Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
Romance
582 viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
10771 viewsOngoing
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

Loveinyoung
Sa kagustuhang makatakas sa kamay ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya ay nabundol siya ng sasakyan dahilan kung bakit naratay siya ng matagal sa Hospital. Ngunit sa kanyang pagising ay wala siyang maalala sa nakaraan maging ang kanyang pangalan. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa sarili dahil sa malaking pinsala na natamo ng kanyang katawan. Kinupkop siya ni Carlos Montenegro ang lalaking nakabangga sa kanya inaalagaan siya nito, binihisan at binigyan ng pangalan. Lubos niyang hinangaan ang binata at hindi niya maikakailang may nararamdaman na siya para rito subalit unti-unti nang bumabalik ang kanyang alaala at patuloy siyang tinutugis ng kanyang nakaraan...nang kanyang mga nagawang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran lalong lalo na sa binata. Hindi maatim ng kanyang konsensya kaya bago pa ang lahat ay inunahan niya na ito. Sa pamamagitan ng liham ay ipinagtapat niya ang Katotohan ng kanyang pagkatao at sa kanyang pagtalikod ng gabing iyon ay kasabay na rin doon ang paglimot sa binata. Hindi rin nakaligltas sa pandinig Kay Carlos ang pag-alis ni Rose. May parte sa puso niyang pigilan ang dalaga subalit nanaig parin ang galit at pagkasuklam niya rito. Para sa kanya walang karapatang mabuhay ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang nobya na si Angelica at isinusumpa niyang magdurusa ito habang buhay subalit paano niya lalabanan ang damdaming iyon kung laging ipinapaalala sa kanya ang magandang imahe ng dalaga lalong lalo pa at dinadala nito sa sinapupunan ang nag-iisang maging tagapagmana ng kaniyang angkan.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Secretary's Secret

His Secretary's Secret

Nagsimula ang lahat sa pagiging Fubu nilang dalawa hanggang sa humantong sa bawal na pagmamahalan sa apat na sulok ng office
Romance
10354 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status