The Fall of the Queen
panimula niya.
“Matapos kong lumayas sa pamamahay na iyon nang sugatan ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko gustong bumalik sa ampunan dahil doon ako paniguradong kakahanapin, kaya pinili kong sa kalsada na lang tumira. Naranasan kong mamalimos para lang may makain. Minsan ay pinupulot ko kung ano ang nakikita kong pagkain na nahuhulog ng mga dumadaan para lang magkalaman ang tiyan. Minsan ay kahit masama, nagagawa kong magnakaw dahil wala na talaga akong ibang mapagkukuhanan,” dugtong niya. Napatitig ako sa kanya nang bumakas ang pait sa ekspresyon niya. Sigurado akong sa pagkukwento niya ay bumalik sa kanya ang lahat ng naranasan niya sa buhay. Ang hirap, pait, lungkot at sa
인기 회차