Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
Hinila siya nito papalapit, isang yakap na mahigpit, mainit, at puno ng lambing kahit basa pa ang kanilang damit.
Pagkatapos nilang magbihis, naghanda siya ng mainit na kape. Umuulan pa rin sa labas, kaya mas lalo silang nakaramdam ng coziness. Naupo sila sa sala, magkatabi sa sofa, hawak ang tig-isang mug.
“Grabe, ang sarap ng kape kapag ikaw ang gumawa. Parang kahit simpleng bagay, nagiging espesyal,” anitong nakangiti habang humihigop ng kape.