Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A SECOND CHANCE TO LOVE

A SECOND CHANCE TO LOVE

JMC
Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
1.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 45 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY

THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY

Ang pagiging isang single mom ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ni Kenna sa buhay niya. Hinarap niya ang lahat ng panghuhusga ng mga tao at bukod pa doon ay pinalaki niya ang anak niya ng mag-isa dahil para sa kaniya, ang anak niya ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya. Sa edad nitong anim na taon ay mahilig itong maglaro at kung sino-sinong lalaki ang itinuturo nitong gustong maging Daddy na tinatawanan lang naman niya. Not until isinama niya ito sa hotel na pinagtatrabahuhan niya, nang hanapin niya ito ay natagpuan niyang may kausap itong isang lalaki kung saan ay karga-karga pa siya nito. "Cassandra!" sabay na lumingon sa kaniya ang dalawa at doon ay para siyang itinulos mula sa kinatatayuan niya ng makita niya ang mukha ng lalaki. Siya iyon, ang pamilyar na mukha na minsan niya lang nakita sa buong buhay niya pero tandang-tanda niya. Sa isang sulyap lang ay parang bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Mabilis na tumakbo ang kaniyang anak patungo sa kaniya at bumulong. "Mommy, I found Daddy!" ----- He was her greatest mistake, now he is her boss and her past that she can’t escape. How will they story unfold? Will their daughter scheme— "mission Mommy and Daddy fall inlove" would be a success or a failure?
10489 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
107.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 286 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
UNCLAIMED VOWS

UNCLAIMED VOWS

Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa. Isang kasunduan. Isang kasal. Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya. Ang nag-alok? Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo. Simple lang ang usapan.. Pakakasalan niya ito. Gagampanan ang papel. At mababayaran ang lahat ng problema niya. Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito— si Dylan Luis Suarez Chen, ang unang binatang kanyang inibig, ang iniwan niya para tuparin ang pangarap, ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli. Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid… Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa. At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig, isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.
102.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 72 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
Love, Signed By a Billionaire

Love, Signed By a Billionaire

Si Annatalia Martinez ay isang babaeng may simpleng pangarap at matibay na prinsipyo. Hindi niya inakala na ang buhay niya ay magbabago dahil lamang sa isang dokumentong kailangang pirmahan. Si Alaric Dale Compton, isang makapangyarihang bilyonaryo, ay kilala sa pagiging emosyonal na mailap at desidido sa negosyo. Para sa kanya, ang lahat ay napag-uusapan—kahit ang damdamin. “ Love, Signed by a Billionaire” Sa isang kasunduang naglapit sa kanila, napilitan silang magkasama sa isang mundong puno ng limitasyon at lihim na damdamin. Habang sinusubukan nilang panatilihin ang distansya, mas lalo namang lumalalim ang koneksiyong hindi nila inaasahan.
101.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 49 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
1016.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 418 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
105.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 208 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

Paalala: Ang kuwentong ito ay isang kathang-isip lamang. Anuman ang inyong mababasa ay huwag tularan. Panimula: Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw, napilitan siyang magtungo sa police station dahil nasangkot ang kanyang kapatid sa isang gulo sa bar. Doon, isang babaeng pulis ang umagaw ng kanyang atensyon. S'ya si Kurt John McCain, isang multi-billionaire na business tycoon, ay kilala hindi lang sa kanyang yaman kundi pati sa kanyang nakamamanghang hitsura—matangkad, makisig, at ang kanyang ngiti ay sapat na para mawalan ng ulirat ang sinumang babae. Ngunit para sa kanya, ang mga babae ay walang iba kundi panandaliang libangan. Walang puwang ang seryosong relasyon sa kanyang abala at marangyang buhay. Para sa kanya, ang mga ito ay parang laro lamang—walang emosyon, walang komplikasyon. Ang lahat ay laro lamang. Si SPO 3 -Althea Perez, isang dedikadong policewoman, ay hindi lang mahusay sa kanyang tungkulin kundi kilala rin sa kanyang kagandahan, kaseksihan, at kabutihang-loob. Ngunit sa kabila ng pagiging pulis, marunong din siyang magpatawa at makibagay. Lihim niyang binabalanse ang buhay sa pamamagitan ng pagraraket sa palengke upang suportahan ang kanyang pamilya. Bagamat maamo ang kanyang hitsura, huwag kang magkakamali—hindi siya aatras sa sinumang nagtatangkang umabuso sa kanyang prinsipyo. Isang araw, nasapak niya ang isang mayabang na lalaki na nagdulot ng kanyang pagkawala ng malay. Ang mayabang na lalaki? Walang iba kundi si Kurt. Ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? Paano mababago ng isang policewoman ang buhay ng isang businessman na walang pakialam sa pag-ibig? Abangan ang kwento ng dalawang magkaibang katauhan na pinagbuklod ng kapalaran.
101.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 42 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
My Scumbag Ex-Husband Begs Me Naked After I Married the Rich

My Scumbag Ex-Husband Begs Me Naked After I Married the Rich

Apat na taon silang kasal, at sa loob ng mga taong iyon, buong-puso ang tiwala ni Penny sa kanyang asawa. Ngunit gumuho ang lahat nang matuklasan niya ang maruming lihim ni Gabo. May iba pala itong pamilya sa labas. Ang mas masakit pa, ang itinuturing niyang ampon na kapatid na si Melissa at ang pamangkin niyang si Mia ay tunay palang mag-ina ni Gabo. Kayasinadya niyang piliin ang pinakamasayang araw ng lalaki para maghiganti. Ito ang araw ng grand launching ng bagong kumpanya ni Gabo. Inilapag ni Penny ang mamahaling envelope sa mismong mesa sa harap ng maraming bisita. Ang divorce agreement. Hindi makapaniwala si Gabo. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali lang ang lahat na kayang daanin sa matinding pagsisisi. Agad niyang binayaran ng milyun-milyong breakup fee si Melissa at tuluyan nang pinutol ang ugnayan sa anak sa labas na si Mia, mapatunayan lang kay Penny na seryoso siyang magbago. Umaasa siyang babalik ang asawa dahil alam niyang wala itong ibang alam gawin sa buhay kundi ang maging maybahay. Sigurado si Gabo na maghihirap ito kapag nawala siya. Ngunit nagkamali siya. Ilang buwan lang ang lumipas, niyanig ng balita ang buong industriya. Hawak na ngayon ni Penny ang isang pharmaceutical patent na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso. Hindi doon nagtatapos ang gulat ni Gabo dahil nabalitaan na lang niyang ikakasal na muli ang kanyang dating asawa. "Magpapakasal ka sa isang ordinaryong lalaki lang? Penny, hindi ka niya kayang buhayin! Hindi ka siya karapat-dapat para sayo!" Eksaktong inilabas ang opisyal na listahan ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas para sa taong ito. Tiningnan ni Penny ang pamilyar na pangalan at litrato na nasa pinakatuktok ng listahan. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang groom at ngumiti nang matamis. "Sabihin mo nga sa kanya, mahal, na ikaw ang pinakamayamang tao sa bansa."
82 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
102.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 77 Beses bilang para sa lahat
Read
+Library
PREV
1
...
3435363738
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status