Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Personal Maid

His Personal Maid

MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar. Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.
Romance
9.7366.3K viewsCompleted
Show Reviews (81)
Read
Add to library
Rai
OMG!! nakakakilig naman nitong story worth it na worth it ganito gusto kong basahin Hindi boring enjoy na enjoy ako. Hayssst ganda sobra Hindi ka talaga magpagawa kapag ganitong flow na story. Love na love ko ito support kita author...
Kim francine Botor
hina ap ko ito sa novelah na Sabi ng author soon siya sa novelah mag sususlat.. nag ikawalang chapter Pero wala.. gusto ulit.. ma dugtungan ang pagmamahalan nila Winston at Karina pls po.... Dahil napaganda ng ginawa mong kwento
Read All Reviews
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan. Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen. Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?
Romance
10794 viewsOngoing
Read
Add to library
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

PortalMentis_
Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
Romance
10915 viewsOngoing
Read
Add to library
His Criminal Heart

His Criminal Heart

Pxnxx
Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
Romance
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Into The Other Side: The Last Vessel

Into The Other Side: The Last Vessel

CG Tomodachi
Lexcel Faith Marshall is a normal student with normal life not until her grandmother died. Simula burol ng kanyang lola ay kung ano-anong mga nakikita at napapanaginipan niya. Sa takot na magkatotoo ang kanyang mga panaginip ay gumawa siya ng paraan para alamin ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya, sa tulong ni Levi- isang bagong salta sa lugar nila. Sa paghahanap ng sagot sa kanilang katanungan ay dinala sila sa nakaraang nababalot ng misteryo sa buo nilang pagkatao na maaring sisira sa kanilang hinaharap.
Mystery/Thriller
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
336 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status