Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
Romance
1018.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession

The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession

Akala ni Ayumi Liana Mercado ay kilala na niya ang lahat ng uri ng sakit pagdating sa pag-ibig… hanggang sa ipagpalit siya ng lalaking minahal niya nang buong puso sa loob ng apat na taon. Ngunit nang dumating sa buhay niya si Hunter Blake Velasquez, a billionaire attorney with brilliance, power, and a dangerously captivating charm, tuluyang nagbago ang lahat. He was a man who could read every beat of her heart… and break down the walls she built to protect it. Sa bawat titig ni Hunter, unti-unting natutunaw ang mga sugat ng kahapon. Sa bawat bulong niya sa dilim, unti-unti ring nagiging apoy ang takot ni Ayumi. Hanggang sa ang dating laro ng tukso ay maging isang mapanganib na pagnanasa, a game of temptation she could no longer escape. Ngunit nang muling bumalik si Levi Knox Castillo, ang lalaking minsang sumira sa kanya, mapipilitan si Ayumi na pumili… Ang lalaking iniwan siya nang walang paalam, O ang bilyonaryong abogadong handang bilhin ang buong mundo, kapalit lamang ng kanyang puso.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Lawyer’s Unexpected Obsession

The Lawyer’s Unexpected Obsession

Binigay ni Isabel ang lahat para sa pamilyang Santos—mula sa pagpapagamot ng lolo hanggang sa pagliligtas ng kumpanya gamit ang ₱500 milyon. Ngunit matapos ang dalawang taon ng sakripisyo, iniwan siya ng asawang si Anton para sa ibang babae, sabay bitaw ng malamig na: "Maghiwalay na tayo." Isang kasal. Dalawang taon ng sakripisyo. Isang pangungusap lang, binura ang lahat. At ngayong wala na siyang apelyidong "Mrs. Santos," sigurado ang lahat—magiging miserable ang buhay niya. Hindi nila alam—si Isabel ay isang makapangyarihang negosyante at kilala bilang "Dark Phoenix." Kaya nang alukin siya ng Santos family ng 1% shares para bumalik, natawa lang siya: "Ganyan ba kababa tingin niyo sa’kin?" At nang muling magmakaawa ang dating asawa, may lalaking humarang; tumitig ang lalaki nang direkta sa kanyang mga mata, walang takot, walang pag-aalinlangan. "Akin siya. Hindi mo na siya maaangkin muli."
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night With A Billionaire

A Night With A Billionaire

Nakatakda nang ikasal si Serrie matapos siyang isalang ng magulang sa isang fixed marriage. Ngunit nagbago ang lahat nang aksidenteng may nangyari sa kanila ni Hidan Alijer. Ang kinatatakutang CEO at bilyunaryo ng kilalang construction company. Ngunit ang problemang iyon ay nasundan pa nang magbunga ang isang gabing pagsasalong iyon. Ngunit papaano kung malaman niyang ang lalaking nakatakdang ikasal sa kaniya at ang lalaking siyang ama ng batang dinadala niya ay iisa?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Real Husband

My Real Husband

Nang madiskbure ni Shaun na mayroong kinalaman ang matalik na kaibigan na si Cianne sa pagkamatay ng kan’yang kakambal na si Matt ay kinidnap niya ito upang parusahan. Nakatakas si Cianne ngunit mabilis niya itong nahanap, ngunit ikinagulat niya nang madiskubreng mayroon itong kambal na anak. Nagbunga pala ang gabing pinagsaluhan nila, na inakala nito’ng siya ay si Matt na matagal na nitong hinahangaan. Binahay niya ang mag-iina, kahit pa taliwas iyon sa kagustuhan ni Cianne. Unti-unti ay nahulog ang loob niya para sa babae. Handa niya ba’ng panindigan ang tibok ng puso kahit pa ito ang rason nang malagim na sinapit ng kan’yang kakambal?
Romance
1017.3K viewsCompleted
Read
Add to library
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Romance
9.927.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MR SEA-MANLOLOKO

MR SEA-MANLOLOKO

Binansagan siyang NOTORIOUS PLAYBOY ng mga pinsan. Siya si ClarenceKeithMckevinMondragon. Dahil kung magpalit siya ng babae sa buhay ay parang damit na kung ayaw ay basta na lamang tanggalin at ibato kung saan. Hanggang sa basta na lamang sumulpot ang babaeng nais magpakamatay sa kaniyang barko. Si Maria Concepcion Herrera isang lady pilot ng Swedish Airlines. Nang dahil sa kagustuhang lumayo sa pamilyang magulo ay hindi siya umuwi ng walong taon. Maari siyang mabuhay ng hindi nagtatrabaho dahil sa laki ng kumpanya at assets ng mga Herrera. Subalit nang nalaman ang katotohanan sa pamilyang inabandona ng maraming taon ay muli siyang lumayo at napadpad sa MARGARITA INTERNATIONAL CRUISESHIP.
Romance
1.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Midnight Rain

Midnight Rain

Juris Angela
There is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag ng dalaga. Isang panaginip na gumugulo sa tahimik niyang isipan. Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat ng iyon nang mag-krus ang kanilang landas ng isang binata. He is the mysterious guy who she often caught standing in front of her house at midnight every single time the rain pours. Noong una ang akala niya ay masamang loob. Ngunit lumipas ang mga gabi, sa maraming beses itong bumabalik doon at tila naghihintay. Curiosity kicks in. Isang gabi nang maabutan niya ulit ang lalaki sa tapat ng kanyang bahay, naglakas-loob nang lapitan ni Luisa ito. Nang gabing iyon ay nakilala niya si Levi. He is waiting for someone. Iyon ang dahilan kung bakit ito naroon at madalas maghintay. Lumipas ang mga araw at linggo, sa tuwing bumubuhos ang ulan, palagi pa rin niyang natatagpuan doon si Levi. Hanggang isang gabi ay pasukin ng masamang loob ang bahay ni Luisa, nanganib ang kanyang buhay, at ang unang nagligtas sa kanya ay walang iba kung hindi si Levi. Mulan ang gabing iyon, mula sa pagtayo nito sa labas ay tuluyan nang binuksan ni Luisa ang pinto ng kanyang tahanan sa binata. Luisa finally found a friend and comfort in Levi. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng kulay ang buhay niyang puno ng kalungkutan at katanungan. Hanggang sa tuluyan nahulog ang puso ni Luisa kay Levi. Nagkaroon ng kabuluhan ang lahat nang masuklian ng binata ang kanyang damdamin. Sa gitna ng masaya at bagong pag-ibig, paano kung malaman ni Luisa isang umaga na ang lahat tungkol kay Levi ay hindi totoo?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status