Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

Sa ikatlong taon ng kanyang kasal kay Morgan Cuntis, natuklasan ni Yelena kung sino ang tunay na minamahal ng asawa niya. Ang hipag nito, asawa ng yumao nitong kapatid na si Morris. Habang nasa gitna ng pagluluksa ang pamilya ay sumiklab ang gulo at walang pakialam ang lalaki basta’t maipagtanggol lang si Nova, sukdulang siya ang mabastos at masaktan. Tanggap naman ni Yelena ang dahilan ng pagpapakasal sa kaniya ni Morgan. Walang pagmamahal na nagbibigkis sa kanila. Napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa lahat ng babaeng pinagpipilian ng pamilya nito, siya ang masasabing matalino at masunuring manugang. Sa pagtatapos ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, patutunayan niyang hindi siya ang luluhod at magmakaawa. Babangon siya at magtatagumpay dahil nasa likod niya ang lalaking batas ang bawat salita at buhay ang katumbas ng bawat pagkakamali. Si Argus Armadda. Top Boss ng LE CADRAN PH. Isang Business empire na nagko-kontrol sa economic movers ng bansa at may sapat na kapangyarihang dumurog ng kalaban sa isang kisap lang ng mata. Mabubuo ba ang matibay na pagmamahalan sa pagitan nila kung unang mahuhubog ang obsession ni Argus kay Yelena?
Romance
1065.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

Amber_cloud00
Arabella Russo, isang simpleng babaeng lumaki sa payak na pamumuhay ang papasukin ang lahat ng marangal na trabaho para lang sa amang nakaratay sa ospital. Ngunit sa haba ng araw ng pananatili ng ama rito, napagtanto niyang kailangan niya nang kumapit sa patalim. Pikit-mata niyang tinanggap ang alok na malaking halaga ng pera kapalit ng one-night-stand kasama ang isang misteryosong lalaki. Matapos nito ay makakatanggap muli siya ng alok na maging personal maid. Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang Mafia King na nagngangalang Alessio Conti ang kanyang pagsisilbihan. Makilala kaya nila ang bawat isa? At magawa naman kaya siyang mahalin ng binata na kilala bilang isang matapang, makisig at walang kinatatakutang leader ng malaking grupo ng sindikato? Anu-ano ang mga madidiskubre nila sa bawat isa na siyang gugulantang sa kanilang mga buhay? Magagawa bang mabago ng pag-ibig ang taong lumaki sa mundo ng karahasan?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
Romance
664 viewsOngoing
Read
Add to library
Fated to Love You, My Prince

Fated to Love You, My Prince

He is Prince Dymitri Lance Montague of the Kingdom of Nirvana, and she's his maid. They both fell in love with each other, but Serene clearly knew that their story was not a Cinderella-like love story with a happy ending. Hindi lamang ang estado nila sa buhay ang hadlang sa kanilang pag-iibigan kundi higit ang magulang ng binata na tutol sa kanilang relasyon. Ginawa ng mga ito ang lahat para paghiwalayin sila. Isang masakit na kasinungalingan na naging dahilan para labis siyang kamuhian ng binata. Na deport si Serene pabalik ng Pilipinas kasabay ng pagkakatuklas niya na siya'y nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, habang naghihintay ng masasakyan si Serene kasama ang apat na taong gulang na anak mula sa pinapasukan nitong kindergarten, bigla itong tumawid sa kalsada ng hindi niya namamalayan. Muntik na itong masagasaan kung hindi lang mabilis ang driver ng SUV sa pagpreno. Ngunit hindi lang iyon ang nagpayanig sa buong pagkatao ni Serene, ikinagimbal niya rin ng labis ng masilayan niya ang mukha ng lalakeng bumaba mula sa backseat ng sasakyan. Si Dylan.. na noo'y biglang tumiim ang mga mata ng mapadako ang tingin sa kanyang anak.
Romance
1015.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty & Ruined: The Devil I Married

Dirty & Ruined: The Devil I Married

Isang kasal na itinakda ng kontrata. Isang gabing puno ng tukso. Isang lihim na babago sa lahat. Dahil sa desperasyon, napilitan si Seraphina Eloise Madrigal na pakasalan ang mayamang military officer na si Colonel Archimedes Carter. Sa halip na isang tahimik na buhay, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pang-aapi ng kanyang biyenan at ang muling pagbabalik ng first love ng kanyang asawa. Nang piliin ni Archimedes na alagaan ang ex nito, tuluyan siyang lumayo. Pero bago siya tuluyang makawala— isang gabi ng kapusukan ang nag-iwan sa kanya ng kambal. Pagkalipas ng ilang taon, isang lalaking puno ng pagmamahal at kabutihan ang dumating sa buhay niya, si Dr. Wyatt Carter, ang doktor ng kanyang anak. Sa wakas, may isang lalaking tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pero isang matinding lihim ang hindi maitatago ng panahong lumipas. Pa’no kung ang dalawang taong nagparamdam sa kaniya ng magkaibang emosyon ay iisa? Ngayon, pipiliin ba niyang lumayo… o manatili sa lalaking may dalawang katauhan—isa na minahal niya at isa na minsang sumira sa kanya?
Romance
9416 viewsOngoing
Read
Add to library
Unwavering Desire

Unwavering Desire

arkisharohe
Nakakabulag ang pag-ibig at hindi natin minsan mahinuha ang kayang abutin nito. Isa si Aia sa nasilo ng pakiramdam na ito. Minahal niya ang lalaking buong akala niya ay ang totoong nagmamahal sa kaniya, ngunit sa paglipas ng mga panahon ay nalaman niyang may isang katauhan pa pala sa likod ng lalaking kaniyang minahal. Sa lihim na pagtingin ng CEO kay Aia ay hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin, dito ay natagpuan niya ang sariling walang saplot katabi ng kanyang amo. Sobrang sakit ng ulo niya nang maalala niya ang mga maiinit na tagpong pinagsaluha nila nung gabing yaon. Tinitigan niya ang maamong mukha ng lalaki at inilapit ang labi sa ilong nito. Napaluha siya at agad na bumangon ng kama para pulutin ang mga damit na walang pigil na inalis ng lalaki mula sa kanyang katawan. Gulong gulo ang utak na lumabas ng silid, tinakasan niya ang lalaking kaulayaw niya kagabi. Ang daming tumatakbo sa utak niya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang amo. Nag-iwan ito ng note bilang tanda ng pag-alis niya sa trabaho, "This will serve as my last day, sir."
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Si Anton Almonte ay isang tagapagmana na rebelde, saksakan ng yabang, at masungit. Ang tingin niya sa lahat ng bagay, maging sa tao ay bayarang pwedeng pwede niyang presyuhan. Pero isang aksidente ang magtatakda ng hangganan ng kanyang kayabangan at magpapaikot ng kanyang mundo lalo na at makikilala niya si Amara Samarin,isang ordinaryong dalaga na mamamasukan bilang kanyang personal maid.Ngunit hindi niya alam na konontrta ala ng kayang lola. Ang kanilang pagtatagpo ay magdudukot ng anghang at tamis sa mansion ng mga Almonte.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status