasha at isang aksidente ang nangyari na naging dahilan upang muli niyang makita si Samuel Valdez, ang una niyang naging asawa. Sa gitna ng kaguluhan sa kaniyang buhay at sa pag-alalang walang tatayong maging ama ng kaniyang anak, muli niyang pinakasalan si Samuel na walang kaalaman na ito ang desisyon na pagsisihan niya buong buhay.
Romance
1026.2K viewsCompleted
Read
Add to library
I'M DREAMING OF YOU

I'M DREAMING OF YOU

RRA
Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
972 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status