Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
4.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Mister ng Utangera ang Mafia King

Mister ng Utangera ang Mafia King

Maria Angela Gonzales
Utang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. "I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. "I like you para sa apo kong si Jiwan." "No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The Governor's Daughter

Hiding The Governor's Daughter

radynne
Warning: Mature Content | R18+ (ON-HOLD) Montessori Series #1 Because of the one night mistake, Serene Vasquez got pregnant by the one and only Governor Leon Rage Montessori. Her very first love and ultimate. Pero noong nalaman niyang nagbunga ito at nalaman niyang nagloko si Leon at ang kaibigan niya na si Victoria ay tumakas siya at mag-isang pinalaki si Eleanor Sage. After six years, bumalik si Serene sa Marinduque, dahil sa hiling ng kaniyang ina. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahil nagkita ulit sila ni Leon, at sa kasamaang palad ay gusto nitong kunin ang anak nilang si Eleanor. She can't win because she lose from the start. She can't do everything no matter what she do, because he is dangerous. He is a Billionaire, CEO, and a freaking Governor. For the sake of her daughter and love to Leon Rage— she would do everything. Kahit na masaktan pa siya.
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Got Pregnant By The Boss

Accidentally Got Pregnant By The Boss

Si Tajiana Caprice Fuentes ay sinaktan at niloko ng fiancé niyang si Jared Villaluna kasama ang ahas niyang best friend na si Sandra Samaniego sa mismong anibersayo nila kaya naman naisipan niyang maglabas ng sama ng loob sa Kaiser Club at dito niya nakilala si Giovanni Maxence Regio na nag-pa-part time bilang isang Disk Jockey sa bar na ‘yon. Nalasing si Tajiana at dinala siya ni Xence sa condo nito at dala ng kalasingan, may nangyari sa kanila. Pagkagising niya ay agad siyang umalis dahil ayaw niyang maabutang gumising ang estrangherong nakatalik niya at nakakuha ng kaniyang virginity. Everything was a pure accidental lust. Kailangan niyang kalimutan ang pangyayari na ‘yon at ibaon na lamang sa limot ngunit hindi niya ito magagawa dahil nagbunga ang isang gabing paniniig nila ng binata na sadya namang itinadhana para maging boss niya.
Romance
1096.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Owned By The Mob Boss

Owned By The Mob Boss

"Kailangan mo ng pera; kailangan ko ng asawa." Si Peony Sinclair, isang workaholic na babae, ay nakilala si Mattia Luigi D'Amato, isang kilalang boss ng mafia na may madilim na sikreto. Habang si Peony ay nagtatrabaho nang husto para mabayaran ang ospital bills ng kaniyang ama, si Luigi ay busy sa pakikipagtalik sa iba't-ibang babae at pagtapos ay babawian niya ang mga ito ng buhay. Sa patuloy na pag-angat ng gastusin sa ospital, kinakailangan ni Peony ng malaking halaga ng pera. Sa kaniyang desperasyon, natagpuan niya ang sarili sa isang auction matapos siyang lokohin ng isang babae na nangakong magbigay sa kan'ya ng magandang trabaho at malaking sahod. Magiging simbolo ba si Peony ng pagbabago para kay Luigi, o haharapin niya ang parehong kapalaran ng ibang biktima ni Luigi?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Obsession is My Sweetest Revenge

His Obsession is My Sweetest Revenge

Nawala ang mga magulang ni Talitha dahil sa kagagawan ng pamilya Salvador. Kaya ang paghihiganti ang tanging tibok ng kanyang puso. Upang magkawatak-watak ang mga ito, pumasok si Talitha sa mansion nila bilang isang katulong. Ang kaniyang plano? Akitin ang ama ng tahanan at ang nag-iisang anak nilang lalaki. Naniniwala si Talitha na madali niyang maisasagawa ang kaniyang plano—dahil siya ang palay na kusang lalapit sa mga manok. Ngunit nang makilala niya si Locke Salvador, ang tanging tagapagmana, nagbago ang lahat. Si Locke ay singlamig ng yelo at tila walang interes sa sinuman. Kaya ang laro ay bumaliktad: Mula sa pagiging mang-aakit, bigla siyang naging biktima ng mapanganib na atensyon ni Locke. Ngayon, hindi na lamang paghihiganti ang laro. Kailangang maging handa si Talitha na gamitin ang nakakapasong obsesyon ni Locke para matapos ang misyon na nagsimula sa paghihiganti at pighati.
Romance
10601 viewsOngoing
Read
Add to library
"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

Habang iniwan ni Elara ang kanyang mayamang pamilya upang mamuhay ng isang payak na buhay, nakilala niya si Nathaniel Anderson—ang anak ng isang bilyonaryo na nais patunayan ang sarili nang hindi umaasa sa yaman ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal, nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang nangailangan si Nathaniel ng tulong upang matupad ang kanyang mga pangarap, buong puso siyang sinuportahan ni Elara. Ngunit nang bumalik ang dating pag-ibig ni Nathaniel, gumuho ang kanilang kasal. Sa gitna ng matinding pagtataksil at sakit, nagdesisyon si Elara na lumayo—dala ang isang lihim na magbabago sa kanilang kapalaran. Makalipas ang ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngayon, determinado si Nathaniel na bawiin ang babaeng minsang iniwan. Ngunit magpapadala pa ba si Elara sa dating damdamin, o tuluyan na siyang lalayo bilang isang lihim na bilyonarya?
Romance
1028.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status